00:00Nasawi ang dalawang babaeng magkapatid matapos po matrap sa nasusunog nilang bahay sa San Mateo Rizal.
00:07Ang posibleng pinagmulan umano ng apoy pag-wielding sa isa sa mga bahay roon.
00:13Balitang hatid ni E.J. Gomez.
00:18Naglalagablab na apoy na may kasamang makapal at maitim na usok
00:23ang bumalot sa ilang bahay sa Barangay Malanday San Mateo Rizal
00:27pasado alas 11 ng umaga kahapon.
00:32Pahirapan ang pag-apula ng apoy dahil masisikipang daan sa nasusunog na compound ayon sa BFP.
00:43Maliliit po talaga yung eskinita and then tabi-tabi po yung bahay.
00:48Pagdating po talaga natin, talagang tubok na tubok na po at napakalaki na po ng apoy.
00:53Sa tapat po ng compound na nasusunog, dun po tayo pumuesto para mag-conduct ng par suppression activity.
00:59Mabilis na natupok ng apoy ang anim na bahay ayon sa barangay.
01:03Ito po ay nagsimula sa pag-wielding po ng bahay dahil nag-re-reperer po.
01:12Tumalsik po yung mga baga sa baba na tinamaan po yung mga kama.
01:17Linamunan ng apoy.
01:19Sinubukan pa raw nilang apolahin ang apoy gamit ang fire extinguisher pero di na kinaya.
01:24Damay rin sa sunog ang ilang kawad ng kuryente.
01:27Ayon sa barangaya, abot sa sampung pamilya o mahigit limampung individual ang apektado ng sunog.
01:34Dito sila pansamantalang nananatili sa basketball court ng barangay Malanday.
01:38Kabilang sa mga nasunugan ng pamilya Gangan na nagdadalamhati ngayon sa pagkamatay ng dalawang babaeng magkapatid na edad pito at
01:47labinsyam.
01:49Pag baba ko, bit-bit ko yung dalawang kong anak, hindi ko napansin na wala na sila sa tabi ko.
01:56Pag labas ko, yun po nagsisigaw na ako sa labas na nandun yung kapatid ko.
02:00Hindi ko na kasunod.
02:03Masakit, masakit.
02:05Dalawang buhay na wala.
02:09Pero ano yun?
02:12Biglaan na lang talaga eh.
02:14Hindi na namin alam kung anong gagawin.
02:15Natagpuan po natin sa second floor po, mga estimated 3.3 meters away from sa CR.
02:22During retrieval operations nga po natin doon, so ang dami na pong debris na nakapatong po sa kanila.
02:28Hindi ko po tinignan.
02:33Kasi pag nakita ko, bababago yung memory ko sa kanila.
02:38Sobrang sakit. Wala kasi kami nun.
02:42Pasensya na sa kanila.
02:45Bilang tatay nila, hindi ko sila naligtas.
02:48Natupok din ang bahay ni Evelyn, na nalaman na lang daw ang sunog mula sa livestream sa social media.
02:54May nasa lubong akong kapitbahay, ang sabi, nasusunog daw yung bahay ko.
02:59Kaya umuwi ako dali-dali, as in talagang malaking-malaking apoy.
03:04Wala na, wala na. Totally yung taas namin.
03:08Talagang washout.
03:09Ayon sa BFP, mahigit 400,000 piso ang halaga ng pinsala.
03:14Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa sunog na naapula kahapon ng tanghali.
03:20EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
Comments