00:00Balik po tayo sa mga balita sa bansa.
00:03Sa halit na makatulong, inire-reklamo ng ilang residente na lalo parang lumala ang baha
00:09dahil sa itinatayong pumping station sa barangay Talayan, Quezon City.
00:13Ang naturang pumping station kasama sa questionable umanong flood control projects
00:18na pinaimbisigahan sa Office of the Ombudsman.
00:22Balitang hatid ni Bea Pinlak.
00:27Dalawang taon na ang nakalipas mula nang simulang itayo ang pumping station na ito
00:31sa Matalahib Creek, Talayan, Quezon City.
00:34Pero hindi pa rin ito tapos at hindi pa rin mapakinabangan.
00:38Imbes na maibsa ng pagbaha sa mga kalapit na barangay,
00:42daing ng mga residente, tila pinalala parao nito ang problema.
00:47Talagang pag nagbaha malalim talaga, lagpa sa tao.
00:50So, dati, matagal bago dumating ang tubig sa kalsada.
00:55At saka hindi naabot yung silong namin.
00:58Ngayon, Diyos ko po, mga wala pang five minutes nasa bahay na namin.
01:03Itong bagyo, umabot ng almost third floor namin.
01:07Ayon sa Quezon City LGU,
01:09hindi dumaan sa tamang proseso ang pagpapatayo sa pumping station.
01:13Pinalagan din daw nila ito
01:15dahil hindi anila makatutulong sa problema sa baha
01:17ang disenyo ng istruktura.
01:20Nung nabuild itong structure na ito,
01:23una, wala pong pahintulot ng lungsod,
01:26wala pong certificate of coordination,
01:28wala rin pong kahit anong permit.
01:30Nung wala ito, less yung baha dito sa area na ito.
01:34Nung tinayuto at hindi tinapos,
01:38lumaga yung baha.
01:41Ininspeksyon kahapon ng DPWH ang pumping station,
01:44kasama ang Quezon City LGU
01:46at mga kinitawan ng UP Project NOAA at private sector.
01:52Sinisimulan na ang mga hotbang para maayos ang pumping station,
01:56gaya ng pag-iba sa mga nakaharang na estruktura
01:58at dredging sa San Juan River.
02:01Ang mangyayari po dito, kapag tinanggal natin yan,
02:04mabubuksan yung Matalahid Creek
02:06at mapupunta yung tubig sa San Juan River
02:09para hindi masyadong nagbabaha doon sa talayan.
02:13Maglalagay din ng mobile pumps at retention basin
02:16sa mga piling lugar.
02:17Pero sabi ni DPWH Secretary Vince Dizon,
02:21baka sa susunod na taon pa ito maging fully operational.
02:24Yung pumping station, wala itong pondo ngayon.
02:27Kaya hindi matapos-tapos.
02:30So, we will have to fund this for 2027
02:33para by the end of 2027
02:35or before the rainy season, hopefully,
02:37operational siya.
02:39Isang Matalahid Creek pumping station
02:41sa mga maanumaliang flood control project
02:44na isinumitin ang DPWH at ICI
02:47sa Office of the Ombudsman.
02:50Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
Comments