00:24Vice President Sara Duterte
00:33Sa Commission on Audit Decision No. 2026-171 na may pechang April 10, unanimous ang chairperson at dalawang commissioners ng
00:44COA sa pagbasura sa apela ng Office of the Vice President sa Notice of Disallowance sa mahigit P73M na confidential
00:52funds ng OVP noong 2022.
00:55Magugunitang noong December 21 hanggang 31, 2022, ginamit ng OVP ang P125M na confidential funds.
01:05Pero mahigit P73M dito ang disallowed ng COA.
01:10Kasama rito ang mahigit P69M na halaga ng pabuya in cash, in kind at gamot sa mga informant na sabi
01:19ng COA ay dapat suportado ng mga tamang dokumento na magpapatunay na matagumpay ang isinagawang surveillance operation.
01:27Sagot ng OVP, matagumpay ang operasyon nila dahil wala namang nangyaring aberya na konektado sa siguridad.
01:36Pero sabi ng COA, hindi ganun yun.
01:39Kasi dapat magsumite ang OVP ng accomplishment report na may breakdown ng pinagamitan ng confidential funds at bakit masasabing nagtagumpay
01:49ang mga ito.
01:50Disallowed din ang P3.5M na pinambili ng mga mesa, upuan, computers at printers.
01:58Sabi ng COA, kailangang may official receipts o sales invoice ang mga ito at hindi lang acknowledgement receipts.
02:06Sa apela ng OVP, sinabi nitong nalabag ang karapatan nito sa due process.
02:12Bagay na pinabulaanan ng Intelligence and Confidential Funds Audit Office.
02:18Tingin ni House Justice Committee member, Representative Terry Ridon, magiging basehan ang COA decision para sabihing nagkaroon ng impeachable offense
02:27ang bise.
02:28The fact that the Vice President and two of her OVP officials are being asked to return 73 million is
02:40already the proof that the use was improper,
02:43that the use was irregular, that there was a misuse of confidential funds.
02:47And therefore, I think as far as the House is concerned, it will basically rise to a level of an
02:54impeachable offense, particularly betrayal of public trust.
02:58Kasi syempre, public offices sa public trust, yung pong ganito pong panggamit ng pera, people had been jailed for less.
03:06Sabi ng isa pang miyembro ng Justice Committee na si Representative Joel Chua.
03:11Dito lumalabas, it's either mali yung paggamit, hindi nagamit ng maayos, or hindi na justify yung paggamit.
03:19So, either kung ano man doon, ibig sabihin talaga may problema sa paggamit, or hindi talaga mapaliwanag kung paano nagamit.
03:29Panawagan ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V na endorser ng Cabrera impeachment complaint,
03:37ibalik ni VP Duterte ang 73 million pesos at panagutan ang kanyang nagawa.
03:43Pero kapag isinauli ba ng vice ang 73 million pesos, wala na siyang impeachable offense?
03:49Hindi din po ma-absolve kung meron pong impeachment proceedings laban sa kanya.
03:55Kasi nga, yung pong acts ng misuse of confidential funds would constitute already a betrayal of public trust and impeachable
04:04offense.
04:04So, we will continue to proceed against the vice president even if she actually returns yung pong 73 million.
04:13Inudyo ka naman yung Manila Representative Bienvenido Abante na nag-endorso rin sa Cabrera impeachment complaint,
04:20si VP Duterte na humarap sa House Committee on Justice imbis na idaan sa mga press release at social media
04:28posts ang kanyang mga paliwanag.
04:31Naniniwala ang ilang membro ng House Committee on Justice na mabigat ang mga nalantad na sa komite laban kay Vice
04:37President Sara Duterte.
04:39Pero may pagkakataon pa raw siyang kontrahin ang mga ito.
04:43Well, kung sa bigat at bigat, masasabi natin may puntos.
04:47Pero syempre, hindi mo naman po pwedeng sabihin na may probable cause na agad kasi hindi pa naman tapos yung
04:53committee hearing.
04:54O pwede pang magsumiti ang defense ng kanilang mga ebedensya to disprove or to rebut lahat ng mga allegations sa
05:05kanila.
05:05Kaya nga po yung determination ng probable ko sa dulo pa yan.
05:09Sinisika pa ng GMA News na makuha ang panig ni Duterte at ng OVP.
05:15Bukod naman sa P73M na disallowance, sabi ng COA, may isa pang notice of disallowance silang ipinadala sa OVP
05:24para naman sa P375B Confidential Funds para sa 1st, 2nd at 3rd quarter ng taong 2023.
05:34Hindi malinaw kung nasagot na ito ng OVP.
05:37Ito ang unang balita.
05:39Tina Panganiban Perez para sa GMA News.
Comments