00:00Posibleng ibasura na ang ethics complaint laban kay Sen. Bato de la Rosa kung kusa na niyang tatanggihan ang pagtanggap
00:08ng kanyang sweldo.
00:09Ayon kay Senate Ethics Committee Chairman Sen. J.V. Ejercito, kung ganyan ay mawawala na ang basehan ng reklamo na
00:17tumatanggap si de la Rosa ng sahod kahit matagal ng absent.
00:21Pero bukod sa sahod, hiniling din ang mga nagsampa ng ethics complaint itong Pebrero na suspendihin ang operasyon ng opisina
00:30ni de la Rosa.
00:31Nobyembre ng nakaraang taon pa kasi siya hindi pumapasok mula ng umugong ang balitang may warrant of arrest laban sa
00:39kanya ang International Criminal Court.
00:42Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyong may ganyang warrant na pero depende pa rin anya yan sa desisyon ng buong
00:49ethics committee.
00:53Kung talagang hindi niya natatanggapin niya sweldo niya, sahod niya, allowances, so wala nang basehan yung complaint.
00:59Depende nga po yan sa members ng committee kung ano po yung kanilang magiging desisyon.
01:05Dahil wala nga sa rules lahat yan, maraming pag-uusapan pa.
Comments