00:00Sa gitna ng bill shock ng ilang customer ng Miralco ngayong Abril,
00:04ang puna ng isang consumer group na pumimay sa mga bayarin sa bill,
00:08bakit hindi ipasalo sa gobyerno at Miralco,
00:11ang bayarin hindi naman sa aktual na konsumo?
00:14May report si Maki Pulido.
00:18Mahigit 2,000 pesos ang bill sa kuryente ni Ria noong Marso.
00:23Minsan mapapatanong ka na lang sa sarili mo,
00:26bakit ganito, nagtipid ka nga,
00:28pero parang wala din naman nangyari sa pagtitipid mo.
00:32Kung susuriin ang kanyang Miralco bill,
00:35206 pesos ang napunta sa 12% value-added tax o VAT,
00:40mahigit 218 pesos sa buwis,
00:43halos 50 pesos sa universal charges
00:45na nagsisilbing ambag para makuryentehan
00:48ang mga nasa malalayong lugar at mapangalagaan ang watershed.
00:52May lifeline subsidy na 1 peso and 56 centavos
00:56para sa mga nasa 4Ps at qualified marginalized sector
01:00at 114 pesos para sa systems laws
01:03o bayad para sa kuryenteing ninanakaw
01:06o nawawala habang dumadaloy sa kawad.
01:10Meron pang feed-in tariff allowance o FIT-ALL
01:13at green energy auction allowance o GAYA-ALL
01:16tulong daw sa mga mamumuhunan sa renewable energy
01:20bukod pa sa other charges na pwedeng gamitin sa bill deposit adjustment.
01:25Pero sabi ng Power for People Coalition,
01:29hindi naman parte ng konsumo ng kuryente
01:31ang mga singil na yan.
01:32Hindi yan responsibilidad ng mga electric consumers.
01:36Dapat yan yung mga nagninegosyo doon sa transmission, distribution.
01:41Akuin na nila yun.
01:43Kung aakuin ang gobyerno at meral ko
01:46ang mga singil at ihihinto ang pagbubuwis sa kuryente,
01:49halos 30% o katumbas na 591.27 pesos
01:54ang mababawas sa bill ni RIA.
01:58Hinukuha pa namin ang pahayag ng Finance Department
02:00kaugnay sa mungkahing suspindihin ang buwis.
02:0477 pesos naman ang bill ni RIA
02:06ang napupunta sa tumaas na transmission charge
02:09o singil ng NGCP para sa kanilang grid
02:12ang tulay ng mga planta patungo sa mga distribution utility
02:15tulad ng meral ko.
02:17Hinihingan pa namin ang pahayag ang NGCP.
02:21Pinakamalaki sa bill ang generation charge
02:23o singil ng mga planta ng kuryente.
02:25Karamihan sa mga plantang source ng meral ko
02:28ay gumagamit ng imported coal at liquefied natural gas.
02:32Kung magkano ang bill ng meral ko sa kuryente ng mga planta,
02:36ipapasa ito sa customers.
02:38Yan ang pass-through charges.
02:39Pero ayon sa isang energy expert
02:42sa mga pagkukuna ng kuryente,
02:44pinakamura sa singilan ang renewables
02:46gaya ng solar kesa coal at LNG.
02:50At kung yan ang gagamitin,
02:52nasa 440 pesos pa ang mababawa sa electric bill ni RIA
02:55base sa kwenta ng Power for People Coalition.
02:59Kung isasama yan sa lahat ng sanaybawa sa electric bill,
03:031,059 pesos lang sana ang babayaran ni RIA.
03:07Sabi ng meral ko,
03:08aprobado ng ERC ang lahat ng sinisingil nila.
03:11Masusi rin daw ang competitive selection process nila
03:14para matiyak na pinakasulit ang pagkukuna nila ng kuryente.
03:18Sabi naman ng ERC,
03:20sumusunod lang sila sa itinakda ng batas at mga pulisiya.
03:23Matagal na yan, 2001 pa yan.
03:26Ngayon ay nagbago kasi ng proseso at kung sino yung mga entitled.
03:33Pagkuna rin, dito sa Meralco area,
03:36ang consumo mo dapat ay hindi lalagpas ng 100 kilowatt hours
03:41para meron ka ring lifeline subsidy.
03:44Kaya nung 2021, sabi ng gobyerno,
03:46hindi, ang tulungan na lamang natin ay yung mga talagang kailangan ng tulong.
03:50Kaya na-identify po yung mga four-piece
03:54at saka yung mga marginalized ed users.
03:57Maki Pulido, GMA News.
Comments