00:00At sinasabi niya, hindi na raw...
00:03Kung ang huling kumpirmadong lokasyon ni dating Congressman Zaldico ay ang Czech Republic,
00:07nasaan kaya siya ngayon?
00:09Ang sagot, posibleng kahit saan man sa malaking sakop ng Schengen area.
00:13What we can confirm is that he is within the Schengen area.
00:18Kung by land ang biyahe niya, may apat nakatabing bansa ang Czech Republic.
00:22Pero dati na siyang hinarang papasok sa Germany, kaya maaring hindi na siya doon dumaan ulit.
00:27Kaya posibleng sa Poland, Slovakia at Austria.
00:30Ibang usapan pa kung nakasakay si Ko ng eroplano.
00:33At posibleng makaabot saan man sa dalawang putsyam na bansang sakop ng Schengen area.
00:38May kasunduan kasi ang mga bansa dyan na kapag ang isang tao ay may Schengen visa,
00:42pwede na itong magpalipat-lipat sa mga bansa sa Schengen area nang hindi masyado nasisita.
00:48Kaya sabi ng international law expert na si Professor Michael Tew,
00:51mukhang mahihirapan ang gobyerno na hanapin ngayon si Ko.
00:55Kasi wala talagang checkpoint yung mga borders na yan.
01:00Wala talagang immigration.
01:01Para lang siyang expressway, para lang siyang mga daan.
01:04Meron lang mga signs sa gilid ng daan na nagsasabi,
01:08you are now entering this country or you are now leaving this country.
01:14This is the border.
01:15Pero walang nag-check.
01:16Kasi nga ang presumption is kapag nasa loob ka, nakapasok ka,
01:21ibig sabihin ay napayagan ka.
01:23Kadalasa lang daw kasing sine-check ang visa at pasaporte ng isang banyaga roon
01:27kapag sasakay sa public transportation kaya ng aeroplano at rin
01:31para ibangga sa hawak na ticket o kaya kung matitsyempohan ng random check.
01:35Makakaikot din siya kasi yung Schengen visa naman niya ay nasa passport din na naka-sticker.
01:43Diba? So kung hindi sine-check yung passport, hindi din sine-check yung Schengen visa.
01:50Pwede na nga lang kung kailangan ng ID.
01:53Kaya din siguro hindi natin naririnig na nagbubok siya ng mga flights, also mga trains.
01:59Sa ngayon, kanselado na ang pasaporte ni Ko.
02:02Pero kung sakaling may pagkakataong hanapan siya roon ng pasaporte at wala siyang may pakita,
02:06hindi naman daw ito agad-agad aarestuhin at idideport pabalik ng Pilipinas,
02:10sabi ni Professor Chu.
02:12Kailangan din ng rason ng mga otoridad na i-arrest siya
02:15kasi kung wala naman siyang nilabag na batas sa loob ng bansa na iyon
02:20at syempre ang presumption nila ay meron siyang valid na visa nung pumasok siya,
02:27wala din silang reason to arrest him.
02:30Pwede na nga lang kung meron silang na-alert na sila
02:33kasi for example merong red notice from the Interpol
02:37or merong other advice from their government to the law enforcement
02:42na itong taong ito ay fugitive in another country at nire-request ang kanyang surrender.
02:47Ayon sa Interpol o International Criminal Police Organization,
02:51ang isang red notice ay isang request sa mga alagad ng batas sa buong mundo
02:55para hanapin at arestuhin ang isang taong wanted sa kanyang bansa
02:59o ng isang international court.
03:01Hindi daw ito ay isang international arrest warrant.
03:04Sinusunod pa rin daw ang batas ng bawat bansa
03:06sa pagpapasya kung aarestuhin ang isang tao o hindi.
03:10Nobyembre pa nag-apply ng red notice sa Interpol ang Pilipinas para kay Co.
03:14Pero limang buwan na ang nakalipas, wala pa rin lumalabas.
03:17So may malaking kahulangan tayo dahil hindi natin naisumite ang lahat-lahat
03:22para makuha yung red notice na kinakailangan natin.
03:25Do we admit at the very least that there was also some fault on our end?
03:35Hindi ko. Kasi may proseso ang Interpol kung paat, kung kailan at paano nila ini-issue ang red notice.
03:41Yung sinasabing kulang na yun, pinag-aralan natin nga kung ano yung siya mga successful na folder tayo.
03:50Inulit natin. Wala naman nagsabing kulang.
03:54Kukukumpletohin. Tama ka doon.
03:56Pero pag tinignan natin, di ba?
03:58Ito yung mga nasa ibang folder na successful.
04:02So inulit natin, pinatibay natin, nag-coordinate tayo,
04:06nagkuha tayo ng mga official documents from the COA, from the Ombudsman,
04:11even from the Sandigang Bayan.
04:13Sabi ni Professor Chu, hindi naman kakaiba na inaabot ng buwan ang Interpol
04:18bago desisyonan ang red notice request
04:20dahil nire-review pa raw ito ng maigi ng mga eksperto ng Interpol,
04:24lalo na kung ang request ay political.
04:26Kasi meron sa konstitusyon ng Interpol na hindi pwedeng manghimasok
04:31ang Interpol sa political na mga issues ng isang bansa.
04:37So I think makikita natin before, nag-iissue ng red notice yung Interpol
04:41kapag klarong-klaro yung halimbawa yung krimen ay murder
04:47or physical assaults, yung mga ganun.
04:49Whereas here, although it is a crime, corruption,
04:54the review might also look at whether this is a political matter
04:58that the Interpol should not intervene.
05:01Jonathan Andal, Nakatutok 24 Horas.
Comments