Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Susan, good morning.
00:04Bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan para sa disiplina at kalinisan sa Metro Manila,
00:12huhulihin na ang mga lalabag sa anti-littering ordinance sa tulong ng no-contact apprehension policy o NCAP cameras.
00:24Sa mga nasanay ng magtapo ng kung ano-anong basura sa mga lansangan, estero o kalsada,
00:31posibleng mahuli na kayo ng NCAP cameras.
00:35Simula kasi ngayong linggo, huhulihin na ng MMDA ang mga lalabag sa anti-littering regulation
00:41sa ilalim ng Expanded No Contact Apprehension Policy o NCAP ng gobyerno.
00:46Ayon sa MMDA, layunin ang bagong programa na matugunan ang patuloy na problema sa basura sa mga lansangan at estero
00:54kung saan umaabot sa 7 tonelada ang nahahakot ng ahensya kada araw.
01:00Magiging basihan daw sa paghuli ang mga CCTV cameras na naka-install sa iba't ibang lugar sa Metro Manila.
01:06Kabilang dyan ang AI-powered cameras ng MMDA na ginagamit sa real-time monitoring at pagtukoy ng violations sa NCAP
01:13ayon kay MMDA General Manager Nicola Story III, naniniwala ang MMDA na makatutulong ang teknolohiya
01:20para sa mas mabilis at patas na pagpapanagot sa violators.
01:24Maganda raw ang programang paghuli sa mga nagkakalat, sabi ng street sweeper na si Annaliza.
01:29Bilang street sweeper, araw-araw po ako nagwawalis. Ang gusto ko naman yung laging malinis.
01:35Okay po yun na, ano, nahuhulihin yung mga nagkakalat.
01:40Malaking bagay sa amin siya mga street sweeper na konti na lang, ano, disiplina po ng kailangan po
01:47kasi para malinis ang buong, ano, buong, ano ba ito, Manila.
01:53Pabor din ang taho vendor na si Reynaldo na araw-araw nakikita ang mga basura sa lansangan.
01:59Araw-araw po ang naglalako, marami pong basura na nakikita sa daan.
02:04Kung basta-basta magtapan po, baka ako tayo mauli, magmulta. Sayang din po yung kikitaya natin pag nahuli po tayo.
02:12Sabi naman ni Arnaldo, dapat talagang managot ang mga nagkakalat.
02:16Dahil ang mga basura, may balik sa mga tao, lalo tuwing may sakuna, tulad ng bagyo o baha.
02:23Mas maganda talaga tingnan kapag malinis yung lugar natin.
02:28Yun lang talaga kulang sa Pinoy, disiplining. Kasi kami, biktima din kami ng ganyan eh.
02:33Tapo nila, pagbaha, punta sa amin kahit di naman kami nagtatapo.
02:43Susan, sabi ng MMDA, noong nakaraang linggo, inaayos pa ang guidelines ng programa
02:49at yung kanilang koordinasyon sa mga local government unit.
02:52Pusible na sa mga susunod na araw ay ilabas na yan sa publiko.
02:55At yan, ang unang balita mula po dito sa Quezon City.
03:00EJ Gomez, GMA News.
Comments

Recommended