00:00Si Vice President Sara Duterte ang pipiliing presidential candidate ng mas marami kung sila lang ang magtatapatan ni dating Vice
00:11President Lenny Robredo, ayon sa survey ng OCTA Research.
00:17Ilan ang lamang at ilan pa ang hindi desidido? Nakatutok si Ian Curl.
00:24Sa resulta ng Presidential Preference Survey ng OCTA Research noong nakaraang linggo, kung maraming pagpipili ang kandidato,
00:32nanguna si Vice President Sara Duterte na lamang ng 12% sa pumapangalawa na si Naga City Mayor Lenny Robredo.
00:41Pero paano kung ang dalawang nangunguna lang ang magtatapatan?
00:45Ang resulta, una pa rin si Duterte na pinili ng 46% ng mga sinervey, 35% naman ang pumili
00:54kay Robredo, 19% naman ang hindi pa desidido.
00:57Ang survey, ginawa noong March 19 hanggang 25 pagkatapos magdeklarang tatakbong presidente si Duterte
01:05at bago naghayag si Robredo na hindi siya tatakbo sa anumang national position sa 2028.
01:12Turning point para sa OCTA sa pagsipa ng rating ni Robredo ang pagbisita sa Naga City ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:20Kanina, hiningan ng reaksyon ng Malacanang kung may napipisilbang kandidato ang Pangulo,
01:25ngayong halos mahigit isang taon na lang bago ang paghahain ng kandidatura sa pagkapangulo.
01:31Sa ngayon, sa paningin po ng Pangulo, napakaaga pa pong pag-usapan kung sino ang tatakbo sa pagkapangulo sa susunod
01:37na eleksyon.
01:38Hindi po focus ng Pangulo ang politika sa ngayon. Trabaho po muna.
01:43Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.
Comments