00:00Hihiling ng panibagong Travel Authority si Vice President Sara Duterte dahil hindi na raw natuloy ang mga plano niyang biyahe.
00:07Batay sa travel clearance mula sa Malacanang, kahapon inaprubahan ang Travel Authority na epektibo simula ngayong araw hanggang May 15.
00:15Pinayagang bumiyahe ang bise sa The Netherlands kung saan nakadetain ang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:23Gayun din sa South Korea, Belgium, Germany at United Kingdom.
00:27Kapalit daw yan nang nauna niyang inaprubahang Travel Authority para sa mga personal trip ng bise mula April 23 hanggang
00:35May 14.
00:36Pero sabi ng bise, hindi na matutuloy ang kanyang biyahe dahil last minute ang niyang inaprubahan ang Travel Authority.
00:43Hiling ng bise sa Office of the President, agahan ang pag-issue ng mga kinakailangang dokumento para mapaghandaan ang kanyang
00:50mga biyahe abroad.
00:51Makatutulong din daw sa siguridad ng bise kung maayos ang pagproseso ng Office of the President sa mga sensitibong dokumento.
Comments