Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00What do you want?
00:03Good job!
00:04Okay,
00:04Tunglong tulong.
00:08Sa pagbuhat sa wolf
00:10o sa lobo ito sa South Korea.
00:12Yan po si Nukgu.
00:14Ang lalaking lobo na nakatakas mula sa
00:16O World Zoo noong April 8.
00:18Matapos itong maghukay sa ilalim ng bakod.
00:21Dahil mailap,
00:22inabot ng siyam na araw
00:24bago siya nahuli malapit sa isang highway interchange
00:27mahigit dalawang milyang layo mula sa zoo.
00:30Para matuntun, gumamit pa ang mga otoridad ng drone na may thermal imaging camera
00:34at speakers kung saan maririnig ang alulong ng isang lobo.
00:39At na ma-ispatan, agad din siyang nahuli gamit ang tranquilizer gun.
00:43Normal ang kanyang vital signs pero may natanggal sa kanyang isang fishing hook o kawi.
00:49Ligtas na siyang naibalik sa zoo.
00:51Si Nook Goo ay bahagi ng isang programa para maibalik ang Korean wolves
00:55na kinokonsidera na noong extinct sa wild.
01:00Pinilahan ng payout ng ayuda para sa mga motorcycle taxi at delivery riders ngayong araw sa Metro Manila.
01:06At mula po sa Quezon City, nakatutok lang si Darlene Hyde.
01:10Darlene?
01:14Pia, hanggang ngayon, napakahaba pa ng pila ng mga riders na naghihintay na mabigyan ng ayuda ng DSWD dito sa
01:20Quezon Memorial Circle.
01:22Mula rito sa kinatatayuan ko sa entrance hanggang doon pa yung pila sa may dulo nitong circle.
01:28Ayon sa kawaninang DSWD, nasa 4,000 na raw yung mga taposan nila sa validation.
01:35Pero, libo-libo pa rin.
01:37Yung hanggang ngayon ay naghihintay at nakapila pa.
01:43Kita mula sa himpapawid ang haba ng pila ng mga rider na kukuha ng ayuda sa Quezon Memorial Circle
01:48ngayong unang araw ng special payout para sa mga motorcycle taxi at delivery riders
01:53na hindi kasama sa mga unan ang nabigyan ng tigliman libong pisong ayuda sa gitna ng krisis sa langis.
02:00Napuno ang circle at umabot na ang pila sa labas at paikot sa elliptical road
02:05at kinain na ng mga motorsiklo na nakaparada ang unang lane ng elliptical road.
02:10Maghapon ding babad sa matinding init ang libo-libong riders na dumagsa.
02:16May punto ngang gumamit na ng plywood ang iba para pantabing sa matinding sikat ng araw.
02:21May riders na alas-dos pa ng madaling araw nakapila na rito pero tanghali na hindi pa sila nakakapasok.
02:28Reklamo ng ilang rider, mabagal daw ang usad ng pila kaya nahilo na ang iba sa gutom.
02:34Ang iba, wala raw ang pangalan sa listahan.
02:39Libo-libong riders din ang pumila sa Makati Coliseum kaninang umaga.
02:44Marami ang madaling araw pa nakapila at may singitan pa raw.
02:48150,000 riders ng delivery service at motor taxi sa Metro Manila
02:53ang target na mabigyan ng ayuda sa special payout ngayon hanggang bukas ayon sa DSWD.
02:58Open payroll daw ang ginawang sistema ng DSWD.
03:02Ibig sabihin, iisa lang ang listahan na hawak ng apat na payout centers
03:06na itinalaga para sa Metro Manila riders ngayong araw.
03:09Kaya pwedeng pumunta ang riders sa kahit alin dyan.
03:13Para raw ito makatipid sila sa gas.
03:15Galing daw ang listahan sa mga transport network companies at associations.
03:20Lilinawin pa raw ng DSWD sa DOTR kung paano maisasama ang habal-habal riders
03:25o iyong mga rider na walang kinabibilangang grupo o transport network.
03:30Tiniyak din ang DSWD na aasikasuhin nilang mga rider na nagtatrabaho sa transport companies o networks
03:36na hindi pa rin kasama sa listahan ngayon.
03:39Humiling naman ang pangunawa ang DSWD sa mga driver at rider
03:43sabay pagtitiyak na tuloy-tuloy ang bigayan ng ayuda hanggang katapusan ng Abril.
03:48Sabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez,
03:51matuma lang pagpaperehistro ng mga super at operator para sa net service contracting program
03:55na nagsimula noong miyerkules.
03:57Kaya iniutos niya raw sa mga tauhan ng LTFRB na pumunta sa opisina ng mga TNC at transport group.
04:0450,000 units ng bus, jeep at UV Express ang target ng DOTR na mapasama sa programa
04:10na layong bayaran ng mga super sa kada kilometro ang pagpasada
04:14at magbibigay ng 20% ang diskwento sa pamasahe para sa mga pasahero.
04:19Narito po ang pahayag ni Secretary Lopez, ni DSWD spokesperson Dumlao
04:24at ng mga nakausap naming rider.
04:28Kami na po yung pumunta sa ating mga terminal
04:31para naman kahit pa paano mas mapapabilis natin
04:34ang pag-onboarding ng ating mga operators
04:37at sa mga drivers natin for the net service contracting program.
04:41So, we're expecting by Monday, makaasap po tayo na may 19,000,
04:49over 19,000 na jeepney, modern, traditional, and UV Express,
04:54kasama na rin yung EDSA pathway natin, na nakapasok na yung sa programa.
04:59At itiyakin po namin na kayo po ay eligible drivers,
05:02eligible public utility vehicle drivers,
05:06kayo po ay ma-assist po sa ilalim ng programa.
05:16Pia, sabi ng mga kauni ng DSWD na nandito ay hindi sila aalis
05:20hanggang matapos yung bigaya ng ayuda sa mga riders na nandito
05:24at umabot sa cutoff kaninang tanghali.
05:26Pero may ilang rider kaming nakausap, siguro mga nasa limampu sila
05:30na hindi umabot sa cutoff kaninang tanghali
05:33at nandito pa rin at umaasa na mabibigyan din sila ng ayuda ngayong araw.
05:37Pero sabi naman ng DSWD ay meron pa namang special payout bukas.
05:41Yan ang latest mula rito sa Quezon City, balik sa Europa.
05:46Maraming salamat, Darlene Kai.
05:48Nakakatoon ay kalawang impeachment hearing ni Vice President Sara Duterte
05:52sa kanya umanong unexplained wealth o di maipaliwanag na yaman.
05:57Tiyak na raw ang pagharap ni na Ombudsman Jesus Crispin Rimulia
06:00at dating Senador Antonio Trillanes sa pagdinig para dyan.
06:04Nakatutok si Jonathan Andal.
06:09Ang mga umanoy unexplained wealth o di may paliwanag na yaman ni Vice President Sara Duterte
06:15ang tatalakayin sa ikalawang pagdinig ng House Justice Committee
06:18sa impeachment complaint laban sa kanya sa Merkoles, April 22.
06:22Sabi ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulia,
06:24dadalo siya sa pagdinig, dala ang mga SAL-N
06:26o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng Vice.
06:30I will show up for a while.
06:32Kailangan magsasagot na ng mga tanong yung person in charge of the documents of the Ombudsman.
06:36Kasi wala ka namang kwan doon eh.
06:37Wala akong kilalaman. Institutional yun.
06:40Just to show respect to the House.
06:42Si dating Senador Antonio Trillanes,
06:44the fourth na ipinasampina ng Komite ng nakaraang hearing,
06:46kinumpirma sa text message sa GMA News na tetestigo siya
06:50tungkol sa mga umanoy nakaw na yaman ng Vice.
06:53Ipinatatawag din ang Anti-Money Laundering Council,
06:56Securities and Exchange Commission at Bureau of Internal Revenue.
06:59Kapag na-establish sa mga back accounts, sa financial documents,
07:04yung pong kaso on unexplained wealth,
07:07yung pong kaso on salin violations,
07:10rising to a level of betrayal of public trust,
07:13mabupuo po namin sa darating pong pagdilig.
07:16Kapag lumusot ito sa Kamara, tumakyat sa Senado,
07:19paano kaya ito'y sasabay ng mga Senador sa kanilang trabahong gumawa ng batas?
07:23Paano kala ni Senate President Pro Tempore Ping Lakson
07:26gawin ang impeachment trial tuwing lunes, miyerkules at biyernes,
07:30simula alas 3 ng hapon.
07:31Tuwing martes at webes naman ang Senate session
07:33at tuwing umaga naman nila gagawin ang mga committee hearing.
07:36Halos kapareho ito ng naunang panukalan ni Senate President Tito Soto.
07:40Pero para kay Soto, araw-araw ang impeachment trial,
07:43lunes hanggang biyernes, alas 3 ng hapon.
07:45Ang lahat ng legislative duties, sabi ni Soto,
07:47lunes hanggang miyerkules, alas 9 ng umaga hanggang alauna ng hapon.
07:51Samantala, kinuestion at kinontra ni Senador Lakson
07:53ang sinabi ni Atty. Salvador Panelo,
07:55dating Presidential Legal Counsel ng Duterte Administration,
07:58na pag umabot niya sa Senate impeachment trial,
08:01tiyak ng bobotong guilty si na Senador Lakson at Soto,
08:04pati na si na Sen. Teresa Ontiveros at Kiko Pangilinan.
08:07Tinawag ni Lakson na nonsensical o walang katoturan ng pahayag ni Panelo.
08:11Tinawana naman yan ni Panelo.
08:13Ha ha ha, nasaktan yung mama sa katotohanan.
08:16Masyado naman siyang balat si Buyas.
08:18I was not making a premature statement on his impeachment vote.
08:22It was an opinion based on his demeanor as a senator.
08:26Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
08:35Kilig ang hatid ni na XPBB Celebrity Collab Edition housemates Dustin Yu at Bianca De Vera
08:40sa kanilang fan sa isang fan meet kagabi.
08:43Ang kanila namang mga taga-suporta nagbigay ng ngiti sa mga chuper sa handog nilang ayuda.
08:48Makisika tayo kaya Tina Imperia.
08:53The best food, views, and company ang in-enjoy ng The Secret of Hotel 88 Stars Dustin Yu at Bianca
09:01De Vera
09:01sa kanilang recent trips abroad.
09:03Recently, galing ang dalawa sa Vietnam at Hong Kong.
09:06Natuwa pa at kiniligang fans sa posts ni Dustin ng photos ng view
09:10at ni Bianca na ang caption, I love the view at beautiful nga.
09:15So, anong pinaka na-enjoy mo sa Vietnam?
09:17Food trip, eh.
09:18Food trip, tsaka yung ano, yung pag-picture ko sa kanya.
09:23Ang galing kasi akong mag-picture, eh.
09:25Nag-enjoy ako mag-shopping, tsaka nag-enjoy ako kumaen,
09:28and of course, Dustin likes to eat all.
09:31So, and the people we were with loves to eat.
09:33Looking forward ang dalawa sa kanilang upcoming project together
09:36na malapit na raw mapanood.
09:38We're so excited because this is going to be our second music video together.
09:43Puro kami tawa.
09:44Puro kami kulitan.
09:47As in, nakipag-bonding kami.
09:49Sa ngayon, dapat daw abangan kung ano ang mangyayari sa kanilang mga karakter
09:53sa series na The Secrets of Hotel 88.
09:57So, ngayon, madami nang nare-reveal.
10:01Mas madami pa sa mga susunod.
10:02Marami pang manggugulo.
10:04Marami pang mga secrets.
10:06Ang Dust Bia fans naman, bukod sa nag-organisa ng get-together kagabi
10:11kasama ang mga idolo,
10:12na mahagi rin ang libreng gas at pagkain para sa jeepney drivers.
10:17Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
10:25Tampok ang pagiging malikhain ng mga Pinoy sa mga ordinaryong bagay na tila ni-level up pa.
10:31Hindi na po kailangan lumabas ng bahay para ma-achieve ang 10,000 steps a day
10:35sa treadmill ng estudyanteng si John Leardo Maloho.
10:39Gawa sa kahoy ang treadmill at hindi na kailangan ng kuryente.
10:43Dahil ang treadmill gumagana ng mano-mano.
10:47Ang kwento ni John, ginamit niyang puhunan ang premyong napanalunan niya sa gym.
10:52At kumuha siya sa internet ng ideya sa pagbuo ng kanyang kakaibang DIY treadmill.
10:58At level up naman, ang isang tricycle sa Nueva Ecija.
11:04Ang sidecar kasi nito, disenyo ang bahay kubo.
11:07Ang kweda na may-ari na si Arturo da Rosario,
11:10ginagamit niya ang tricycle para sa kanilang negosyong Ice Candy.
11:14Mabiembre nang simulan niya ang proyekto at target niya matapos ang bahay kubo bago mag-tag-ulan.
Comments

Recommended