00:00Inilabas po ng mga officials sa Amerika ang mga detalye na manifesto umano ng suspects sa pamamaril
00:05sa isang hotel kung saan naroon si West President Donald Trump.
00:09Mahaharap po sa patong-patong na asunto ang gunman na nakabaril ng isang tauhan ng Secret Service.
00:15Ating saksihan!
00:20Kasagsagan ng hapunan kasama ang White House Correspondents Association sa Washington Hilton Hotel
00:26nang marinig ang malalakas na kalabog.
00:31May mga nagtago sa ilalim ng mga lamesa.
00:35Nagtakbuhan ang mga security personnel papalapit sa stage.
00:39Kung saan naroon si US President Donald Trump kasama si US First Lady Melania at iba pang dumalo sa pagtitipon.
00:48Inescort ang first couple palabas ng venue maging si US Vice President J.D. Vance at iba pang miyembro ng
00:55kanyang gabinete.
01:00Kalaunay natuntun na mga otoridad ang suspect na 31 anyos na napaulat na engineering graduate, part-time teacher at game
01:09developer na mula sa California.
01:12Bago ang kaguluhan, nakunan siya ng CCTV footage.
01:16Nang kumaripa siya ng takpo sa security checkpoint dahilan para ilabas ng security personnel ang kanilang mga baril.
01:25Ayon sa mga otoridad, binaril umano ng suspect ang isang secret service agent gamit ang shotgun.
01:32Nakaligtas naman ang secret service agent dahil sasot niyang bulletproof vest.
01:37He's a sick person, a very sick person. I heard a noise and sort of thought it was a tray.
01:43I thought it was a tray going down.
01:46I've heard that many times and it was pretty loud noise. And it was from quite far away. He hadn't
01:51breached the area at all. They really got him.
01:56Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng suspect na bukod sa shotgun ay armado ng handgun at mga patalim.
02:03Nakatira raw siya kasama ang kanyang mga magulang sa South Bay Area ng Greater Los Angeles.
02:10Doon niya inimbak ang biniling mga armas bago siya sumakay ng tren patungong Chicago.
02:16Bula roon ay nagtungo siyang Washington, D.C. at nag-check-in sa Washington, Hilton.
02:22Sa mga panayam sa U.S. media, sinabi ni Trump na nagpadala umano ang suspect na manifesto sa kanyang pamilya
02:29kung saan sinabi niyang aatakihin niya ang mga opisyal ng Trump administration
02:35para raw ito protektahan ang mga nalalagay sa peligro dahil sa mga pulisiya ng administrasyon.
02:42Pinunarin niya kung gaano kahina ang security sa hotel.
02:47They seem to think he was a lone wolf and I feel that too.
02:50Hiniling na ni Trump na i-reschedule ang dinner gala sa susunod na 30 araw.
02:56Nangyari ang insidente sa parehong hotel kung saan nagkaroon ng assassination attempt
03:01kay dating U.S. President Ronald Reagan noong 1981.
03:05Bago ito, dalawang beses na may nagtangka umano sa buhay ni Trump noong 2024.
03:11Kasagsagan ng presidential campaign na daplisan ng bala sa kanyang tenga sa isang campaign rally.
03:18Napatay ng security personnel ang gunman.
03:20Matapos ang dalawang buwan, namataan ang secret service agents
03:25ang isang lalaking armado ng baril habang nagtatago sa mga halaman sa golf club ni Trump sa Florida.
03:33Itinuturing itong assassination attempt at sinintensyan siya ng habang buhay na pagkakakulong.
03:40Ian Cruz, ang inyong saksi!
03:42Outro
03:44Outro
Comments