Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Bago ngayong gabi, may mga inihain bagong petisyon para sa umento sa minimum wage o arawang sahod sa Metro Manila,
00:08Central Luzon at Calabar Zone.
00:10Sa Metro Manila, 505 pesos na umento ang inihain ng grupong Unity for Wage Increase Now.
00:17Sa Central Luzon o Region 3, tagain ang grupong Central Luzon for Wage Increase Now ng umentong 640 pesos sa
00:25Aurora at 600 pesos sa iba pang lalawigan.
00:28Habang ang grupong Workers Initiative for Wage Increase, Southern Tagalog, nagpetisyon para sa dagdag na 600 to 692 pesos sa
00:36Region 4A o Calabar Zone.
00:38Sa ngayon, naabot sa 695 pesos ang minimum wage sa Metro Manila at hanggang 600 pesos sa Regions 3 at
00:464A, na resulta ng mga aprobadong wage hike nitong July at October 2025.
00:52Sa Polisiya ng National Wages and Productivity Commission, maaaring maghain ng wage hike petisyon eksaktong labing dalawang buwan matapos ang
01:01huling aprobadong umento.
01:03Pero maaaring pagbigyan ng maagang petisyon kung may supervening event o biglang pangyayari na magpapataas ng gastusin ng publiko.
01:12Ayon sa mga petisyoner, may tuturing na supervening event ang gyera sa Middle East na nagpamahal ng langis at mga
01:18bilihin.
01:19Sinusubukan ng GMA News na makuha ang panig ng Labor Department.
01:26Nirelieve sa pwesto ang hepe ng CIDG Bacolod.
01:30Itinuturo siyang protektor ng operasyon ng Smuggle the Sigarilyo at isabong sa Negros Occidental.
01:36Tinitingnan din ang koneksyon ng mga ito kay Atong Ang.
01:39May report si Jonathan Nanda.
01:44April 21, pinasok ng mga otoridad ang dalawang warehouse sa Bacolod City at Bago City sa Negros Occidental.
01:50Tumambad ang naglalakihang makinarya sa paggawa ng sigarilyo at mga sakosakong raw at finished products nito na mahigit 799 milyon
01:59pesos ang halaga.
02:00Labing limang empleyado sa dalawang pasilidad ang nasagip.
02:02Pinuntahanin ng Interior Secretary John Vic Ribulia at PNP Chief Police General Jose Melencio Nartates
02:08ang mga paggawaan nitong biyernes.
02:10Ayon kay Rimulia, 2025 pa nag-ooperate ang sindikatong nasa likod ng mga paggawaan.
02:16Monthly na puproduce na dito ay humigit kumulang ng 250 milyon pesos worth of cigarettes every month.
02:25Sa 250 milyon pesos na yon, zero taxes.
02:29Sa 250 milyon pesos na yon, ay sa 8 months, tingin namin humigit kumulang ng 2 billion ang kinita nila
02:39sa operations dito.
02:40Sampung Chinese nationals na walang kaukulang dokumento ang nadakip sa Bagu City at hawak na ng CIDG Western Visayas.
02:47Wala silang mga pahayag.
02:49Sa Talisay, Negros Occidental naman, may nabistong operasyon ng Isabong noong April 22.
02:55Nasa tatlumpu ang naaresto.
02:57Magkahihwalay man ang operasyon ng sigarilyo at Isabong, may nakita ang mga otoridad na iisang koneksyon sa mga ito.
03:03Protektado raw ang mga ito ng mismong commander ng CIDG Bacolod na si Police Major Edgar Tonico Jr.
03:11Siya yung nagliligaw sa mga polis kung may follow-up operations ginagawa.
03:15Siya po ay relieved na po sa previous assignment. Dinala na po siya sa headquarters for investigation.
03:22Nagsasagawa na ng investigasyon at case build-up kay Tonico na wala pang pahayag.
03:26He is currently undergoing debriefing but we believe that he is not acting alone.
03:31Tinutugis din sila alias Don Robert at Mac Mac na sinasabing nagpapatakbo raw ng operasyon ng sindikato sa Negros.
03:38Inaalam din ang CIDG ang koneksyon nila sa negosyanteng si Charlie Atong Ang.
03:42Yung Police Major na Protektor at yung alias Don Robert ay mga tao ni Atong Ang.
03:51Sinisilip din ang koneksyon ni Ang sa Isabong operasyon sa Negros Occidental at sa niraid na Isabong sa Tondo Maynila
03:58noong Marso.
03:59Dalawang po ang pinupuntahan ng investigations po ng CIDG.
04:04Yung possible link nga po ni Atong Ang sa nasabing operations at yung pong link naman ng nasabing Police Major
04:11kay Atong Ang bilang operator po niya sa nasabing Isabong.
04:15Wala pang reaksyon sa mga ito si Ang na wanted sa kaso ng mga nawawalang sa Bungero.
04:20Jonathan Andal, GMA News.
04:24May dagdag bawa sa presyo ng petrolyo bukas.
04:27Halos nabing 3 piso ang rollback sa kada litro ng diesel, lampas nabing 5 piso naman ang tapya sa kerosene.
04:34Pero ang gasolina may taas presyong 53 centimo.
04:38Paliwanag ng Energy Department, efekto yan, ng presyuhan ng langis sa world market.
04:43Sapat naman daw ang supply at hindi kailangang magrasyon.
04:48Na-shock ang ilang customer ng Miralco.
04:51Biglang taas daw kasi ang bill nila ngayong Abril.
04:54Pati mga bayaring sinasalo ng mga customer, pinuna nila.
04:58Ang paliwanag ng Miralco at gobyerno sa report ni JP Soriano.
05:02Miralco, hindi kaya.
05:05Katulad ang bill ko, the last time, 6,000 naging 9,000.
05:09May friend ako, ang bill niya is 12,000 naging 18,000.
05:14Hindi lang si Ola ang na-shock sa kanyang electric bill ngayong Abril.
05:18Pati ilang negosyo, nasindak.
05:21Yung chicharge kami ni Miralco ng mata, hindi namin directly mapasa sa consumer.
05:26Mahawalan kami ng mga patrons.
05:27Nitong mga nakarang araw nga marami raw ang tila na-shock sa laki na kanilang electric bill ngayong buwan
05:32at nabahala sa tila hindi raw maipaliwanang na dagdag singil sa kanilang kuryente.
05:37Una nang nag-abiso ang Miralco, natataas ng 53 centavos per kilowatt hour.
05:42Ang singil nila ngayong buwan.
05:44Lumobo raw ang generation charge bunsod ng paghina ng piso kontra dolyar.
05:49Sa Mayo pa raw posibleng makita sa bill ang epekto ng gyera sa Middle East.
05:53The generation charge is likewise the main driver every time we announce a rate adjustment whether it's an increase or
06:03a decrease.
06:04Sa bill, pinakamalaki ang napupunta sa generation charge o bayad sa mga planta ng kuryente.
06:09May pagtaas din ngayong buwan sa transmission charge o bayad sa National Grid Corporation of the Philippines.
06:1612% lang daw nang sinisingil sa bill ang napupunta sa Meralco bilang distribution utility o tagahatid ng kuryente sa
06:23mga bahay at establishmento.
06:25Pero sa iba pang nakasaad sa bill tulad ng buwis, subsidy para sa senior citizens at four-piece, pondo sa
06:33renewable energy at kuryenteng nawawala o nasasayang, taas kilay ang ilang customer.
06:39Yung system loss. So hindi naman namin fault na may nawala sa system nila or sa generation nila. Ba't kami
06:46sasagot nun?
06:47Dapat ba sinisingil sa atin yun?
06:50Hindi. Ang galt na galt ako. Kawawa naman kami. Kami mga nagtatrabaho. Eh naghahanap buhay balat ng tinutulungan ng gobyerno.
07:00Hindi naman eh. It's too much.
07:02Hindi po ito yung bago. Tulad po ng universal charge at ng lifeline subsidy rate, higit na dalawang dekada na
07:10po sila na sa bill.
07:11All these components of the bill have their basis in terms of law and subsequent regulations or guidelines issued by
07:22government entities.
07:24Kung hindi na bago ang pass-through charges, sabi ng Meralco, tanong ng mga consumers, bakit hindi gobyerno ang sumalo
07:31sa mga yan?
07:32The wisdom under Ipira is that we all contribute a small amount to get electricity into these islands na hindi
07:46inaabutan ng grid.
07:48Under the RE law, ito po yung programa na fit siya yung green energy auction. So para maging mura din
07:58yung kuryente natin, bakit may taxes pa ito? That's not something that DOE can decide that could be through legislation.
08:07Inusisa rin ang grupo ng power consumers kung tama ba ang kwenta ng mga power company.
08:13Wala bang sobrang paniningil? Kailangan magkaroon ng independent audit ng Commission on Audit.
08:19Wala pang tubo ng Meralco tungkol sa mungkahing audit.
08:23JP Soriano, GMA News.
08:27Dalawang minor de edad ang kasama sa labing siyam na napatay sa enkwentro sa Toboso, Negros Occidental noong nakaraang linggo.
08:35Ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTFL-CAP,
08:40kinababahala nila na kabilang sa mga napatay na umunoy kasapi ng NPA ang mga kabataang edad 16 at 17.
08:47Pero tanong ng kabataan partylist kung alam ng militar na may mga kasamang minor de edad sa grupo,
08:54bakit hinayaan nilang madamay ang mga ito?
08:57Nagayon sila ng resolusyon sa Kamara para imbestigahan ang insidente.
09:02Magsisiyasat din ang Commission on Human Rights.
09:04Kasama rin sa mga napatay ang US citizens na si Lyle Prijoles at Kai Danarine Sorem.
09:11Gayun din ang UP Open University student na si Maureen Santuyo.
09:15Unang natukoy na napatay roon ang UP Diliman Student Counselor na si Alisa Alano
09:21at community journalist na si RJ Ledesma.
09:24Naunang sinabi ng AFP na lehitimong enkwentro ang nangyari at rebelde ang lahat ng namatay.
09:31Guit ng grupong karapatan, hindi combatants ang ilan sa mga biktima.
09:37Dahil sa nasusunog pa rin na Votas Landfill, umabot na sa iba pang lungsod sa Metro Manila
09:42ang simoy ng delikadong hangin.
09:45May report si Ian Cruz.
09:49Makapalang smog sa Pasay kagabi.
09:52Sama ng amoy.
09:53Parang amoy, hindi yung malaman eh.
09:56Parang basura na may kasamang kuryente.
10:00Kaya hindi nga ako makatagal rito sa labas.
10:03Masa't sa lalamunan, saka sa baga.
10:05Kaya nagbabalan ng poor air quality ang LGU.
10:09Kagabi rin, umabot sa very unhealthy to emergency level ang kalidad ng hangin sa Makati City.
10:16Kala nga ng mga tao diyan masunog eh.
10:19Ayong ano dyan sa LRT, landfill pala yung galing.
10:22Medyo masakit din sa mata.
10:26Very unhealthy rin ang kalidad ng hangin sa Maynila maghahating gabi-kagabi.
10:31At ngayong araw, nagtala rin ng unhealthy na kalidad ng hangin ang Valenzuela.
10:38Umabot sa mga naturang lungsod ang usok mula na Votas landfill na labimpitong araw nang nasusunog at di pa rin
10:47na apula.
10:48As of yesterday, the air quality in NCR is mostly fair to good except for Valenzuela na a little above
10:58the national guideline values of 35 micrograms per normal cubic meter.
11:05About mga 41, 42, I was told.
11:08Perimation rin po, dahil masakit sa dibdib, sa usok.
11:13Ayaw lang po kami magagawa, wala naman po kami malilipatang kundi ito.
11:17Kung magsasarado naman po kami, ito lang inaasahan namin sa pang-araw-araw na kakainin.
11:22Ayon kay Navotas Mayor John Ray Tshanko,
11:25nagkataon na nagbago ang direksyon ng hangin kagabi at ngayong araw,
11:30kaya dumumi ang hangin sa mga kalapit na lungsod.
11:34Hindi pa raw inire-rekomenda ng Navotas DRRMO na magdeklara ng state of emergency.
11:41Natabunan na raw ng lupa ang halos kalahati ng nasusunog na bahagi ng landfill
11:46sa gitna ng pagtutulungan ng Navotas LJU,
11:51Japan International Cooperation Agency o JICA,
11:54DPWH, Office of the Civil Defense, at iba pang ahensya.
11:59Ian Cruz, GMA News.
12:02Multipurpose ang next attraction sa Quezon Memorial Circle,
12:06isang lawa na may itinatagong pasilidad para maipon ng tubigulan at baha.
12:11Si Lipi niyan sa report ni Katrina Son.
12:16Under construction pa ang bahagi ito sa Quezon Memorial Circle.
12:20May tulay at man-made lake.
12:23Kinuhulma ang lugar na ito,
12:25hindi lang para maging preskong pasyalan sa gitna ng syudad,
12:29kundi sandata rin ang Quezon City sa matinding ulan.
12:33Magsisilbi rin kasi itong retention and detention fund o imbakan ng tubigulan.
12:37Nasa 700 cubic meters ng tubig ang pwedeng maipon dito na pwedeng magamit araw-araw sa parke.
12:44Sa pagpimaintain ng park ay yung pagdidilig and then yung pag-use ng CR.
12:49One of the major challenges kasi mataas po ang consumption natin ng water.
12:54Para at least mabawasan po yung menos, mamanos po yung aming konsumo ng tubig,
12:58ready po yung city na hindi lang po ang source ng water natin ay dun sa usual,
13:03sa water sources natin from the water companies.
13:06Malaking tulong din daw ito para ibsa ng pagbabaha sa elliptical road.
13:11Ikinokolekta po niya yung tubig ulan.
13:13At palibot po dito sa circle, sa circunference po niya,
13:17naglagay po kami ng mga reinforced concrete pipes dyan that will serve as detention basins.
13:222023 sinibulaan ang proyekto at inaasahang matatapos ngayong taon.
13:27Isang parke na pwede kang mag-enjoy, pwede kang mag-muni-muni,
13:31makakatipid tayo sa tubig, tapos isa pa, nagiging malamig po yung simoy ng hangin.
13:37Katrina Son, GEME News.
13:42Itinigil ang retrieval operations sa mga biktimang na trap sa isang tunnel
13:46mula pa noong Huwebes sa Panabo City, Davao del Norte.
13:51Stop! Stop! Stop!
13:54Hirap na raw ang mga rescuer dahil sa tumaas na level ng ammonia at carbon dioxide.
14:00Pesuta ng pagsabog daw sa loob.
14:02Limang umunoy treasure hunter ang natrap sa lagusan.
14:06Dalawa sa kanila ang nahukay na bangkay na at naiwan pa sa loob ang tatlo.
14:12Inararo naman ang truck ang isang bahay at katabi nitong punerarya sa Alubihid, Misamis, Oriental.
14:19Ayon sa polisya, nawalan mo noon ng preno ang truck.
14:23Patay ang senior citizen na nasa labas ng nabanggang bahay.
14:26Critical sa ICU ang truck driver habang ligtas ang pahinantin.
14:36Julianne San Jose pinatunayan ng Limitless Star Power sa sold-out show sa Papua New Guinea.
14:42Labis ang pasasalamat ni Julianne sa Filipino community na nagbigay sa kanya ng wonderful and unforgettable experience.
14:52House of Life stars Mike Tan at Martin Del Rosario, nagkulitan sa isang TikTok trend.
15:02Caprice Cayetano at Heath Hornales, excited ng bumida sa youth-oriented series ng GMA Public Affairs na You Are My
15:10Favorite Song.
15:11Makakasama nila ang kapwa ex-housemates sa PBB collab 2.0 na si Marco Massa at John Clifford.
15:21Mika Salamangka at Will Ashley, nagsalita na tungkol sa Thailand trip nila.
15:27Sabi kasi hard launch daw yun.
15:29Ha? Hard launch?
15:30Hindi naman!
15:31Hindi nga namin in-expect na ganun po yung magiging ganun ng mga tao talaga eh.
15:35Kasi parang nakita lang namin talaga yun ni Mika's trend.
15:39And sobrang cute din kasi nung trend.
15:41So ayon, sakto. Meron malapit sa amin nung uniform na nag-rent.
15:47Aubrey Carampel, GMA News.
15:50Kasi parang kasi nang.
15:53Kasi parang kasi.
15:53Kasi parang kasi.
15:53Nor doborok una te defendera law enforcement cum vlange against Kuotusia na bang hidratusiyo.
15:54Net Japan time.
15:54attendance paite actan nung vemPE. Kasi
15:54kuop eye.ihat ben
Comments

Recommended