Skip to playerSkip to main content
  • 6 weeks ago
Philippine President Marcos launched the "Biyayang Bigas" program in the City of Manila on Thursday, April 16. The program's inauguration was held at SM City Manila, together with the City of Manila Local Government Unit. Thousands of Manila workers received 10 kilos of rice each as part of the government’s assistance program. The initiative aims to help ease the burden of residents affected by rising commodity prices.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inaanyayahan po natin ang ating minamahal na Pangulo
00:04kasama si Mayor Isco Moreno na magtungo sa rice distribution area
00:10para sa pamamahagi ng bigas para sa Maynila.
00:39Alam niyo po, noong una akong umupo, may nagtanong sa akin na reporter,
00:44tinanong sa akin, ano talaga ang pangarap mo dito sa administrasyon mo?
00:52Sabi ko, sana pagbaba ko bilang Pangulo ay masasabi ko wala ng gutom na Pilipino.
00:59Kaya po, aming ginagawa, patuloy na ginagawa ito.
01:03Ginawa po natin ito sa pamamagitan ng tinatawag na LGSF, yun ay Local Government Support Fund.
01:11Ang programang ito ay magbibigay nitong 10 kilo na bigas 6 na beses sa isang taon.
01:19At patuloy lang ating binibigay. Binigay na po natin sa ating mga local government para naman ay mabilis.
01:27Pag naaantay natin ang national government, siyempre malayo ang pupuntahan ng pondo niya.
01:32Ang daming mga papeles na kailangan gawin, ang daming mga dokumento.
01:37Tapos iisa-isahin ninyo yung bawat probinsya, bawat lunsud.
01:42Iisa-isahin nyo medyo matagal.
01:44Kaya sabi ko, ba't di na lang natin bigay yung pondo sa ating mga local government?
01:49Sila nang bahala at silang on the ground.
01:51Tama naman ang nangyari.
01:53Kasi wala tayo magagawa doon sa presyo ng langis.
01:56Ngunit sa presyo ng pagkain, yun meron tayo magagawa.
02:00At nataon nga itong programang ito.
02:03At sana po ipapagpatuloy nga natin ito.
02:06Sana po ito ay makatulong sa ating mga kababayan.
02:10Sana po ay kahit papaano matupad ang aking pangarap na pagbaba ko bilang Pangulo, wala na pong gutom na Pilipino.
02:20Maraming salamat po. Magandang mag-aplop sa'yo nila.
Comments

Recommended