00:01Sabay sa huling hearing bukas, e posibleng mangyari ang botohan ng House Committee on Justice
00:06kung may probable cause ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:12Ngayon pa lang, kumbinsido na ang ilan batay sa mga nabulgar sa mga nakaraang proceeding.
00:18Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:24Pusibleng bukas na ang huling hearing ng House Committee on Justice sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
00:32Dahil matatalakay na bukas ang umano'y tangka ng bise na ipapatay ang Pangulo, ang First Lady at ang dating
00:39House Speaker,
00:40posibleng bukas na rin pagbotohan ang komite kung may probable cause ang mga reklamo.
00:45Kung wala nang ibang inclination, ang Justice members, we should be ready to vote tomorrow.
00:52Malinaw na para sa ilang miyembro ng komite na sangayon silang may probable cause matapos ang mga nabunyag kamakailan.
01:00Mukhang may maleta rin ang vice presidente na kailangan niyang ipaliwanag.
01:04Hindi na rin anila maaapektuhan ang boto nila ng reklamo ng asawa ng bise laban sa ilang kongresista
01:11dahil sa pagpapalabas ng Anti-Money Laundering Council reports sa bank transactions nilang mag-asawa.
01:18Is it significant?
01:20It is not because we maintain the position na constitutional ang lahat,
01:26including the issuance of subpena of the AMLOC report.
01:30Bago bumoto sa probable cause bukas, pagbabotohan muna ng mga taga-House Committee on Justice
01:35kung bubuksan o hindi ang selyadong kahong isinumite ng Bureau of Internal Revenue
01:41na naglanaman ang income tax returns ng bise at ng kanyang asawa.
01:46Panawagan sa bise ng ilang civil society groups at ng obispo ng Iglesia Filipina Independiente
01:52o Aglipayan Church sa Northern Isabela dumalo sa huling hearing bukas.
01:57The Vice President should appear in the hearings initiated by the House
02:02and answer forthrightly the charges against her.
02:07Sa amin po sa simbahan ay hindi po matatawaran ang amin pong pananabik
02:14na malaman mismo sa bibig ng ating pangalawang Pangulo
02:20ang katotohanan ng Gil sa mga samotsaring katanungan sa kanya.
02:23Ang mga taga-suport pa naman ang bise, malinaw ang sigaw nang mag-rally sa labas ng Korte Suprema kanina.
02:31No to VP Sara Impeachment.
02:34Tina Panganiban Perez. Nakatutok 24 oras.
02:39Hiniling ng Kamara sa Korte Suprema na ibasura ang dalawang pinagsamang petisyon
02:45para ipatigil ang impeachment proceedings labang kay Vice President Sara Duterte.
02:49Sa inihahing comment opposition ng Kamara sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General,
02:56iginit nilang procedurally defective at walang sapat na basihan ang mga petisyon.
03:02Kaya dapat anilang ibasura rin ang hiling na temporary restraining order sa impeachment.
03:07Sabi ng opisina ng Solgen, walang horisdiksyon dito ang Korte Suprema dahil ang Senado bilang impeachment court
03:16ang may horisdiksyon sa pagtukoy kung sapat at may basihan ang impeachment complaints.
03:23Dagdag nito, walang nilabag na due process ang House Justice Committee sa impeachment proceedings laban sa vice.
03:29Iginit din ng Solgen na hindi nagsasagawa ng fishing expedition at hindi nilabag ang one-year bar rule.
Comments