00:00Samantala posibleng umabot po o nakadepende sa batas at polisiya na member state ng European Union
00:06ang aplikasyon sa political asylum ng isang non-EU national ayon sa European Union Ambassador to the Philippines.
00:14Sinabi niya yan sa eksklusibong panayam ng GMA News kaugnay sa political asylum application ni Zaldico sa France.
00:21Ibinida rin ng ambasador ang pinaplansyang free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at European Union.
00:28May unang balita si JP Soriano.
00:58At ng mga produktong Pilipino na ibinibenta sa mga bansa sa European Union.
01:03Sa eksklusibong panayam ng GMA News kay Massimo Santoro, European Union Ambassador to the Philippines,
01:10sinabi niyang ito na ang tamang taon para matapos ang negosyasyon.
01:14I hope it's sooner than later this year.
01:17The rest will depend, no pressure, on the ability for negotiators to come to an end.
01:2227 bansa ang kasapi ng European Union, kabilang ng ilan sa pinakamalalaking ekonomiya sa mundo,
01:28gaya ng France, Germany, Spain, Sweden at Denmark.
01:32For the Philippines, it will also translate into interesting job creation opportunities
01:38because clearly when investors from the European Union come to the Philippines,
01:43this also implies having more job opportunities for Filipino citizens.
01:48Baliban sa trade, gusto rin daw palawakin pa ng EU ang National Copernicus Capacity Support Action Program
01:54for the Philippines, o COFIL, na isang 10 million euro EU-funded program.
01:59The COFIL, Mr. Ambassador, what specific commitments have you, is EU giving to the Philippines
02:07in terms of that particular project?
02:10It's a system of satellites allowing for the observation of Earth from higher than the sky
02:17and for ensuring, for example, again in terms of concrete impact for the Filipino people,
02:22checking crops, checking the consequences of natural disasters,
02:27trying also to help when it is about containing the consequences of the natural disasters.
02:33Sa usapin naman ng maritime security, sinabi ni Santoro na naglunsad na ang EU at Pilipinas
02:38ng dialogue sa security and defense, kabilang na ang kooperasyon sa maritime issues.
02:44Aniya, parehong naninindigan ang EU at Pilipinas para sa international rules-based order,
02:49kapayapaan at katatagad sa South China Sea.
02:52Ayon kay Santoro, suportado ng EU ang Pilipinas bilang ASEAN chair sa pagsusulong ng isang makabuluhang
02:59Code of Conduct sa South China Sea.
03:01Ang Code of Conduct ay ang ilang dekada ng binubuo na kasunduan na magiging alintuntunit sa South China Sea
03:07sa pagitan ng China, Pilipinas at iba pang bansa sa Southeast Asia na may inaangkinding bahagi sa South China Sea.
03:15Dahil kapwa kasapi ng European Union, ang Czech Republic at France,
03:20pinanong din namin ang EU ambasador tungkol kay Saldico
03:23na sa huling impormasyon ng Malacanang ay nasa France para huminig ng political asylum.
03:28Sinabi ni Santoro na sa ganitong mga kaso,
03:31ano mang aksyon sa isang non-EU national na humihingi ng asylum
03:35ay nakadepende sa batas at national competence ng EU member state.
03:40The very specific answer would very much depend on a case-by-case analysis of the situation.
03:47Again, when in any case, the national competence of each and every member states have to be fully respected.
03:54Pusibli rin daw ang koordinasyon sa pagitan ng Pilipinas ng EU member state
03:59at ng international agencies gaya ng Interpol.
04:03Kahapon, nakapulong ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.,
04:06si na French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel
04:09at Czech Republic Chargedy Affairs Eva Tenzin sa Malacanang.
04:13Ayon sa Presidential Communications Office,
04:15humiling ang Pangulo ng karagdagang impormasyon mula sa kinatawa ng Czech Republic
04:19kabilang na ang rason kung bakit pinakawalan si Ko matapos maharang
04:24dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento.
04:26Umaasaraw ang Pangulo sa mas maikting na polis, legal at judicial cooperation sa France at Czech Republic
04:32para maibalik si Ko sa Pilipinas at mapanagot sa batas.
04:37Ito ang unang balita, JP Soriano, GMA News.
Comments