00:00Samantala, pinulong ng Department of Social Welfare and Development
00:03ang transport network companies at ilang pang ahensya ng gobyerno
00:07para sa pagpapatupad ng mas maayos na payout ng cash relief assistance.
00:12Ayon sa DSWD, dahil sa ilang problema sa listahan ng mga TNC,
00:17naapektuhan ang kanilang pamamahagi ng cash relief assistance sa mga driver.
00:22Diit ni DSWD Secretary Rex Gatchalian,
00:25ang DSWD lang ang taga-facilitate ng payout.
00:28Ngunit ang nag-aayos at nag-a-update ng listahan ay ang partner agencies.
00:34Dagdag pa ng kalihim, kinakailangang matiyak ng kagawaran
00:37na lehitimo at totoo ang benepisaryo na kanilang binibigyan ng ayuda.
00:43Ang mga ganitong hamon din aniya ang dahilan kung bakit hindi pa maipatupad
00:47ang paggamit ng e-wallet sa cash aid distribution.
00:50Kaya naman inatasan ni Gatchalian ang mga TNC
00:53na magsumite ng malinis na listahan hanggang sa lunes.
00:58As we showed you, around 2.7 billion pesos worth of financial assistance
01:05ang maaring tumagas kung hindi namin maaring napunta sa ghost riders,
01:10ghost drivers, duplicates, ganyang kalaki.
01:14This is the reason why ini-insist namin sa unang pagkakataon,
01:20physical sila na pumupunta kasi nasusuri namin na mabuti
01:25kung una, totoong tao ba itong kinakausap natin,
01:28pangalawa, totoong driver ba, may driver's license ba.
01:32Pero hindi namin sinasabi na sa mga susunod,
01:36after this round, kung meron pa ulit second round or third round,
01:39depende pa rin yan,
01:40hindi namin sinasabi na hindi tayo gagamit ng Gcash.
01:43Ngayon, sa katunayan,
01:45ang Gcash is a partner of us,
01:47other e-wallets like Maya is a partner of ours.
01:49Ready na sila, ready na rin kami to use their system.
Comments