00:00International Criminal Court is now in session.
00:03Rodrigo Roan Duterte
00:13Ibinasura ng International Criminal Court Appeals Chamber
00:15ang apela ng Kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:18na kumwekwestyon sa jurisdiction ng ICC
00:22sa kanyang kasong crimes against humanity.
00:25Pinandigan ng Appeals Chamber
00:27ang naunang desisyon ng Pre-Trial Chamber 1
00:29na may jurisdiction ng ICC sa kaso ni Duterte
00:32dahil ang mga umanay krimen nangyari noong panahong kasapi pa
00:36ang Pilipinas sa Rome Statute.
00:38Dahil sa pagbabasura sa apela ng depensa,
00:41ayon sa presiding judge,
00:43moot na ang hiling ng depensa na agarang pagpapalaya kay Duterte.
00:47Wala sa pagdinig ang dating Pangulo na nag-wave ng kanyang karapatang dumalo.
00:52Bago ang pagdinig kahapon,
00:54nakausap ng medyang anak ng dating Pangulo na si Kitty Duterte.
00:58Ang mensahe raw ng ama sa mga nangungumusta sa kanya,
01:02siya ay invictus o salitang Latin na ang ibig sabihin ay hindi matitinag o hindi magpapatalo.
01:09Ayon sa abogado niyang si Atty. Nicholas Kaufman,
01:12mula sa anya'y political perspective,
01:15hindi na raw nila ikinagulat ang naging desisyon ng Appeals Chamber kaugnay sa jurisdiction ng ICC.
01:21Mula naman daw sa legal na pananaw na biguraw ang Appeals Chamber,
01:26na linawin ang pamantayan kung kailan nagiging usapin sa korte ang anya'y malabong preliminary examination.
01:33Anya, tila lumalabas na kahit nag-withdraw na ang isang estado,
01:38maaari pa rin magbukas ng imbestigasyon.
Comments