00:00Mas pinalawak na maternity benefits ng PhilHealth ipatutupad na simula bukas.
00:06Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, mula sa dating P9,750 na sasagutin ang PhilHealth sa normal delivery,
00:12gagawin na itong P29,000.
00:15Hanggang P62,000 naman ang sagot ng PhilHealth kung cesarean o C-section.
00:21Mas malawak na rin ang prenatal at postnatal care.
00:24Hanggang walong prenatal check-up na kasi ang sagot ng PhilHealth,
00:27dagdag pa mga bakuna at laboratory test, pati na ang tatlong follow-up visit matapos ang panganganak.
00:34Panibagong all-time record loan ng piso kontra dolyar, naitala.
00:39Nagsara ang palitan sa P61.56 kada dolyar ngayong araw.
00:45Mas mahina yan kesa sa P61.30 na naitala kahapon.
00:49Nangangamba ngilang eksperto na bubulusok pang lalo ang piso na magdudulot ng mas mataas na presyo ng produkto at servisyo.
00:56Maraming mga Pilipino ang mahihirapan dahil ang ating mga pangangailangan ay karamihan ay important.
01:08Agad-agaran yan. Mararanasan natin na ang bulsa natin ay bumababaw at ang sinturo natin ay humihigpit.
01:19Ako si Dano Tingkung, ko ang inyong saksi.
Comments