Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Langhap hanggang Maynila, Pasay at Makati ang nakasusulasok na usok mula sa Navotas Landfill na mayigit dalawang linggo nang nasusunog.
00:10Nakatutok si Bea Pinla.
00:16Labimpitong araw na ang nakalipas mula ng magliyabang dating Navotas Sanitay Landfill.
00:21Hindi pa rin ito tuluyang naaapula hanggang ngayon.
00:24Bumubuga pa rin ng makapal na usok ang landfill.
00:28Apektado ang mga residente ng Barangay Binwangan at Salambaw sa Ubando, Bulacan na nakalalanghap ng nakasusulasok na usok.
00:36Umaabot din ang usok sa mga karating lungsod.
00:38Narewisyo rin po dahil masakit sa dibdib sa usok.
00:44Talaga nung una, tumasakit yung dibdib ko talaga. Pero sa ngayon, parang unti-unti nang naaano.
00:51Nasasanay na kami. Nung una po talaga, apektado yung mga customer kasi nagreklamo sila,
00:56sabi, maamoy mga daw mabaho. Ay, wala po kami magagawa. Wala naman po kaming malilipatang kundi ito.
01:02Kung magsasarado naman po kami, ito lang inaasahan namin sa pang-araw-araw na kakainin.
01:07Atiis na lang.
01:08Kagabi, umabot ang usok sa Pasay City. Ganito kakapal ang usok na namerwisyo sa mga residente.
01:15Nagbabala ang Pasay City DRRMO sa anilay poor air quality dulot ng usok galing sa nasusunog na landfill.
01:23Sama ng amoy. Parang amoy ninyo malaman eh. Parang basura na may kasamang kuryente.
01:31Kaya hindi nga ako makatagal rin ito sa labas. Masakit sa lalamunan at sa baga eh.
01:36Umabot din sa very unhealthy to emergency level ang kalidad ng hangin sa Makati City kagabi, ayon sa DRRMO ng
01:44lungsod.
01:45Kala nga ng mga tao dyan masunog eh. Ayong ano dyan sa LRT, landfill pala yung galing. Medyo masakit din
01:52sa mata.
01:54Very unhealthy rin ang naitala sa maraming air quality sensor sa Maynila maghahating gabi.
01:59Posible raw itong dulot ng usok galing sa landfill na sinabayan pa ng hangin papunta sa Maynila at iba pang
02:06karatig na lungsod.
02:07Ayon kay Navotas Mayor John Ray Tianco, bumuti na ang kalidad ng hangin nitong mga nakaraang araw.
02:13Pero nagkataon daw na nagbago ang direksyon ng hangin kagabi at ngayong araw.
02:18Kaya may mga kalapit na lungsod na apektado.
02:20Base sa rekomendasyon ng NDRRMO, hindi pa raw nakikita ng LGU ang pangangailangan na magdeklara ng state of emergency sa
02:28Navotas.
02:29Katuwang na ng Navotas City LGU, ang Japan International Cooperation Agency o JICA, Department of Public Works and Highways, Office
02:38of the Civil Defense at iba pang ahensya ng gobyerno para maapula na ang sunog sa landfill.
02:44Natabunan na raw ng lupa ang halos kalahati ng nasusunog na bahagi ng landfill.
02:48Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended