00:01Ngayon po may crisis pa rin sa langis, sinasabing pinaka-napupuruhan ang mga Pilipino nasa poverty line.
00:07Sila po yung mga household na kumikita ng mas mababa sa 13,873 pesos kada buwan.
00:15Kaya bilang tulong po, may mga programa at ayuda ang pamahalaan para sa kanila.
00:19Mabuti pa sila, sabi naman ng ilang middle-income household o nasa middle class,
00:23na bagaman hindi may tuturing na mahirap, madali silang masadlak sa kahirapan sa panahon ng krisis
00:30ayon sa Philippine Institute for Development Studies o PIDS.
00:34Apektado ng krisis pero hindi direktang nakatatanggap ng tulong mula sa gobyerno.
00:39Kaya tanong ng middle class, paano naman kami?
00:42Nahati ang middle class household sa tatlong kategorya, depende sa kabuo ang sahod kada buwan.
00:48Ang mga lower middle income household ay kumikita ng mahigit 27,000 pesos hanggang mahigit 55,000 pesos kada buwan.
00:58Pasok naman sa middle income household ang may mahigit 55,000 hanggang mahigit 97,000 pesos nakita kada buwan.
01:07At ang upper middle income household, mahigit 97,000 pesos hanggang mahigit 166,000 pesos ang buwan ng family income.
01:19Ayon po sa global tax police expert na si Mon Abrea, tinatawag ding working class sa middle class sector.
01:27Pasok kasi rito ang mga manggagawa na kinakaltasan ng buwis sa kanila mga sweldo.
01:33Nagbabayad ng tax pero walang ayuda.
01:36Ayon pa sa PIDs, hindi gaanong secure ang finances ng middle class lalo na kapag may nagkasakit sa pamilya.
01:45Hindi nga raw gaanong applicable ang kasabihang kapag may isinuksok, may madudukot.
01:52Ang mga nasa middle class, kapag dinukot ang isinuksok, meron pa kayang kasunod?
01:58Kaya po, saan daw sila makakaasa ng tulong kapag sila'y naghirap sa isang iglap?
02:07Isa sa mga pinag-aaralan ng PhilHealth, magbigay po ng dagdag-benepisyo para sa mga miyembro nito.
02:17Sinusulong naman sa Senado na suspindihin muna ang pension premium sa SSS at GSIS.
02:24Kung sakali, siyam hanggang 10% ng kanilang sweldo ang maaaring maibalik sa kanila.
02:33Sinusulong naman po na ibaba sa 10% ang kasalukuyang 12% na value-added tax of VAT sa mga
02:40produkto.
02:45At sa kamera naman, may nakabimbing panukalang batas okol sa pagpapalakas ng purchasing power na middle income taxpayers.
02:58Ngayon pong napakataas ng presyo ng mga produkto dahil sa krisis sa langis,
03:02ang pambili galing sa dugot-pawis ng maraming Pilipino.
03:07Mahalagang ramdam ng lahat ang suporta ng pamahalaan,
03:10ano mang socio-economic class na bibilang.
Comments