00:00Iahablah na asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manassas Carpio
00:04ang ilang opisyal dahil sa pagsisiwalat ng bank records nila mag-asawa
00:09sa hearing ng impeachment case laban sa vice-presidente.
00:12Nakatutok si Jonathan Andal.
00:18Pumapalag ngayon ang asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manassas Carpio
00:23matapos isiwalat sa impeachment hearing noong April 22
00:26na mahigit 6 na bilyong piso.
00:28Ang mga transaksyong dumaan sa bank accounts nilang mag-asawa
00:32sabi ng Anti-Money Laundering Council, kaduda-duda o masyado yung malaki.
00:37Bukas, irereklamo ni Carpio sa Quezon City Prosecutor's Office
00:40sina BSP Governor Eli Remolona, AMLOC Executive Director Ronel Buenaventura
00:46at House Justice Committee members.
00:48Dahil saan niya ay paglabag sa Anti-Money Laundering Act, Bank Secrecy Law at Data Privacy Act.
00:54Nagsabwatan aniya ang mga ito para iligal na isiwalat ang mga classified confidential banking record nilang mag-asawa.
01:01Absolute at walang exception aniya ang pagbabawal sa paglalabas ng bank records na nakuha ng AMLOC.
01:07Buelta ni Congresswoman Leila Dilima, wala silang nilalabag na batas
01:11dahil hindi anya saklaw ng mga pagbabawal ng impeachment proceedings.
01:15Tanging mga opisyal at empleyado ng mga bank ko raw ang pinagbabawalang magsiwalat ng bank records.
01:20Punto naman ni Akbayon Representative Percy Sendanya exempted ang impeachment hearing
01:24sa saklaw ng Bank Secrecy Law at Anti-Money Laundering Act.
01:28Imbes na magaksayaan niya ng papel at oras sa pagsasampan ng reklamo,
01:31paharapin na lang daw ang BISES sa April 29 hearing at doon magpaliwanag.
01:36Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng ibang irereklamo ni Carpio.
01:39Jonathan Andal, Nakatutok 24 Horas.
Comments