00:00Posibleng makaranas ng rotational brownout sa ilang lugar dahil sa mababang supply ng diesel ng ilang power producer.
00:08Partikular na tinukoy ng National Power Corporation President na si Jericho Nograles sa panayam ng Super Radio DZBB
00:15ang mga lugar na sinusuplayan ng kanilang small power utilities group.
00:21Ito yung mga isolated o malayo sa mga pangunahing source ng kuryente tulad ng mga isla
00:27na karaniwang sinusuplayan ng mga diesel power plant.
00:31Naghihingalo na ang ilan dahil hindi na nila kayang magbayad ng diesel.
00:36At dahil napipilitang maghati-hati sa supply, ay kailangang magpatupad ng rotational brownout.
00:43Gayunman, walang problema sa ibang lugar na sinusuplayan ng NAPOCOR.
Comments