00:00Inutusan ng Energy Regulatory Commission na mga power distributor na
00:04wag munang putulan ng kuryente ang mga hindi makapagbabayad mula ngayong Mayo hanggang Hulyo.
00:11Sabi ng ERC, sakop niya ng lahat ng residential at non-residential area sa bansa.
00:17Pinayagan din ng ERC ang hanggang tatlong buwang installment o utay-utay na pagbabayad
00:22sa mga kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.
00:25Inutusan din ng ERC ang mga power generation at transmission companies
00:30na utay-utayin ng hanggang tatlong buwan ang singil sa mga power distributor.
00:35Layunin ang utos ng ERC na maibsan ang epekto ng mahal na singil sa kuryente
00:41ngayong may national energy emergency sa bansa.
00:44Bunsod ng gera sa Middle East.
Comments