00:00Umabot na sa danger level ang naitalang heat index sa ilang lugar sa bansa ngayong panahon ng tag-init.
00:06Mga eksperto, pinalalahanan po ang publiko upang maiwasan ng mga posibleng efekto nito.
00:11Yan ang report ni Elijah Canlas live. Elijah?
00:17Rise and shine, Diane, talagang ramdam na ramdam na nga ang summer fields o tag-init.
00:22Dahil ayon sa pag-asa ay nanatiling na sa danger level ang heat index
00:26na kung saan nagtala ng mataas na temperatura ang ilang bahagi ng bansa ngayong araw, April 28.
00:33Batay sa pinakabagong forecast ng heat index ay nakapagtala ng ilang mga lugar sa bansa na makararanas ng matinding init
00:40ngayong araw.
00:41Ayon sa tala ng pag-asa, papalo sa 44 degrees Celsius ang init sa Sangley Point sa Cavite,
00:47habang nasa 43 degrees Celsius naman sa Dagupan City sa Pangasinan,
00:51at 41 degrees Celsius sa Tuguegaraw City sa Cagayan.
00:54Sa Visayas naman ay makararanas ng 41 degrees Celsius na damang init ang Iloelo City
01:00at dumanggas habang nasa 40 degrees Celsius naman ang maitatala sa Katarman sa Northern Summer.
01:06Hindi rin ligtas sa matinding sikat ng araw ang Butuan City na may 43 degrees Celsius,
01:11habang pareho namang nasa 40 degrees Celsius ang Davao City at Cotabato City.
01:16Sa Metro Manila, inaasahan na papalo sa 40 degrees Celsius ang heat index sa Science Garden sa Quezon City,
01:22na pasok rin sa danger level.
01:25Ipinaliwanag ng pag-asa na ang heat index ay pinagsamang epekto ng temperatura ng hangin at ng humidity ng ating
01:31katawan.
01:31Dahil sa mataas na antas ng halumigmig ay hindi agad natutuyo ang pawis,
01:36kaya mas lalong naiipon ang init sa ating katawan.
01:39Binigyan din ang ahensya na ang danger level na 42 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius
01:44ay maaari ng magdulot ng heat stroke kung patuloy ang magiging eksposyo rito.
01:48Kaya naman, hinimok ng mga eksperto ang publiko na limitahan ang paglabas sa bahay
01:53at ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig para maiwasan ng dehydration.
01:57Pinayuhan din ang mga mamamayan na gumamit ng proteksyon,
02:01gaya ng payong at sombrero kung hindi maiwasang lumabas.
02:04Dapat ding ilipat ang mga mabibigat na gawain sa mga oras na hindi masyadong matindi ang sikat ng araw.
02:10I-pinaaalala ng pamahalaan na agad magpahinga sa malalamig na lugar at magpalamig ng katawan
02:16kung makararamdam ng pagkahilo o panghihina.
02:19Kailangang ding dalhin agad sa pinakamalapit na ospital
02:22ang sino mang magpapakita ng malalang sintomas ng heat-related illness.
02:26Magpapatuloy ang pagbabantay ng ahensya sa lagay ng panahon para sa kaligtasan ng bawat Pilipino.
02:32Diane, paalala nga ng mga eksperto na maging alerto pa rin tayo sa sintomas ng heatstroke,
02:37uminom ng maraming tubig at iwasan ng direktang pagbilag sa araw
02:40at huwag din natin kalimutang bantayan ng ating mga anak at mga nakatatanda sa bahay
02:44gayon din ang ating mga fur babies dahil sila ang vulnerable sa ganitong matinding init ng panahon.
02:50At yan muna ang update mula rito sa Quezon City. Balik sa inyo sa studio.
02:56Maraming salamat, Elidra Canlas!
Comments