00:00Yung makipang lalo ang posibilidad na price hike ang ipatupad sa petrolyo sa susunod na linggo.
00:06Bukod pa yan, sa mahal ding singil sa kuryente,
00:09kaya ang kwenta sa isang bayarin sa bill, minaparipasong ng isang grupo.
00:13At nakatutok si Maki Pulido.
00:18May chain reaction tuwing tumataas ang presyo ng langis.
00:22Kung magmahal ang diesel, magmamahal ang transportasyon,
00:26kaya't magmamahal ang mga produkto.
00:28Gaya ng mga sangkap na mga pagkayang ibinibenta sa karinderya ni Dong.
00:32Hindi naman siya makapagtaas presyo dahil tumutumal ang benta.
00:36Wala naman kung taas na swildo sa ating mga manggagawa,
00:40kaya kami po ay kontrolado po namin yung mga ganun para naman hindi po mawawala sa amin yung customer.
00:47Hindi makapagprice increase si Dong,
00:49pero sa susunod na linggo, may posible na namang taas presyo sa diesel at gasolina.
00:55Sa Biyernes pa magkakaalaman kung magkano.
00:58Pero paliwanag ng oil industry source, tumaas na ang presyo sa world market
01:02dahil sa epekto sa supply ng patuloy na pagkakasara ng Strait of Hormuz,
01:07lumalalang tensyon sa Middle East at bumababang US crude inventory.
01:12Kung pagbabatayan ang bentahan sa mean of flat Singapore sa nakalipas na tatlong araw,
01:17posible raw mahigit 4 pesos na taas presyo sa litro ng diesel at mahigit 3 pesos naman sa gasolina.
01:38Mahal na nga ang petrolyo, mahal pa ang kuryente.
01:41Sa listahan ng mga binabayaran mo sa electric bill,
01:44kabilang din ang FIT-ALL o Feed-in Tariff Allowance at GAYA-ALL o Green Energy Auction Allowance
01:50para sa mga planta ng renewable energy.
01:53Pero paglilinaw ng isang dating Energy Department official,
01:56yan ang kuryenteng nakonsumo mo na mula sa renewable energy sources.
02:01Hindi siya subsidy but it's actually payment for the electricity generated from renewable energy.
02:08We actually consumed it. Kaya yan yung sinacharge sa atin.
02:14Nakahiwalay sa generation charge ang FIT-ALL at GAYA-ALL dahil iba ang mekanismong ginamit dito.
02:20Bilang insentibo kasi sa mga negosyante para pasukin ang renewable energy.
02:24Sa halip na dumaan sa bidding process ng mga distribution utilities,
02:29gobyerno ang bumili ng kuryente ng mga renewable energy plant
02:32para matiyak na lumaki ang renewable energy sa kabuoang energy mix ng bansa.
02:38Nakapaloob yan sa Renewable Energy Act of 2008.
02:42Kung aalisin natin yan, mawawala yung mga,
02:47mapabawasan po yung renewable energy projects natin.
02:51At mapabawasan yung power natin.
02:53Okay.
02:57So, mapabawasan nila dami na yung mga coal natin, yung mga diesel natin.
03:02At at the same time, mapabawasan po yung power.
03:06Sa electric bill na ito, 36.68 pesos ang singil para sa FIT-ALL at GAYA-ALL.
03:12Pero sabi ng Power for People Coalition,
03:14dapat repasuhin o i-update na ang computation ng mga ito
03:18dahil habang tumatagal at dumarami,
03:20nagmumura na ang renewable energy.
03:23Kasi yun yung nature ng R.E.
03:26Habang dumadami ang nagso-solar,
03:28ang production po, bumababa talaga.
03:30So, nag-expand na nag-expand,
03:32pamura ng pamura.
03:33Makipulido na katutok, 24 oras.
Comments