00:02Sa init ng panahon ngayon, aminado si Hazel na mas madalas nakaon ang kanilang nag-iisang aircon.
00:08Pero tiwala siyang pareho lang ang konsumo niya ng kuryente ngayong buwan gaya noong Abril ng nakaraang taon.
00:13Kaya laking gulat niya pagdating ng bill, 7,013 pesos ang singil, kumpara sa 5,560 noong nakaraang buwan.
00:22Alam ko naman na nagdagdag ako ng oras sa aircon, so expected na rin po yun.
00:27Pero mas mataas talaga siya, unlike last year.
00:30May netizens ding nag-post nungkol sa kanilang bill shock o pagkagulat sa biglang sipa ng kanilang bill sa kuryente.
00:37Si Ivy Ocon, galit na galit. Napakarami pa raw charges na umaabot sa mahigit 4,000 pesos.
00:42Halos 1,000 pesos din daw ang tax.
00:45Paglilinaw ng Miralco, tumaas ng 53 centavos per kilowatt hour ang kanilang singil ngayong Abril, gaya ng una na nilang
00:52inanunsyo.
00:53Sabi ng Miralco, dahil ito sa paglaki ng generation charge na epekto ng mahinang piso kontra dolyar
00:59at hindi pa kasama ang epekto ng krisis sa langis, bunsod ng gera sa Middle East.
01:04Tumaas yung preso ng gas plant. So ito pinagkukuna natin ng supply.
01:09Nag-reflect sila ng increase kasi dumaba din yung pera natin kumpara sa benchmark na US dollar.
01:16Natural din daw na tumaas ang bill tuwing tag-init dahil lumalakas din ang konsumo sa kuryente.
01:20Paliwanag ng Miralco, 55% ang bayarin sa kuryente ay generation charge o presyo ng kuryente na binibili nila sa
01:27power producers.
01:2910.1% ang transmission charge na ibinabayad sa National Grid Corporation of the Philippines
01:34para sa pagdali ng kuryente mula sa mga planta patungo sa distribution system.
01:3817.5% ang distribution charge.
01:42Ito raw ang napupunta sa Miralco bilang bayad sa paggawa, operasyon at maintenance.
01:4611.7% ang buwis. 5.7% naman ang iba pang singil.
01:51Paglilinaw din ang Miralco, gobyerno ang nagtatakda at kumukuha ng pass-through charges.
01:56At subsidies para sa senior citizens at four-piece beneficiaries.
01:59Ang lifeline rate ay ang subsidia na binibigay sa mga qualified four-piece at yung mga nakapagpakita ng local social
02:11welfare development office certification.
02:15Ito yung subsidy na ayon sa Republic Act 11552 o yung Expanded Lifeline Rate Law ay enacted kung hindi ko
02:30nakakamali 2021 at equivalent ito sa one centavo per kilowatt hour.
02:36Wala pang pagtaya kung magkakaroon ng pagbabago sa singil para sa Mayo.
02:40Pero inaasahang makaapekto ang karagdagang 23 centavos refund para sa residential customers, pati pagbabago sa babayarang buwis.
02:49Una yung refund pinaikli, naging instead of 36 months ginawang 12. So yung remaining 14 billion that will be an
02:59additional 23 centavos na refund sa mga residential customers.
03:06Pangalawa, we are hoping na maisama na rin ng mga gas plants kung saan kami kumukuha ng supply.
03:14Yung bang VAT exemption, alam ko may enabling law na rin yan. So nakapalop sa batas na hindi na rin
03:21pwedeng singilin yung or tinanggal na yung VAT sa mga gas plants dahil indigenous resource ito.
03:32Darlene Cai, Nakatutok 24 Horas.
Comments