00:00Mga kapuso, nagbabanta ang Super El Niño sa huling bahagi ng taon ayon sa pag-asa.
00:06May mga senyales na raw kasi nito, bagaman patuloy nilang inaaral ang mga datos.
00:11Sa ngayon, hindi pa lahat ng weather models ay sumasangayon sa posibilidad ng isang Super El Niño.
00:17Nangyayari po ang El Niño kapag umiinit ang tubig sa Pacific Ocean.
00:22Ang epekto nito sa bansa, mas madalas at mas malalakas na ulan at bagyo
00:26at kapag nataon sa panahon po yan ng habagat.
00:30Pagkatapos naman ng habagat season, posibleng maranasan ang mas mahabang tagtuyot hanggang sa unang bahagi ng 2027.
00:38Sa ngayon, nakataas ang El Niño Watch ng pag-asa.
00:42Patuloy rin minomonitor ang bagyo sa Pacific Ocean na may international name na Sinlaku.
00:47Namataan po yan ang pag-asa, 2,415 kilometers silangan ng Northern Luzon.
00:53Isa pa rin itong typhoon na may lakas ng hangin na aabot sa 155 kilometers per hour.
00:59Hindi na po ito papasok sa Philippine Area of Responsibility.
01:03Asahang magiging mainit at maalinsangan pa rin sa malaking bahagi ng bansa,
01:07pero posibleng pa rin po ang mga local thunderstorms sa ilang lugar.
01:11Umiiral sa Northern Luzon ang ridge ng high-pressure area.
01:15Ayon sa pag-asa, posibleng pumalo sa extreme caution level na 41 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan, Pangasinan
01:23at sa Cotabato City.
01:2640 degrees Celsius naman sa siyam na lugar sa bansa.
01:29Dito po sa Metro Manila, posibleng umakyat sa 37 degrees Celsius ang heat index particular na sa Pasay.
Comments