Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi na umabot ng buhay sa kulungan ang limang preso matapos bumangga sa pader ang sinasakyan nilang police mobile.
00:09Isa pang preso ang kritikal habang sugatan ang apat nilang police escort.
00:13Iniimbestigahan na ng Quezon City Police kung may nagkulang kaya nawala ng control sa mobile ang driver.
00:20Ang pagrespond din ng mga rescuer, inabutan at tinutukan ni Mark Salazar.
00:30Wala nang malay o tuguan ang mga sakay na preso ng isang police mobile na bumangga sa isang pader sa
00:36Payatas Road, Quezon City.
00:43Kinulang pa ang stretcher ng mga responder kaya pinagtulungan buhatin ang mga biktima.
00:49Sa crash site, naggalat ang mga personal na gamit ng mga biktima na dadalhin sana sa pagpasok sa piitan.
00:55Ang isang polis, hilo pa sa pangyayari habang inaakay papunta sa ambulansya.
01:01Sa inisyal na investigasyon, lumalabas na masama ang tama sa mga sakay ng police mobile.
01:07Upon arrival po sa scene, sir, ang nakita ko po ay yung dalawang inmate, negative na po ng vital signs.
01:14Kasi chinek ko yung mga vital signs nila, wala na pong pulse rate at hiningi yung tao.
01:18Yung dalawa out of the 6 inmates, yung apat na polis natin?
01:24Yung apat na polis, isa na lang po ang inabutan namin. Dinala daw po sa ospital.
01:28Sa anim na presong sakay ng mobil, lima ang nasawi, habang isa ang kritikal.
01:34Nagpapagaling naman ang apat nilang polis escort.
01:37Inabutan ko pang nilalapatan ng lunas ang polis na driver ng mobil.
01:41Ang kanyang testimonya at ang mga clue gaya ng flat tire sa driver's side ay parte ng investigasyon.
01:48Dalawang mahalagang bagay ang titignan sa insidente nito.
01:51Una ang kondisyon ng polis na nagmamaneho ng polis mobil at ang kondisyon mismo ng sasakyan.
01:58Sa lakas ng pagbangga sa pader, Nayupi ang malaking bahagi ng hood ng mobil.
02:03Papunta sana ito sa Quezon City Jail sa Payatas.
02:07Nawalan kasi ng kontrol sa sasakyan ng driver habang nasa Payatas Road kaninang tanghali.
02:12Dito po, spalik ko na yan.
02:15Paangat?
02:16Oo, paangat. Gagaywang na gaiwang na siya.
02:19Nandyan kami sa linya namin. Muntik kami mahagip.
02:22Buti, nakaiwas nga ako eh.
02:23Eh, nung ano, nga ganun.
02:27Siguro ang best na preno, siguro apaka niya sir.
02:29Nawalan possible sir, nawalan ng kontrol yung sasakyan.
02:34Nagdulot ng mabigat na trapiko ang disgrasya hanggang matanggal na ito matapos ang trabaho ng mga investigador sa crash site.
02:42Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
02:46Dahil tagtad umano ng mali, tinawag na basura ng DSWD ang listahan ng mga TNVS driver na isinumitin ang kanilang
02:56mga kumpanya.
02:57Di nagsaambigaya ng ayuda sa mga taxi driver.
03:01Nakatutok live si Oscar Oida.
03:04Oscar!
03:06Yes, Amel, napasabak nga sa matinding pilahan ng ilang mga taxi driver, makakuha lang ng fuel subsidy.
03:17Halatang hirap sa paglalakad ng 84-anyos na taxi driver na si Mang Salvador.
03:23Pero nakasaklay siyang pumila sa LTFRB para sa 5,000 pisong fuel subsidy.
03:30Wala na po.
03:32Ako wala namang isa po.
03:33Missy ko, patay na.
03:35Wala namang kahanap po sa akin.
03:37Yun nga lang, wala siya sa listahan.
03:40Pero giit niya, sa kabila ng kanyang kondisyon, lehitimong taxi driver daw siya.
03:46Matagal na akong taxi driver, 1966 pa ako nag-taxi hanggang ngayon.
03:50Mula umaga hanggang gabi po, nakakapagmanayo po ako.
03:54Pag nakaupo ko, wala ng problema.
03:57Gaya niya, maraming wala sa listahan na nagsadya dito para sa ayuda.
04:02Ang ilan niya, dito na nagpalipas ng magdamag.
04:07Kasi akala namin mahaba ang pila.
04:10Tsaka malayo po kami, kabiti pa.
04:12Try lang po namin, baka sakaling makatikim kaming galing sa gobyerno.
04:15Pacham lang tong amin.
04:16O, pachamba.
04:17Ayon sa LTFRB, higit na mas maraming araw ang nagsadya na wala sa listahan, kesa yung nasa listahan.
04:25Itong preliminary namin, talaga, inaasa lang namin sa mga operator, bigyan kami ng listahan.
04:32Ang problema, yung listahan ng operator hindi kompleto.
04:36Diba?
04:36Ang gusto natin, kompletong listahan ng mga driver nyo.
04:40Para mabigyan lahat ng ayuda, gumawa ng dalawang pila.
04:44Yung mga nasa listahan, sa LTFRB tumanggap ng payout.
04:49Habang sa LTO naman, ang mga wala sa listahan.
04:53Noong una, may mga nalito.
05:17Umabot pa sa punto na nagkaroon ng mahabang pila sa labas ng LTO.
05:22Kaya nang magsadya sa lugar si DOTR Sekretary Giovanni Banoy Lopez.
05:27Pinapapasok ko na lahat yung mga nakapila sa labas, especially yung mga senior citizen natin, para makaupo naman.
05:33And LTFRB din, they're going to provide mga tubig.
05:35The little things na kahit papaano, may ibsan yung pag-aantay nila.
05:41Yun nga lang, yung iba, bukod sa wala sa listahan.
05:59Pag titiyak naman ang kinauukulan, makakakuha ang lahat ng fuel subsidy,
06:04basta't may sapat silang patunay na sila'y lehitimong taxi driver.
06:09So ang kailangan naman natin malaman, una, sila ba'y driver, tapos sila ba'y taxi driver.
06:17So dalawang kailangan nang namin malaman dyan, binisensya ba siya?
06:21We'll make sure naman na we will go in to deliver what is due them today.
06:25May bibigyan natin sila ng subsidy.
06:28Tatagal ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga taxi drivers hanggang bukas.
06:33Samantala, kaugnay ng mga naunang payout na inabot ng siyam-syam para makatanggap ng ayuda,
06:40e pinunto ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mali-mali at tag-tag umano ng discrepancies
06:47na mga listahan mula sa transport network companies.
06:51Yung listahan nila katakot-takot ng errors at duplicates.
06:55It's unfair for our social workers, our development workers, na kami nabubuliwan sa labas.
07:02Samantalang, hindi naman kami ang gumawa ng listahan.
07:04Eto, pinangakuhaan kami ng clean list. Pagdating namin sa labas, hindi pala clean list, it's a junk list.
07:09And I use the word junk. Basura kasi yung sinabit ng mga TNC.
07:13Ito raw ang daylaan kung bakit nagkaroon ng pagkakagulo sa isinagawa nilang mga payout.
07:19Binigyan ni Secretary Gatchalian ang hanggang lunes ang mga TNCs para ayusin ang kanilang mga listahan.
07:25Ipinapaubayan naman daw niya sa Department of Transportation ang pagpapanagot sa naturang kapabayaan.
07:33Samantala Mel, pagtitiyak naman ni DOTR Secretary Giovanni Banoy Lopez na pananagutin ang mga nasa likod ng sinasabi ni Secretary
07:44Gatchalian
07:45na basurang listahan. Tatapusin lang daw muna nila ang pag-aasikaso sa fuel subsidy o payout sa mga TSUPER. Mel?
07:53Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
07:57At kapapasok lang po na balita, may nasusunog pong bus sa EDSA Ortega Southbound.
08:04Sa live na kuha ng MMDA Traffic Cam, patuloy po iyang inaapula.
08:08Ayon sa MMDA, dalawang linya ang pansamantalang isinara.
08:12Kaya sa ngayon, mabigat po ang trafiko sa bandang EDSA White Lanes.
08:17Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
08:23Nauwi po sa gulo ang paliligo lang sana ng dalawang grupo sa Ilog sa Pangasinan.
08:28Lahat sila, puro umano lasing.
08:30Nakatutok si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
08:38Nagkagulo at nagsigawan ang mga tao sa Maples River sa Aguilar, Pangasinan hapon noong lunes.
08:43Ang isang nalaki na sangkot sa gulo, may hawak na bato na ibinato niya sa kaaway.
08:48Naawat sila agad ng mga pulis at residente.
08:50Pero, muling sumiklab ang gulo.
08:54Yung isang grupo kasi, habang naliligo sila, kumuha sila ng bato.
08:58Tapos yung bato na yun, parang ginagawa ng tinitiktik nila doon sa ilalim ng tubig.
09:05Ayon sa pulisya, sinitirao sila ng kabilang kampo na naging hudyat ng gulo.
09:10Nasa labin limang tao ang nasangkot sa gulo.
09:12Wala namang nasugatan sa insidente.
09:14Doon sa pag-iinvestiga na po natin, nalaman ko din na most party ay lasing may nakainom sila.
09:23Wala pang pahayag ang mga sangkot sa Rambol.
09:25Pero ayon sa pulisya, hindi na nag-blutter ang mga sangkot at nagkaayos din agad.
09:30Dahil sa nangyari, ipinagbawal na ang pagdadala ng alak sa Maples River.
09:34Doon pa lang po sa may entrance ay nag-i-inspect na po ang kapulisan.
09:40Ganun din doon sa mga nagtitinda doon sa loob, sinabihan po na rin sila na hindi na sila pwedeng magtinda
09:47ng nakakalasing na inumin.
09:49Mula sa GME Regional TV, Senti Salvasio, nakatutok 24 oras.
09:56Inisuhan na ng Court of Appeals ng Freeze Order ang mga ari-arihan ng isang prominenting incumbent legislator.
10:02Saklaw ng Freeze Order ang 25 bank account at 10 insurance policies na nakarehistro sa hindi pinakalanang mambabatas.
10:11Ayon pa sa Anti-Money Laundering Council, inisuhan din ng freeze order ang mga ari-arihan ng isang umano'y
10:16business associate na mambabatas at isang corporate entity.
10:19Dahil yan sa kaugnayan umano nila sa flood control scandal.
10:23Sabi rin ng AMLOC, may nakitang probable cause ang Court of Appeals para iugnay ang kanilang mga ari-arihan sa
10:29plunder.
10:32Hiniling ng kampo ni Congressman Martin Romualdez na mag-inhibit ang Office of the Ombudsman sa pag-iimbisiga sa kanya
10:40kaugnay sa issue sa flood control projects.
10:43Sa sulat ng mga abogado ni Romualdez sa Office of the Ombudsman, mayroon na anilang pre-conceived position si Ombudsman
10:52Jesus Crispin Remulia sa mga issue laban sa kongresista.
10:56Batay sa mga nauna niyang pahayag, tila nagpasyanaan nila si Remulia na i-prosecute si Romualdez para sa plunder kahit
11:05wala pag nasisimulang preliminary investigation.
11:08Bukod kay Ombudsman Remulia, may mga pahayag din anila si Assistant Ombudsman Mico Clavano gaya ng pagtawag nito kay Romualdez
11:17bilang master plunderer bago pa man natapos ang investigasyon.
11:23Sa mga yan at iba paumanong public statement, hinatulan na agad ng Office of the Ombudsman si Romualdez na guilty
11:30sa plunder bago pa man siya sampahan ng kaso.
11:33Hiniling ng kampo ni Romualdez na mag-inhibit ang kambodsman sa preliminary investigation.
11:40Dapat daw ipahawak ito sa opisina hindi mababahira ng anilay bias o pre-judgment.
11:47Nauna na nang itinanggi ni Romualdez na may kinalaman siya sa budget insertions at anomalya sa flood control projects.
11:55Hindi rin anya siya papayag maging scapegoat o sangkalan ng mga dapat talagang managot.
12:01Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng Office of the Ombudsman pero wala pa silang to go.
12:08May inaasahan muling rollback sa presyo ng diesel sa susunod na linggo bago man malayo pa rin mula sa dati
12:14nitong presyo.
12:15Alamin kong hanggang magkano sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
12:22Sa ikatlong sunod na linggo, isa na namang rollback sa presyo ng diesel ang maaaring asahan.
12:27Sa taya ng all industry sources, 8 hanggang 10 pesos ito per liter.
12:32Wala namang inaasang pagbabago sa presyo ng gasolina.
12:36Tatapusin muna yung trading for today and then we will know kung ano yung amount.
12:41So far naman parang mukha namang may rollback siya.
12:45Nakakareflect naman na maayos kung ano po yung mga changes sa international.
12:49Pero wala tayong makagawa talaga sa presyo kasi presyo international yan.
12:54Kaya naman si Paul na naka-diesel na sasakyan, hindi na muna magpapa-full tank.
12:59Hihintayin niya ang Martes kung kailan ipapatupad ang inaasahang rollback.
13:04Bababa naman daw next week. Next week na lang magpapa-full tank.
13:08Pero kahit pangatlong linggo na ng rollback sa darating na linggo, malayo pa rin ito sa dating presyo.
13:14Batay sa datos ng Department of Energy, bago magsimula ang gera sa Middle East,
13:20nasa 48 hanggang 65 pesos and 39 centavos ang presyo ng litro ng diesel noong February 24.
13:27Pero sa pagtataya ng GMA News Research, kapag natuloy ang hanggang 10 pisong rollback sa darating na linggo,
13:34magiging 71 hanggang 104 pesos and 70 centavos.
13:39Diperensya pa rin ng 23 hanggang mahigit 39 pesos.
13:43Sana nga may baba pa, madalating presyo.
13:45Mataas pa yung ano eh.
13:47E minsan nga yung ikot namin, kulang-kulang pa sa diesel.
13:51Kita pa, okay naman, pero sa totoo sila lang medyo malaking kawalan pa rin.
13:55Ayon sa Department of Energy, bumaba ang konsumo sa ponduktong petrolyo ng ating bansa.
14:00Sa kabila nito, patuloy raw ang pagpaparating na makaragdagang inventaryo.
14:05Ngayong araw nga inaasahang darating sa bansa
14:07ang mahigit 52 million liters ng diesel na binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng PNO-CEC.
14:14Ay po na mga baba po nag-rollback yan, hanggang hindi pa natatapos yung gera,
14:22eh hindi po tumitigil po yung DOE2 and making sure that the supply is sufficient.
14:27Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
14:33Happy Friday, chikihano mga kapuso!
14:36From boxing ring to first ever magazine shoot to acting stint,
14:40malayo pa pero malayo na si Eman Baco sa Pacquiao na mapapanood na simula mamaya sa Never Say Die.
14:47Pero bago yan, meron muna siyang nakasparring na pinusuan ng netizens.
14:52Makichika kay Nelson Canlas.
14:59Sparring to sayaw, real quick!
15:02Yan ang pinusuang latest interaction ni Never Say Die star Jillian Ward
15:06kung saan sinubok niyang i-job si Eman Baco sa Pacquiao.
15:11Pero imbes si Eman, si Jillian ang nasaktan.
15:21Pero si Eman, re-rest back na ngayong gabi bilang pinakabagong guest sa Never Say Die.
15:28Kamusta namang kaya ang experience sa acting ni Eman?
15:31Actually, ini-enjoy ko lang yung bawat moments.
15:34Minsan kabado, minsan hindi.
15:36Minsan preparado, minsan hindi.
15:38Sa bawat shooting ko, may natututunan akong bago.
15:43Pero di lang daw sa acting mapapalaban ngayon si Eman,
15:47pati sa kanyang first ever magazine shoot.
15:50All glammed and looking fierce si Eman.
15:52Tila ibang mundo man daw para sa kanya ang pinasok mula ng sumubok siya sa showbiz.
15:58Grateful naman daw siya sa lahat ng natatanggap na blessings at opportunities.
16:02Thankful ako kay God na lahat ng mga bagay-bagay na ito is nangyayari ng hindi ko inaasahan.
16:08Saka gusto ko rin magpasalamat sa mga sumusuporta sa akin at nagmamahal sa akin at sa pamilya ko.
16:14Inaalay daw niya ang lahat ng tinatamasa ngayon para sa kanyang mga mahal sa buhay.
16:19Mga loved ones ko, siyempre.
16:21Mga kapatid ko, mga magulang ko, mama, papa ko, siyempre.
16:25At pati sa pangarap ko.
16:28Nelson Canlas, updated sa Shubiz Happenings.
Comments

Recommended