00:00Nananatili pa rin po ang Pilipinas sa State of National Emergency o National Energy Emergency.
00:06Idineklara ito ng pamahalaan noong Marso para tugunan ang epekto sa bansa ng gulo sa Middle East na nagdulot ng
00:13krisis sa langis.
00:14Sa ngayon, sapat pa ang supply ng langis sa bansa ayon sa Department of Energy.
00:18Batay po sa pinakahuling datos ng DOE, aabot pa sa halos 53 araw ang inventaryo ng gasolina.
00:26Halos 55 araw naman ang sa diesel habang halos 167 sa kerosene.
00:35Tatagal naman ng mahigit 71 araw ang supply ng jet fuel ng Pilipinas.
00:40Halos 63 araw sa fuel oil at mahigit 40 araw ang supply ng LPG.
Comments