00:00Samantala, sa gitna ng hamo na dulot ng kaguluhan sa Middle East,
00:05pinaiigting pa ng pamahalaan ang pagbibigay ng ligtas at disenteng pabahay sa ating mga kababayan.
00:11Sa katunayan, ang higit 70 low-income families sa Cagayan, abay malapit ng maging homeowners.
00:18Silipin natin yan sa Sentro ng Balita ni Teresa Campos ng Radyo Pilipinas, Tuguegaraw.
00:28Napapalakpak sa tuwa at excitement ang mga residenteng yan dito sa Barangay Gadu, Solana, Cagayan
00:33sa isinagawang check awarding para sa land acquisition ng pamahalaan.
00:37Mula kasi sa pagiging illegal settler, magkakaroon na sila ng sariling bahay.
00:42Si Kuya Ermon, na dating walang bilib sa proyekto, presidente na ngayon ng kanilang homeowners
00:48at nangiikayat sa mga kabaryo na samantalahin ang alok na programa ng pamahalaan.
00:53Nihimok ko po yung mga nakitirawa kong kababaryo po namin,
00:58sumali na rin po para kahit isa sa amin hindi makaliktaan na mabigyan ng pagkakataon sa ganitong programa po.
01:09Kabilang si Kuya Ermon sa ikalawang batch ng mahigit 70 pamilya
01:13na mabibigyan ng titulo ng lupa sa pamagitan ng Social Housing Finance Corporation o SHFC.
01:19Sa ilalim kasi ng programang ito ng Department of Human Settlements and Urban Development o Dissoud,
01:24ang SHFC ang tutulong sa low-income families na makabili ng sarili nilang lupa upang makapagpatayo ng bahay.
01:31Habang ang buwan ng hulog para sa lupa ay kanilang babayaran naman sa SHFC sa napakababang halaga sa loob ng
01:3825 taon.
01:40Malibang po sa land-acquisition, meron din po kami mga tulong na ginagawa, hindi lang naman pagpapautang.
01:47Meron din po kami mga subsidiya sa kanila ngayon na kung saan, pati yung mga pagpapa-approve ng plano ng
01:54kanilang subdivision,
01:56pagpapatitulo, magawa yung matilat-silat yung mga titulo, sagot na po ng gobyerno.
02:03Pag mamalaki pa ng Dissoud Region 2, marami pang nakalinya ngayon ng mga homeowners association na nais ding mag-avail
02:10sa Revitalized Community Mortgage Program.
02:13Talagang minamadali na ng ating mahal na Pangulo na maibigay na yan,
02:18mabayaran yung may lupa para mas mapabilis yung pag-i-issue ng mga titulo na mapupunta dun sa mga beneficiaries
02:26natin.
02:27Ang mga ganitong programa ng pahamalaan ay bahagi ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o 4PH,
02:34isa sa makatupanan ng mga pangarap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga Pilipino na magkaroon ng sariling lupa't
02:41bahay.
02:42Mula rito sa Cagayan, para sa Integrated State Media, Teresa Campos, ang Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments