00:00Mga iso sa Enerhiya, Pagkain at Kaligtasan ng ASEAN Nationals,
00:04kabilang yan sa mga tututukan sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit 2026.
00:10At live mula sa Cebu City, ang kasama natin si Ivan Mayrina.
00:14Ivan, magandang maga.
00:19Mayong buntag, Maris, mula dito sa Lalawigan ng Cebu,
00:23kung saan magaganap ngayon hanggang bukas ang 48th ASEAN Summit and Related Meetings.
00:2910 sa 11 leader ng mga ASEAN Member States ang inaasahang na-attend sa ASEAN Summit na ito,
00:36maliba na lang sa Myanmar na kinakatawan ng kanilang foreign minister.
00:40Ito rin ang kauna-unahang ASEAN Summit na magiging isa ng full-fledged member ang bansang Timor-Leste.
00:45Bilang ASEAN Chair ngayong taon, Maris,
00:47tatlong mahalagang prioridad nga ang tututukan sa mga pulong,
00:50ang kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:52Yan ay ang energy security, food security at safety ng ASEAN Nationals sa buong mundo.
00:58Napapanahon ayon sa Pangulo ang mga paksang ito,
01:00lalo ng energy security, bunsod ng oil crisis na nilikha ng sigalot sa Middle East.
01:06Sa summit na ito, pangunahan ng Pangulo ang diskusyon para maghanap ng mga pamamaraan
01:10para tiyaking stable ng energy supply sa ASEAN region
01:13at kung paano pa mas makakatugon sa epekto ng oil crisis.
01:17Isusulong ang pagpapatupad ng Memorandum of Understanding para sa ASEAN Power Grid.
01:21Ang pagpapalakas sa food security sa pamagitan ng malayang dalay ng mahalagang produkto
01:25at pagsuporta sa mga magsasaka at ng mga MSME
01:28at ang kaligtasan ng ASEAN Nationals sa mahalagang papel,
01:32hindi lang sa kanikralang mga bansa, kundi sa ekonomiya ng buong mundo.
01:36Bukod sa mga summit-related meetings,
01:38may nakatakab ng bilateral o one-on-one meeting din si Pangulong Bongbong Marcos
01:41kay Vietnamese Prime Minister Leming Hong.
01:45Inaasahan din ang inanpang mga impromptu o yung mga tinatawag na pull-asside meetings
01:48sa mga leader sa mga susunod na dalawang araw.
01:51Ngayong araw din, Maris, ang schedule ng BIMP-Iyaga
01:54o yung Brunei Darussalam Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area,
01:59isang matatawag nating sub-region sa ASEAN na para paunlarin
02:02ang mga remote areas sa mga nasabing bansa
02:04sa larangan ng agrikultura, turismo at edukasyon.
02:08Ang mga pagpupulong na ito, layon din palakasin ang kooperasyon
02:11sa larangan ng kalakalan at infrastruktura.
02:15Mamayang gabi naman, ang hapon ang inihanda ng first couple
02:18para sa mga bisita.
02:20At syempre, Maris, bilang host ng ASEAN,
02:23pagkakataon din ito para ibida ang mga tanawin
02:26at gayon din ang mayamang kultura
02:29at syempre ang world-class Filipino hospitality sa ating mga bisita.
02:33Kaya kita natin, handang-handa ang Cebu para sa 48th ASEAN Summit.
02:38Maris?
02:38Ivan, may impormasyon na ba tayo kung ano yung magiging agenda
02:42o yung pag-uusapan sa bilateral meeting ng Pilipinas at Vietnam?
02:49Maris, wala pa tayong impormasyon kung ano eksakto
02:52ang nasa agenda o kung anong pag-uusapan
02:55ng leader ng Pilipinas at Vietnam.
02:58Pero tulad ng nabanggit ng Pangulo,
03:00ang focus dito, energy security, food security.
03:03Sa larangan ng energy security, isa sa mga oil-producing countries sa ASEAN ang Vietnam.
03:10So maaaring mapag-uusapan din kung paano mapapaganda
03:14o magiging mas stable ang supply ng oil o ng energy ng Pilipinas.
03:21At ang Vietnam ay isa rin sa pinakamalaking pinagkukunan ng ating bigas na inaangkat.
03:26Kaya marahil mapag-uusapan din yan sa larangan ng food security at agriculture cooperation, Maris.
03:31Tama, lalo na. Nagmamahal din yung presyo ng bigas.
03:34Pero, Ivan, speaking of energy security,
03:37at kanina binanggit mo nga sa iyong report na may mga posibleng pull-aside na meeting,
03:41posible rin ba ang kausapin ng Pangulo ng Malaysia
03:44dahil ito yung isa sa mga nagsusupply din ng langis sa Pilipinas ngayong may krisis?
03:51Yes, katunayan, Maris. Meron tayong supply ng diesel na nanggaling sa Malaysia very recently
03:56nung itong kasagsagan, itong sigalot sa Middle East.
04:00Natanong kahapon yan, Maris, sa press conference na kinatawa ng DFA.
04:04Wala namang binanggit na specific country nakakausapin,
04:08kaugnay ng pagkuhan natin ng supply mula sa kanila.
04:11Pero tulad nga ng nabagit mo, tama, maaaring makausap din ang Malaysia para sa ating oil supply.
04:17Pero ang pangkalahatang sagot sa tanong na yan ng kinatawa ng DFA ay
04:22kung ano man ang mga magiging pagpupulong ay tiyak magkakaroon ng kapakinabangan
04:27hindi lamang ang Pilipinas kundi ang ASEAN bilang isang regional bloc.
04:32Alright, Ivan. Makikibalitan na rin ako dun sa Code of Conduct sa South China Sea.
04:37Gaano kalaki yung posibilidad na mabubuo na ito dito sa ating chairmanship?
04:42Kasi nung nag-cover tayo sa Malaysia nung isang taon, yan ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos
04:48na talagang inaasahan at of course, hinohope niya na makamit natin sa ating chairmanship.
04:57Yes, Maris, natanod din natin ng Pangulo dyan some time ago tungkol sa magiging push ng Pilipinas.
05:03Since tayo ang chair this year's ASEAN, definitely we will try to push na magkaroon na ng binding Code of
05:13Conduct sa South China Sea.
05:14Pero tulad nga ng nabangit natin, nagkaroon ng konting refocus sa mga paksa na bibigyan din dito sa ASEAN na
05:26ito.
05:26Kaya maaaring ma-raise din, definitely erase ang Code of Conduct.
05:31Pero yung makapag-conclude na tayo na isang binding Code of Conduct, hindi pa natin masasabihan.
05:36At mukhang malabo pa yan, Maris.
05:37At mahaba-haba pang negosyasyon ang tatahakin yan bago magkaroon ng kasunduan.
05:43Huli na lang, aasahan ba natin na darating din yung mismong leader ng China, lalo't dumarating naman din ang presidente
05:50ng China sa mga nakaraang mga ASEAN summits?
05:56Wala. Maris, for this particular summit and meetings, hindi naasahan ng kinatawa ng ibang mga bansa, yung mga ASEAN plus
06:05mga East Asia summit, mga ganyan.
06:07Wala.
06:08Bandang ulipa yan.
06:08ASEAN member states lang muna itong ASEAN na ito later this year.
06:11Possibly magkaroon ng mga ibang mga dialogue partners, Maris.
06:15Alright. Maraming maraming salamat. Daghang salamat, Ivan Mayrina.
Comments