Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Oil price adjustment, nakaamba habang LPG may price rollback bukas; ADB, kinilala ang mga hakbang ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng krisis sa Middle East sa bansa | ulat ni JM Thompson

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, panibagong pagalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo at liquefied petroleum gas
00:06ang ipatutupad bukas.
00:08Sa harap niyan, puspusan pa rin ang hakbang ng pamahalaan
00:12para maibsan ang efekto nito sa ating mga kababayan,
00:15bagay na binibigyang pagkilala ng Asian Development Bank.
00:20Si J.M. Thompson sa Sentro ng Balita.
00:25Muling nangangamba ang ilan nating mga kababayan
00:28dahil sa pabago-bagong pagalaw ng presyo ng langis.
00:31Kagaya na lang ni Mark Bagares na 12 oras nang bumabiyahe
00:34para lang may maiuwi sa kanyang pamilya.
00:37Bukod kasi sa renta sa bahay at pang-araw-araw na gastusin,
00:41binabayaran din niya ang motor na ginagamit pang hanap buhay.
00:44Kaya naman bawat sentimo ay napakahalaga para kay Mark.
00:48Sobrang halaga sir, kahit piso lang yung pagtas, malaking efekto na yun sa amin.
00:53Lalo-lalo na sa amin na bumabiyahe, na mamasada,
00:59malaking bagay talaga sa amin yung ano eh.
01:03Siyempre, bawas kasi sa kita.
01:05Isa lang si Mark sa mga motoristang patuloy na bumabasada,
01:09kahit parang gulong ang presyo ng langis.
01:11Minsan nasa taas pero minsan nasa baba.
01:14Pero sa kabila nito, hindi siya nawawala ng pag-asa.
01:17Sana may balik kasi medyo talo na naman kami yan
01:20kasi yung presyo ng gas ngayon, compared sa pamasahe, hindi balanse.
01:26E intindihan din naman namin yung management na pag tinaas na yung per,
01:31aaray naman yung consumer.
01:33Pagkatapos ng ilang linggong sunod-sunod na pagbaba ng presyo ng langis,
01:37muli na namang tataas ng bahagya ang presyo ng produktong petrolyo.
01:42Ayon sa ilang gasolinahan, posibleng umabot sa dalawang piso
01:46ang itataas ng presyo ng diesel,
01:48habang ang gasolina ay tataas ng tatlo hanggang apat na piso kada litro.
01:53Ang kerosene naman ay tuloy-tuloy na bababa ng nasa tatlong piso kada litro
01:58at ang LPG, ayon sa inanunsyo ng regasco,
02:01bababa rin ng dalawang piso kada kilo ngayong May 5.
02:05Samantala, ayon sa inilabas na report ng Asian Development Bank o ADB,
02:10isa ang Pilipinas sa pinakaaktibo sa pagtugon sa pandaigdigang suliranin sa langis.
02:16Ayon sa ADB, ang Pilipinas ay nakapaglatag ng mga polisiya at aksyon
02:20na nakatulong upang maprotektahan ang mga consumer
02:23para sa tuloy-tuloy na daloy ng ekonomiya,
02:26kahit pa ang bansa ay naitalaring isa sa malaki ang itinaas sa presyo ng langis.
02:32Binigyan di hindi ng malakay niyang na kahit hindi kontrolado
02:35ng bawat bansang apektado ng krisis sa Middle East,
02:38kontrolado naman ito ang tulong na kayang maibigay para sa mamamayan.
02:43Kabilang sa mga aksyon na ipinapatupad sa gitna ng suliranin sa langis
02:47ay ang targeted subsidies, assistance to transport workers,
02:50price monitoring, fuel supply safeguards at renewable energy initiatives.
02:56Dahil sa inaasahang muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo,
03:00patuloy namang sinisiguro ng Department of Energy o DOE
03:04na sapat ang supply ng langis sa bansa
03:06at ang kanilang mahigpit na monitoring sa mga gasolinahan
03:10na sumunod sa presyong itinatakda.
03:13JM Thompson, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended