00:00Nakatanggap ang mahigit isang libong taxi driver ng tig-tatlong libong cash assistance mula sa Baguio City, LGU.
00:08Bilang ng mga benepisaryo, inaasahang madaragdagaan si Angel Kim Pengostro sa Sentro ng Balita.
00:17Maaga na nagtungo ang nasa tinatayang 400 taxi driver sa lungsod sa Baguio Convention and Cultural Center
00:24para makatanggap ng 3,000 pesos na financial assistance mula sa Baguio City, LGU.
00:31Ito ang ikalawang araw ng pamamahagi ng financial assistance.
00:35Kahapon, halos 300 na taxi driver ang nabigyan ng ayuda.
00:40Alam natin na krisis ngayon ng langis, mataas ang presyo ng diesel and gasoline.
00:47Kaya alam natin na sa larangan ng mga taxi drivers natin, hirap na hirap sila.
00:52O konti na lang na iyoin nila sa kanilang mga pamilya.
00:56Malaking tulong ang financial assistance para kay Rolando Mendoza na 35 taon nang nagmamaneho.
01:03Mas malala ito kaysa sa pandemic.
01:06Bigat sa malaki ang nawala.
01:10Yung ang pag nagkarga ka ng 4,000 sa tanke, parang hiniipan lang yung tanke.
01:15Si Kuya Edmondo naman, mag-extend ng pagpapasada para mapagaan lamang ang epekto ng krisis sa petrolyo.
01:23Maraming maraming salamat po sa tulong ng City Government of Baguio.
01:28Dahil malaking bagay ito para kahit pa paano makatulong sa pangaraw-araw.
01:35Batay sa initial list ng City Social Welfare and Development Office, aabot sa 1,537 na taxi driver ang mapagkakalooban
01:45ng financial assistance.
01:46Pusibli namang mas dadami pa ito dahil extended ang pagrehistro at pagpapalista sa mga taxi driver ng lungsod.
01:54Mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ng CSWDO, ang pondo na ginamit para dito.
02:02Angel Kimpengosro para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments