Skip to playerSkip to main content
  • 12 hours ago
Mga Pilipino sa Lebanon, hinimok na samantalahin ang umiiral na ceasefire para magpa-repatriate | ulat ni Steph Vicente - Radyo Pilipinas World Service

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, mga Pilipinos sa Lebanon, hinimok na i-avail na ang alok na repatriation ng pamalaan,
00:06lalo na at umiiral ngayon ang 10 araw na ceasefire.
00:10Si Steph Vicente ng Radio Pilipinas World Service sa Sentro ng Balita.
00:17Ngayong may umiiral na ceasefire o tigil putukan sa pagitan ng Israel at Lebanon,
00:22hinihikayat ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut,
00:25ang ating mga kababayan na naninirahan at nagtatrabaho sa Lebanon na samantalahin ang alok na repatriation.
00:33Sa panayam ng Radio Pilipinas World Service,
00:36ibinahagi ni Philippine Ambassador to Lebanon Marlo Miranda
00:39na ilan pa lang kasi ang nag-avail ng naturang serbisyo tulad na lamang nitong biyernes
00:45kung saan 23 overseas Filipino workers at 5 overseas Filipinos ang nagpa-repatriate.
00:51Habang kahapon naman, 10 Pilipino ang inihatid ng Migrant Workers' Office
00:56sa paliparan ng Lebanon pa uwi ng Pilipinas.
01:01Lalo pa nga sigurong tuwing ceasefire, mas hindi nila nararamdaman ang danger sa sarili nila
01:09kaya po malamang hindi po nila iisip pa yung magpa-repatriate sa atin.
01:15Pero sana po, i-avail nila sana habang tahimik, habang may airport pa, habang may flights pa po.
01:22Matatanda ang nagsimula ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Lebanon
01:26hating gabi ng Abril at 17, oras sa Beirut at tatagal ng sampung araw.
01:32Kaya paalala ni Ambassador Miranda sa ating mga kababayan na nananatili pa sa Lebanon
01:37na patuloy na maging alerto dahil na rin sa instability sa political landscape sa naturang bansa.
01:44Kapag ang Hezbollah po ay nakaramdam na sila po ay ginagawang kalaban
01:51ng sarili nilang gobyerno at silang tanggalan ang armas.
01:56So isa po yun sa mga worst case scenario na explain na rin po namin at alam din po yan
02:02ng mga Filipinos kasi naiintindihan po nilang politika dito sa Lebanon
02:07na hindi lang po Israel, kundi maaring magkaroon ng kaguluhan
02:11kapag nagkaroon ng iringan ang Hezbollah at the rest of Lebanon.
02:17Sa ngayon, nakataas pa rin ang alert level 3 ng Department of Foreign Affairs
02:22sa bansang Lebanon.
02:23Ibig sabihin, voluntary repatriation o voluntaryo ang pagpapauwi sa mga Pilipino.
02:29Ang hakbang na yan ng ating pamahalaan ay kasunod sa utos
02:33ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kapakanan ng mga Pilipino
02:37na nasa ibang bansa.
02:39Para sa Integrated State Media,
02:41Steph Vicente ng Radyo Pilipinas World Service.
Comments

Recommended