00:00Nagkasunog po sa Barangay Tumana sa Marikina kanina, may unang balita live si EJ Gomez.
00:06EJ!
00:10Ivan, ginising nga ng sunog ang mga residente rito sa Barangay Tumana Marikina City
00:15kaninang pasado alas 4 ng madaling araw.
00:18Ang mga apektadong pamilya, walang naisalbang gamit.
00:23Nabulabog ng nangangalit na apoy ang mga residente rito sa Palay Street, Barangay Tumana Marikina City
00:29kaninang pasado alas 4 ng madaling araw na paupo na lang sa harap ng nasusunog niyang bahay si Jimmy.
00:37Wala raw siyang naisalbang gamit.
00:39Nagising na lang daw sila dahil sa makapal na usok.
00:42Damay rin sa sunog ang bahay ng pamilya ni Roldan.
00:46Ginising na lang daw siya ng kanyang asawa kasunod na mga sigaw na narinig sa labas ng kanilang bahay.
00:52Nagtamurin siya ng lapno sa kanyang kaliwang balikat.
00:55Wala rin daw silang naisalbang anumang gamit.
00:57Na iligtas naman daw nila ang alaga nilang aso.
01:00Ayon sa BFP, nasa labing-anim na fire trucks ng BFP at fire volunteers ang rumispondi sa sunog.
01:07Inaalam pa ng BFP ang sanhinang apoy, gayon din ang halaga ng pinsala.
01:12Tuluyang naapulang apoy kaninang 5.12am.
01:38Ang daming mga kaibigan ng mga kapit-bahay na inapula namin dito, wala.
01:42Hindi namin kinaya. Masyado ng malakas yung apoy.
01:49Ivan, umabot lang sa unang alarma itong sunog.
01:52At sa mga puntong ito, nakikita natin sa aking likuran,
01:55nakakordon na itong mga apektadong bahay habang patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection.
02:02Yan ang unang balita mula po rito sa Marikina City.
02:05EJ Gomez, GMA News.
02:08GMA News.
02:13GMA News.
02:13GMA News.
02:14GMA News.
Comments