00:01Isang makasaysayang halala na magaganap sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections ngayong taon ay tinuturing na mahalagang yugto sa pagpapatibay
00:11ng demokrasya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslimidanao o BARM.
00:15Sa unang pagkakataon, direktang pipili ang mga Bangsamoro voters ng kanilang mga kinatawan sa parlamento. Mula sa mga district representatives
00:25hanggang party representation bilang bahagi ng paglipat mula sa transitional government tungo sa ganap na parliamentary governance.
00:33Ayon kay Prof. Maluti Kia, isang political strategist at policy analyst, ito ay isang ultimate activity ng Bangsamoro upang makita
00:43kung handa na ba ang kanilang leaders sa pagkakaroon ng halalan sa kanilang pamahalaan.
00:48Ready na ba ho ang mga taga-Bangsamoro para magkaroon ng halalan ang kanilang mga leaders, magkakaroon ng mandate para
00:59sa kanilang kinabukasan. Napakahalaga rin ho, ito'y historical. Historical election po ito. Dito nakabatay ang kinabukasan ng Bangsamoro.
01:14Masusubukan din sa naturang halalan ang kakayahan ng BARM na mapatupad ng isang mapayapa at malinis na halalan.
01:22Ano yung proseso ng paghalal under the election code? Pangatlo, napakahalaga po yung malaman nyo yung balota? Ano ang design
01:34ng balota? Sinong iboboto? Ang iboboto ba party? Ang iboboto ba tao?
01:39O kasi iba't iba po yan pagdating sa district representative, pagdating sa party list representative at sektoral.
01:49Itinuturing ang 2026 BARM parliamentary elections bilang simbolo ng pagpapatuloy ng kapayapaan,
01:56sariling pamamahala at pagpapatibay ng Bangsamoro political autonomy.
02:01Ang challenge ng Bangsamoro lalo na dun sa mga political parties at sa kanilang mga leaders
02:07e matuloy ng mahinahon, maayos at ang mandato ng tao ay hindi mababaliktad.
02:15So lahat po tayo kailangang manood dito at alamin anong nangyayari kasi yung success po ng Bangsamoro sa historical election
02:25na ito
02:25ay pwede maging success ng Pilipinas.
02:29Gaganapin ang kauna-unahang regular ng BARM parliamentary election sa September 14, 2026.
02:35Patay sa inalabas sa calendar of activities, magsisimula ang paghahain ng certificates of candidacy o COCs
02:42para sa district representatives mula sa May 5 hanggang May 7, 2026.
02:48Nakatakda naman ang election period at gone ban mula July 16 hanggang September 29, 2026
02:55habang ang campaign period ay mula July 30 hanggang September 12, 2026.
03:00Ipapatupad din ang deker ban at pagbabawal sa pangangampanya sa bisperas ng halalan sa September 13
03:07at sa mismo ng araw ng eleksyon sa September 14.
03:11Samantala, hanggang October 14, 2026 ang deadline ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE
03:21ng mga kandidato.
03:23Ang BARM parliamentary elections, 2026 ang kauna-unahang halalan na inaasahang magiging bagong kabanata
03:31sa kasaysayan ng Bangsamoro.
03:34Mula dito sa PTV Cotabato Regional Center, Trisha Aragon para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments