00:00Binatikos ng kampo ng dating TV host na si Jay Sonza
00:03ang paraan at timing ng pag-aresto sa kanya.
00:06Sabi ng abogado ni Sonza,
00:08hindi makapagpiyansa ang kanyang kliente
00:11dahil long weekend at sarado ang mga korte.
00:14Nagresulta ito ng anyay unnecessary at prolonged
00:17o matagal na pagkakakulong ni Sonza
00:19na 71 taong gulang na.
00:22Paliwanag naman ng NBI,
00:24kahapon ng hapon lang lumabas ang warrant.
00:26Natagalan din daw ang paghahanap ng address niya
00:28kaya inabot na ng gabi.
00:31Nagpalipas na magdamag sa NBI Detention Facility
00:33sa Montinlupa si Sonza.
00:35Sa lunes sinasang iaharap siya sa Pasay Regional Trial Court
00:39na nag-issue ng warrant.
00:41Hinuli si Sonza kagabi
00:42para sa kasong unlawful use of means of publication
00:45at unlawful utterance.
00:48May kinalaman ito sa mga umunoy ipinakalat ni Sonza
00:51na pecking medical records ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:55Sa inilabas na arrest warrant ng korte,
00:57walang piyansa ang kaso ni Sonza
00:59bagay na kwekwasyonin daw ng kanyang mga abugado.
Comments