00:00Sinusuri na ng House Justice Committee ang desisyon ng COA na nagbasura sa apila ni Vice President Sara Duterte
00:08sa notice of disallowance ito sa bahagi ng OVP Confidential Funds.
00:13Ang sabi ng isang miembro ng komite, maaring basihan ito para masabing may impeachable offense ang bisi.
00:22Nakatutok si Tina Panganibang Perez.
00:26Sa Commission on Audit Decision No. 2026-171 na may pechang April 10, unanimous ang chairperson at dalawang commissioners ng
00:37COA
00:37sa pagbasura sa apila ng Office of the Vice President sa notice of disallowance sa mahigit P73M na confidential funds
00:46ng OVP noong 2022.
00:48Magugunitang noong December 21 hanggang 31, 2022, ginamit ng OVP ang P125M na confidential funds.
00:58Pero mahigit P73M nito ang disallowed ng COA.
01:04Kasama rito ang mahigit P69M na halaga ng pabuya in cash, in kind at gamot sa mga informant.
01:12Nasabi ng COA ay dapat suportado ng mga tamang dokumento na magpapatunay na matagumpay ang isinagawang surveillance operation.
01:21Sagot ng OVP, matagumpay ang operasyon nila dahil wala namang nangyaring aberya na konektado sa siguridad.
01:29Pero sabi ng COA, hindi ganun yun.
01:32Kasi dapat magsumite ang OVP ng Accomplishment Report na may breakdown ng pinagamitan ng confidential funds at bakit masasabing nagtagumpay
01:42ang mga ito.
01:44Disallowed din ang P3.5M na pinambili ng mga mesa, upuan, computers at printers.
01:51Sabi ng COA, kailangang may official receipts o sales invoice ang mga ito at hindi lang acknowledgement receipts.
01:59Sa apela ng OVP, sinabi nitong nalabag ang karapatan nito sa due process.
02:05Bagay na pinabulaanan ng Intelligence and Confidential Funds Audit Office.
02:11Tingin ni House Justice Committee Member Representative Terry Ridon, magiging basehan ang COA decision para sabihing nagkaroon ng impeachable offense
02:20ang bise.
02:23The fact that the Vice President and two of her OVP officials are being asked to return 73 million is
02:35already the proof that the use was improper, that the use was irregular.
02:40That there is a misuse of confidential funds.
02:43And therefore, I think as far as the House is concerned, it will basically rise to a level of an
02:49impeachable offense, particularly betrayal of public trust.
02:53Kasi syempre, public office is a public trust.
02:57Yung pong ganito pong paggamit ng pera, people have been jailed for less.
03:01Sabi ng isa pang miyembro ng Justice Committee na si Representative Joel Chua.
03:06Dito, lumalabas, it's either mali yung paggamit, hindi nagamit ng maayos, or hindi na justify yung paggamit.
03:14So, either kung ano man doon, ibig sabihin talaga may problema sa paggamit.
03:21Or hindi talaga mapaliwanag kung paano nagamit.
03:24Panawagan ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V na endorser ng Cabrera impeachment complaint,
03:32ibalik ni VP Duterte ang 73 million pesos at panagutan ang kanyang nagawa.
03:38Pero kapag isinauli ba ng BISE ang 73 million pesos, wala na siyang impeachable offense?
03:44Hindi din po ma-absolve kung meron po nga impeachment proceedings laban sa kanya.
03:50Kasi nga, yung pong acts ng misuse of confidential funds would constitute already a betrayal of public trust and impeachable
03:59offense.
03:59So, we will continue to proceed against the Vice President even if she actually returns yung pong 73 million.
04:08Inudyo ka naman yung Manila Representative Bienvenido Abante na nag-endorso rin sa Cabrera impeachment complaint,
04:15si VP Duterte na humarap sa House Committee on Justice imbis na idaan sa mga press release at social media
04:23posts ang kanyang mga paliwanag.
04:26Naniniwala ang ilang membro ng House Committee on Justice na mabigat ang mga nalantad na sa komite laban kay Vice
04:32President Sara Duterte.
04:34Pero may pagkakataon pa raw siyang kontrahin ang mga ito.
04:38Well, kung sa bigat at bigat, masasabi natin may puntos.
04:42Pero syempre, hindi mo naman po pwedeng sabihin na may probable cause na agad kasi hindi pa naman tapos yung
04:48committee hearing.
04:49O pwede pang magsumiti ang defense ng kanilang mga ebidensya to disprove or to rebut lahat ng mga allegations sa
05:00kanila.
05:00Kaya nga po yung determination ng probable cause, sa dulo pa yan.
05:04Sinisika pa ng GMA News na makuha ang panig ni Duterte at ng OVP.
05:10Bukod naman sa P73M na disallowance, sabi ng COA, may isa pang notice of disallowance silang ipinadala sa OVP.
05:19Para naman sa P375B Confidential Funds para sa 1st, 2nd at 3rd quarter ng taong 2023.
05:29Hindi malinaw kung nasagot na ito ng OVP.
05:33Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.