00:00Dahil ayaw na anya ni dating Vice President Lenny Robredo na tumakbo sa national position sa 2028,
00:07isang dating mukha ng Liberal Party ang sinusulong na maging pambato sa susunod na presidential race.
00:15Ang gusto ni Congressman Edgar Arise na tumakbo, si dating Sen. Mar Rojas.
00:21Nakatutok si Darlene Kai.
00:27I am convincing Mar Rojas to run.
00:29Yan ang ibinahagi ni Caloocan 2nd District Representative Edgar Arise sa media sa Kamara kaninang umaga.
00:35Sabi ni Arise, isa lang daw siya sa mga kumakausap kay Rojas na kapartido niya sa Liberal Party.
00:41Sir, did he say that he's open to it?
00:43Sa pagkakakilala ko sa kanya, mahal niya ang bayan at hindi siya tatanggi sa tawag ng bayan.
00:53Matatandaang ng unang tumakbo sa pagpangulo si Rojas noong 2016,
00:56tinalo siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na aminado si Arise na iniinda pa ni Rojas.
01:03Alam mo si Mar Rojas, para yung naligaw, binasted, masakit sa kanya, yung pagkakabasted sa kanya.
01:13Pero sa nangyayari sa bayan natin, dahil mahal niya yung bayan natin,
01:20abay, nasasaktan yan.
01:22At pag tinawag mo yan, lalaban niyang para sa bayan.
01:27Sinusubukan ng GMA News na hinga ng reaksyon si Rojas pero hindi pa siya sumasagot sa aming mensahe.
01:32Tanong ng mga reporter kay Arise, paano raw ang tagal-liberal party rin na si dating Vice President Lenny Robreto
01:38na nagsabi ng sa lokal na eleksyon na lamang kakandidato.
01:42Paayaw niya eh.
01:44Di ba sinabi niya ayaw niya?
01:45Kung siya, di siya.
01:46Kung siya mapili, di ba?
01:48Pero sabi niya ayaw niya.
01:49Baka magalit na yun, kapipilit natin.
01:52Nauna nang naghayag ng intensyong kumandidato sa pagkapangulo si Vice President Sara Duterte
01:57na nahaharap naman ngayon sa impeachment proceedings.
02:00Paano kung makakatuloy kayo pag-uwas pag na-impeach si Vice President Sara?
02:04Pag na-impeach si Vice President Sara, ang maglalaban yung dilaw sa kayong pula.
02:11Kaya mas maganda nga, hindi ma-impeach eh.
02:13Dahil walang kumandidato yung pula.
02:14Dilaw na lang kami.
02:16Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
02:21Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
Comments