00:00Dahil sa kakulangan ng supply ng tubig, gumamit na ng motor sa patubig ang ilang magsaka sa Iloilo Province para
00:07sa kanilang mga palayan.
00:08Problemado tuloy sila dahil mapupunta lang daw sa pambili ng diesel ang kanilang kita.
00:13May unang balita live si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
00:19Kim?
00:22Igan, hirap ngayon ang ilang magsasaka sa lalawigan ng Iloilo pagdating sa supply ng tubig
00:28para sa kanilang tanim na palay.
00:35Nakahilera ang mga motor na ginagamit sa patubig sa barangay Bantud Fabrica Dumagas, Iloilo.
00:40Ito ang ginagamit para masupplyan ng tubig ang mga palayan sa tabi ng sapa.
00:43Nasa 10 hektarya na palayan ang hindi pa naaanis sa lugar.
00:47Mula sa pagtanim ng third cropping, nakadepende na ang mga magsasaka sa paggamit ang motor sa pagpapatubig.
00:53Meron umanong irigasyon sa katabi ng kanilang barangaya.
00:56Pero hindi naman abot ng tubig ang kanilang mga palayan.
01:00Dahil sa gasto sa diesel, hindi na umaasa ang mga magsasaka na magkakaroon sila ng tubo.
01:13Mula noong Marso hanggang ngayong Abril, ilang river irrigation system sa lalawigan ng Iloilo
01:19ang pansamantalang ipinasara ng National Irrigation Administration dahil sa scheduled maintenance activity ng mga irigasyon.
01:26Nananatili namang bukas ang mga Halaor River Irrigation System na nagsiservisyo sa mga bayan ng Dingle, Pototan, Barotac Nuevo at
01:34Tumangas.
01:34May ilan sa mga ito na nakatakdang buksan ulit sa buwan ng Mayo bilang paghahanda para sa first cropping.
01:40Pinaghaandaan rin ang NIA ang inaasaang very strong El Nino ngayong taon.
01:45Maliban sa paglilinis ng mga irigasyon kanal para walang sagabal sa pagdaloy ng tubig,
01:50kinokonsidera rin ang pagsasagawa ng scheduling sa patubig.
01:53Say for example, ang ining area, for this week, muna na yung mapatubig lang.
01:58So the other week, dito raman sa isa, so on and so forth.
02:02Pinapanawagan naman sa gobyerno ng grupong Philippine Movement for Climate Justice
02:06na magdeklera ng National Climate Emergency dahil sa lumalalang epekto ng nararanasang drought sa ilang bahagi ng bansa.
02:14Wala pang tugon ang gobyerno, kaugnay nito.
02:22Igan, sa kabila ng posibilidad na mararanasan ang tinatawag na very strong El Nino,
02:28tinitiyak o tinitiyak naman ng National Irrigation Administration na magiging sapat ang supply ng tubig
02:34para sa mga magsasaka sa first cropping na inaasaang magsisimula sa mga buwan ng Mayo at Hunyo.
02:40Igan?
02:41Maraming salamat, Kim Salinas ng GMA Regional TV.
02:48Maraming salamat, Kim Salinas ng GMA Regional TV.
Comments