00:00Sino nga ba si Franco Mabanta?
00:02Isang kilalang social media personality, digital strategist at political commentator si Mabanta.
00:08Sa isang Facebook post noong 2019, sinabi niyang siya ang Chief Social Media Director
00:13sa kampanya ni Bongbong Marcos nang tumakbo ito sa pagkabise-presidente noong 2016.
00:19Sa hiwalay na post, tinawag din na kaibigan ni Mabanta, si Marcos.
00:23May mga literato rin sa Instagram na kasama ni Mabanta ang Pangulo, maging ang unang ginang.
00:29May mga Instagram post din, si Mabanta kaugnay sa tambalang unity ng Pangulo at ng bise bago ang 2022 elections.
00:37Sa kabila nito, itinanggi ng Malacanang na may kaugnayan o relasyon si Pangulong Marcos kay Mabanta.
00:44Sabay giit na baka ang dapat natanungin ay ang ugnayan nito sa mga Duterte.
00:49Hindi po siya kaibigan ng Pangulo, pero siguro mas nanaisip ko po kung ito po ang inyong itatanong
00:56dahil ito po ay mismong pinos ni Franco Mabanta.
01:01Baka ito po ang itanong niyo kung ano po ang relasyon niya sa mga Duterte.
01:13Nandiyan pa nga po si Harry Roque.
01:15Kayo po ang magtanong sa kanya.
01:17Lalong-lalo na po, marami naman po yata siyang features na kanyang mga articles na halos ay kumakalaban sa administrasyon.
01:27Kuha noong 2018 ang mga ipinakitang larawan ni Mabanta kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte
01:33at ni dating presidential spokesperson Harry Roque.
01:372018 ang magbahagi ng post si Mabanta kaugnay sa shoot ng documentary na The Duterte Phenomenon.
01:44May mga literato rin si Mabanta kasama ni Nooy Davao City Mayor Sara Duterte.
01:482024 naman ang itatag ni Mabanta ang Peanut Gallery Media Network o PGMN,
01:54isang digital media platform na nakatoon sa politika at iba pang mga issue.
Comments