Skip to playerSkip to main content
  • 9 hours ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Sa kaso po ni dating Pangulong Rodrigo Ruterte, hiniling ni Atty. Nicholas Kaufman na magbitiw bilang kanyang lead counsel.
00:09Hinihintay na lang ang desisyon ng International Criminal Court kaugnay po niyan.
00:13Pero sa tingin ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulla, delaying tactic lang yan. At nakatutok si Darlene Kai.
00:23Sa sunat ni Atty. Nicholas Kaufman sa International Criminal Court o ICC Trial Chamber 3 kahapon,
00:29formal niyang hiniling ang kanyang pag-withdraw o pagbibitiw bilang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Ruterte
00:35na lilitisin sa kasong crimes against humanity of murder kaugnay sa madugong war on drugs.
00:40Hindi binanggit ni Kaufman ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.
00:43Base sa opisyal na dokumentong nakapost sa ICC website, March 31, 2026 panatapos ang opisyal na engagement o kontrata ni
00:51Kaufman bilang counsel ng dating Pangulo.
00:54May 7, personal na pinuntahan ng defense team si Duterte sa kanyang detention facility para i-document ang pag-release
01:00o pagpayag ni Duterte na umalis si Kaufman
01:02at ang kagustuhan niyang kunin bilang kapalit ang isa pang abogado na redacted o hindi tinukoy sa pampublikong kopya ng
01:09dokumento.
01:10Sabi ni Kaufman, veterano na sa ICC ang bagong counsel ni Duterte kaya tiwala siya sa kakayahan nito.
01:16Sinabi na raw ni Kaufman sa bagong abogado ang mga pending deadline at siniguro sa kanyang bagong counsel na dadalo
01:22siya sa status conference sa May 27.
01:24Sa isang payag, sinabi ni Kaufman na karangalan na naging kinatawan siya ng dating Pangulo.
01:30Kapag inaprobahan ng ICC ang kanyang withdrawal, tiwala si Kaufman na nasa mabuting kamay si Duterte na tinawag niyang Tatay
01:37Digong.
01:37Kailangan pang-aprobahan ng ICC Trial Chamber 3 ang request ni Kaufman, gaya ng pag-aproba nito sa hiling ni
01:43Dov Jacobs sa magbitiw bilang associate counsel ni Duterte.
01:46Sa desisyong inilabas kahapon, sinabi ng Trial Chamber 3 na nagpayag si Duterte na i-reorganize ang kanyang defense team
01:53bilang paghahanda sa paglilitis.
01:56Nagdesisyon ng Trial Chamber 3 na aprubahan ng pagbibitiyo ni Jacobs sa paniniwalang wala itong abalang idudulot para sa mga
02:03abogado ng mga pamilya ng bitima ng drug war.
02:05Gusto nilang magsimula na sa lalong madaling panahon ang paglilitis kay Duterte.
02:10Sana raw masiguro na ang pagbabagong ito ay hindi magdudulot ng delay o pagkaantala ng proseso.
02:16Sabi ni ICC Assessant to Council Attorney Christina Conti, may karapatan si Duterte na mamili ng kanyang abogado pero dapat
02:22daw siguruhin na hindi ito makaaantala sa proseso.
02:26Hindi dapat ito makabagal kasi nasa bagong phase ng proceedings ito. Magsisimula pa lang ang trial. May panahon para maghanda.
02:36Ang trial naman ay hindi magsisimula kaanid-agad.
02:40Sa kanyang mga radio program kaninang umaga, tinawag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia na delaying tactic ang pagbitiyo ni Kaufman.
02:48Nais langan niya ng kampo ni Duterte na pahabain ang paglilitis.
02:51Hinihingi pa ng GMA News ang panig ng kampo ni Duterte.
02:56Darlene Cai, nakatutok 24 oras.
02:59Ikinababahala raw ng Partido Demokratiko Pilipino o PDP ang mga ulat ng umano'y warrant of arrest laban kay Senador
03:06Ronald Bato de la Rosa
03:07ay kay PDP Deputy National Spokesman Ferdinand Topacio.
03:11Kung totoo man daw ito, mariin nilang kinukundina ang anilay panibagong paglapastangan sa soberania at kasarinlan bilang isang bansa.
03:19Na tili raw nakatoon ang PDP para protektahan ng karapatan ni Dela Rosa at ng bawat Pilipinong lumalaban sa anilay
03:26pangaapi,
03:28pangaabuso ng kapangyarihan at korupsyon ng Administrasyong Marcos.
03:33Handa rin daw silang gamitin ang lahat ng paraan para gawin ito.
03:37MB работi down here.
03:40Mboteiki
03:40Mboteiki
03:41Mboteci
Comments

Recommended