Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) APRIL 15, 2026 [HD]


Narito ang mga nangungunang balita ngayong April 15, 2026
- Big-time price rollback sa petrolyo, panawagan ng mga lumahok sa tigil-pasada ng grupong Manibela | Manibela President Mar Valbuena: Nasa 500,000 PUV drivers ang lalahok sa tigil-pasada | Manibela President Mar Valbuena: Mas mainam ang big-time price rollback sa petrolyo para makinabang lahat ng PUV drivers
- Hiling ng ilang jeepney driver: Sana para sa lahat ng tsuper ang Service Contracting Program
- NBI: Mga sulat at pirma sa 36 acknowledgment receipts ng confi funds ng OVP at DepEd, posibleng 7 tao lang ang gumawa | PSA: Mahigit 1,000 pangalan sa acknowledgment receipts ng confi funds, walang record ng kapanganakan, kamatayan, o kasal | Pagkuwestiyon ni Rep. Marcoleta sa kredibilidad ni Ramil Madriaga, pinaalis sa records ng House Justice Committee | Atty. Michael Poa, nilinaw na dumalo siya bilang dating opisyal ng DepEd at OVP, at hindi bilang abogado ni VP Duterte | Atty. Poa, nilinaw na reimbursement ang mga natanggap niyang pera mula kay VP Duterte
- Dating Sen. Trillanes at AMLC, pinahaharap sa pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment complaints laban kay VP Sara Duterte
- Sen. Lacson, nanawagan sa mga kapwa-senador na pirmahan na ang partial report ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa flood control issue


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:02.
00:02.
00:02.
00:02.
00:02.
00:05.
00:05.
00:06.
00:06.
00:06.
00:06.
00:07.
00:36Malawakang o malakihang rollback sa petrolyo ang hiling ng mga chopper na lumahok dito sa malawakang transport strike ng Manibela
00:42sa Filcoa, Quezon City.
00:45Madilim pa lang, nagmarcha na mga miyembro na Manibela papunta sa isang gasolinahan sa Filcoa, Quezon City.
00:51Hindi para magpakarga ng diesel, kundi para manawagan sa gobyerno na hindi sapat ang service contracting program at 10 pesos
00:57per liter na fuel subsidy.
00:59Ayon kay Marval Buena at Sherman Manibela, naabot sa kalahating milyon driver mula sa iba't ibang rehiyon ang lalahok sa
01:04programa kasama na mga nasa TNVS, taxi at motorcycle taxi.
01:08Mula sa Filcoa, posibleng magmarcha rin sila ngayong araw papunta sa Kamara, Senado at Menjola para ipanawagan ng kanilang hinaing.
01:16Sabi ni Val Buena, dapat nang magpatupad ng malakihang rollback na abot sa 50 pesos per liter lalo at may
01:21mga bago ng supply ng petrolyo na dumarating sa bansa.
01:24Pampagulo lang din daw ang service contracting program na magsisimula na ngayong araw.
01:29Bukod sa ani ay wala pang malinaw na guidelines dito, hindi rin daw lahat ng driver ay makakasama sa programa.
01:35Sana raw ay binuhos na lang ng gobyerno ang pondo sa fuel subsidy para mas marami saan ng driver ang
01:39makinabang.
01:40Iginit din ni Val Buena na tila ban aid solution lang ang mga naiisip ng gobyerno.
01:44Binigyan din din niya na hindi talaga sapat ang kinikita ng mga trooper dahil sa taas ng presyo ng petrolyo.
01:50Idagdag pa rito ang pagtas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na efekto pa rin ang mataas na presyo ng
01:55langis.
01:56Kumingi naman ang paumanhin na manibela sa publiko at sinabing para din sa kanila ang laban na ito.
02:03Sa lahat ng mga kababayan natin, para bumaba yung bilihin kapag nagbaba ang krudo dahil yan ang panawagan natin na
02:11i-rollback,
02:11hindi po para makapirwisyo kami sa mamamayang Pilipino.
02:14Itong mga oil companies na kung saan 130 billion pesos ang windfall profit na kinita sa loob ng 45 araw
02:24at ang gobyerno ay kumita ng 46 billion pesos sa loob ng 45 days para lamang sa bat at exercise
02:32tax.
02:33Ibig sabihin, halos 200 billion piso ang kinita o ang nalimas.
02:38May gyera sa Iran pero mas apektado pa tayo kung saan nando doon yung gyera.
02:49Kinukuha pa natin ang pahayag ng mga oil company kaugnay sa sinabi ng manibela.
02:54Igan kapansin-pansin na siksika na ang mga pasaherong nakasakay sa mga PUV dito sa bahagi ng Philcoa na posibleng
03:01efekto na ng strike.
03:02Bukas magkakaroon daw ng programa sa bawat strike center sa iba't ibang panig ng bansa.
03:06Kasunod naman ang programa, nakabantay ngayon ang mga tauhan ng QCPD, LTO, MMDA at QC traffic
03:12para matiyak ang siguridad ng publiko at maging maayos ang daloy ng trapiko.
03:17At yan ang latest mula dito sa Quezon City.
03:19Ako po si Jomer Apresto para sa GMA News.
03:24Ipatutubad na ang service contracting program ngayong araw na magbibigay ng dagdang kita sa ilang PUV drivers.
03:30Live mula sa Pasig, may unang balita si EJ Gomez.
03:33EJ!
03:37Igan, good morning. Simula na nga ngayong araw ang pagpapatupad ng gobyerno sa service contracting program para sa public transportation.
03:46Layo nitong madagdagan naman ang kasulukuyang mababang kita ng mga tsuper dahil pa rin sa mataas na presyo ng langis.
03:57Para sa mga tsuper na jeep na nakapanayam natin dito sa Pasig City, ang service contracting program sana raw ay
04:04para sa lahat.
04:05Dahil pare-pareho naman daw silang kumukonsumo ng mahal na diesel.
04:10Ang service contracting program ng pamahalaan ay para sa pampublikong transportasyon para mabigyan ng dagdag na kita ang mga tsuper
04:18at mapanatili ang sapat na public transportation para sa mga pasahero sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng
04:26petrolyo.
04:27Sa ilalim ng programa, babayaran ng mga tsuper batay sa kilometrong itinakbo at performance incentives.
04:34Ayon sa DOTR, babiyahe ang mga contracted drivers sa mahigit 800 high density routes sa buong bansa kung saan 545
04:43ay nasa Metro Manila.
04:45Para sa jeepney, tatanggap ng 40 pesos kada kilometro ang modern units, habang 30 pesos kada kilometro naman ang traditional
04:53units.
04:53Ang mga kalahok ay kailangan magbigay ng 20% discount sa mga pasahero at tumakbo ng hindi bababa sa 100
05:01kilometers kada araw.
05:02At ang kanilang performance ay imomonitor sa pamamagitan ng GPS data na direktang ina-access ng LTFRB.
05:10Sa mga lugar na walang signal, magsasagawa ng manual monitoring ang mga tauha ng LTFRB.
05:16Ilang tsuper mula sa grupong piston ang magsasagawa ng noise barrage sa Pasig Palengke.
05:21Panawagan nila, imbis na kontratahin ang ilang tsuper, tanggalin na lang daw ang excise tax at patuloy silang bigyan ng
05:30fuel subsidy.
05:35Napakaganda po sana kung ang lahat po ay makikinabang.
05:38Iilan-ilan lang po ang napasama po dyan sa service contracting na mas lalong magpapahirap doon sa mga kapwa kotsofer.
05:46Ang sa amin po kasi ay wala po kami sa National Road, nandito lang kami sa Segundary Road.
05:52Paano po kami makakasama dyan sa service contracting na yan?
05:55So anong dapat gawin ng gobyerno?
05:56Na dapat po sa ano, bakit ayaw i-subsidize ng gobyerno yung kalahati doon sa itinaas ng diesel para paripariyas
06:03po kami na makinabang.
06:05Hindi po kami sangayon doon.
06:08Ang ibinibigay kasi nila, ang liit lang na halaga na kung saan, hindi po sapat ang kikitain ng ating mga
06:18driver dahil sa diesel lang din na pupunta.
06:22Ang dapat gawin, tanggalin ang excise tax sa langis, tanggalin yung iba't, pababaan ang presyo, i-roll back, ibalik ulit
06:31sa normal na 55 pesos ang per letter.
06:34Ginagawa po namin ang noise barrage para iparating po sa kanya at ang aming mga hinahing na pababain yung presyo
06:43ng langis.
06:43Napakalaking sakretis po nito gawa na nga wala na nga po kami kinikita, bas lalo ko kaming walang kakainin sa
06:50araw nito.
06:57Iga ang tiniyak naman ng DOTR na mababayaran ng tama at maayos yung mga kalahok sa service contracting program.
07:04Ayon pa sa ahensya, hinihiling na rin nila yung karagdagang 5 billion pesos na pondo para daw mapalawig yung implementasyon
07:12ng naturang programa.
07:13At quick update lang dito sa noise barrage na ginagawa nga dito sa Pasig City, nagsimula na.
07:18At ayan, merong dalawang jeepneys, sakay yung ilang trooper kanina at ngayon haawak na nila yung kanilang mga watawat,
07:26tapos yung kanilang mga placards, kanilang mga tarpaulin at isa doon na ang nakalagay, panawagan nila,
07:33ibaba ang presyo ng langis.
07:35Wala pang tiyak na oras kung hanggang anong oras sila mag-i-stay dito.
07:38Pero sabi ng mga nakausap natin na leader, buong araw sila o maghapon dito sa Pasig Palengke.
07:46Yan muna ang latest mula rito sa Pasig City.
07:49EJ Gomez, GMA News.
07:58Pinisinta ng NBI ang resulta ng kanilang investigasyon sa mga acknowledgement receipt
08:02ng mga nakatanggap ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education noong kalimpa nito si
08:10BP Sara Duterte.
08:11Sabi nila, pareho ang pattern at stroke ng ilang sulat at pirma at posibleng pitong tao lang daw ang gumawa
08:19ng mga ito.
08:20May unang balita si Rafi Tima.
08:26Sa pagharap ng mga taga-National Bureau of Investigation sa House Committee on Justice,
08:32iprinisinta nila ang resulta ng kanilang mga pagsusuri sa mga acknowledgement receipt
08:36na ipinapakita kung kanino napunta ang confidential fund ng DepEd noong kalihimpa si Vice President Sara Duterte
08:42pati sa Office of the Vice President.
08:45Kabilang sa mga inimbestigahan nila ang mga pattern at stroke ng mga pirma at sulat sa mga resibong ito,
08:50gaya nina Sally Rendon at Sheila Dado na pareho ang pirma pero magkaibang pangalan at sulat.
08:57Ang apat naman na individual na ito, magkakaibang pangalan pero magkakamukha rin ang pirma.
09:02Sabi ng NBI, halos pareho ang stroke ng mga pirma pati ang manner of execution nito.
09:08Sa resibo ni na Annaliza Zinio at Ken Naso, iisang tao lang daw ang nagsulat ng pecha ayon pa rin
09:14sa NBI.
09:32Sabi ng NBI, posibleng pitong tao lang ang sumulat o pumirma sa 36 na resibo na sinuri ng mga forensic
09:39examiner nila.
09:40Based on the examination conducted, there were groups of acknowledgement receipts that were written by the same person.
09:52Pitong magkakakagrupo po na bawat grupo, isang tao lang ang sumulat.
09:58Aabot daw sa mahigit 4,000 ang mga resibo ng confidential funds noon ng BISE
10:02pero 36 na resibo lang ang sinuri nila sa opisina ng komisyon ng audit.
10:07Ito lang daw ang pinili at binigay sa kanila noon ng kamera.
10:10It was technically randomly given for purposes of examination.
10:15Some of them were not submitted for examination because there's a duplication already.
10:22Kinwestyon noong nakarang taon ng mga mababata sa mga resibo ng confidential funds,
10:26kabilang na ang nakapangalan sa isang Mary Grace Piatos.
10:28Muling sinabi ng Philippine Statistics Authority o PSA na wala itong rekord ng kapanganakan, kamatayan o kasal.
10:36Maging ang mga pangalang Kokoy Villamin at Milka Sikuya.
10:40Nasa mahigit 2,000 pangalan ang pinabiripikan ng kamera sa PSA
10:45at mahigit 1,000 rito ang mga walang rekord ng kapanganakan, kamatayan o kasal.
10:50So ibig sabihin eh, it's almost next to impossible na makita ba yung mga taong yan kung non-existent o
10:57existent yan.
10:58Sir, as I've mentioned po, limited yung information because it's only the name.
11:04So I cannot say na 100% accurate yung negative results po.
11:10Pagkatapos namang tumistigo ni Remil Madriaga,
11:13nagsagawa ng manifestation si Rep. Paolo Marcoleta para kwestyonin ang kredibilidad ni Madriaga.
11:18The testimony is entirely uncorroborated and rests solely on the word of a detained criminal suspect.
11:26You are touching on the credibility again.
11:29Ma'am, but this is about the...
11:31It has been amply discussed, Honorable Marcoleta,
11:35that even suspects are presumed innocent,
11:41hindi pa po convicted si Remil Madriaga,
11:44and he is entitled to that presumption.
11:47Ano lang po ang pwede kong sabihin, Ma'am?
11:50Anything that is about that is contained in the affidavit.
11:54Ang gusto lang po mapakinggan dito,
11:57kung ano lang naayon sa mga miyembro dito.
12:00Paano po yung mga posisyon naman na nasa kabila?
12:03Pinaalala kay Marcoleta na maaari lang niya itong gawin sa mismong trial
12:07at hindi sa pagdinig ng kumite,
12:09kaya pina-strike out ang kanyang mga komento mula sa records ng pagdinig.
12:13Madam Chair, I moved to strike out from the records the remarks of Rep. Marcoleta
12:17There is a motion to strike out from the record
12:20pertaining to the statements pertaining to the credibility of the witness.
12:24Is there any second?
12:26Same has been seconded, any objection?
12:28Hearing none, the motion is approved.
12:30Please strike out from the record all statements of the Honorable Marcoleta
12:34pertaining to the credibility of resource person Ramil Madriaga.
12:39Baka po walang matira doon, Ma'am.
12:41Sana yung final lang kasi...
12:47Please understand that issues concerning credibility
12:50must be raised in the trial.
12:55Sa pahayag naman ng kampo ni Vice President Sara Duterte,
12:58sinabi nila na napatunayan lang ng mga naganap sa Kamara
13:02na weakest link si Madriaga sa impeachment case.
13:05Hindi ron ito nasagot ang mga ebidensyang iniharap ng Vice
13:08sa reklamong perjury laban kay Madriaga
13:10na nagpapakitang siya isang fraud.
13:12Anila, wala o manong kaugnayan sa kaso
13:15ang mga ebidensyang iniharap ni Madriaga sa Kamara
13:17kung saan ilan dito ay pinabulaanan na raw sa perjury complaint.
13:21Hindi rin daw kayang iberipika mga aligasyong
13:24may nai-deliver na pera at may mga utos na dumaan sa prepaid cell phones.
13:28Sa halip daw na patibayin ang kaso,
13:31nadiin lang umuno ng supplemental affidavit ni Madriaga
13:33na hindi kapanipaniwalang ipinagkatiwala
13:36ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng BICE
13:39ang mga sensitibong usaping panseguridad
13:41sa isang wala umuno sa military police chain of command.
13:44Sa buong pagdinig, ilang beses tinawag si Vice President Duterte
13:48na hindi dumalo sa pagdinig.
13:50Naroon naman ang dating tagapagsalita ng BICE
13:52at dating opisyal ng DepEd na si Atty. Michael Poa.
13:56Pero nilinaw niya na dumalo siya bilang dating opisyal ng kagawaran
14:00at hindi bilang abogado ng BICE Presidente.
14:03Bahagi ng pagtatanong kay Atty. Poa
14:05ang pagpapalabas ng mga dating niyang pagtestigo
14:07sa Committee on Good Governance sa nakaraang Kongreso.
14:10Bagamat inulit ng dating opisyal ng DepEd
14:12na may natanggap nga siyang pera direkta
14:14mula kay Vice President Duterte
14:16na labas sa kanyang sweldo.
14:18Pero nilinaw niyang puro daw ito reimbursement
14:20at walang kinalaman sa anumang anomalya.
14:23Kasama kasi sa mga aligasyon sa Sabalia Complaint
14:25na ilang opisyal ng DepEd
14:26ang nakatanggap ng pera
14:28mula 15,000 pesos hanggang 50,000 pesos
14:31mula mismo sa BC Presidente.
14:33If I may just contextualize everything, Your Honor.
14:37Kasi there were several incidents na nire-reimbursed ako
14:40although hindi siya yung monthly.
14:43That's why I had to really categorically say
14:45that these were reimbursements for personal expenses
14:49that I personally shelled out po.
14:51Ito ang unang balita.
14:53Rafi Tima, GMA News.
14:56Pinasabpina ng House Committee on Justice
14:58si dating Sen. Antonio Trillanes de Fort
15:00sa susunod na impeachment proceedings
15:02laban kay Vice President Sara Duterte sa April 22.
15:06Sabi ni Senior Deputy Minority Leader Laila de Lima,
15:09mahalaga ang mga pahayag ni Trillanes
15:11dahil kabilang sa mga binanggit.
15:13Sa ikatlong impeachment complaint,
15:14kao na isang mga umunoy,
15:15hindi maipaliwanag na yaman ng BC.
15:18Ipinasabpina rin ng Komite
15:19ang Anti-Money Laundering Council
15:20para ilabas ang lahat ng bank transactions
15:23ni BP Duterte at ng kanya asawang
15:25si Atty. Manz Carpio
15:26mula 2006 hanggang 2025.
15:30Ang umanihindi pagdeklaran ni Duterte
15:32ng lahat ng yaman sa kanyang Statement of Assets,
15:35Liabilities and Network o SALEN
15:37ang isa sa mga ipinunto sa impeachment complaints
15:39laban sa kanya.
15:41Nauna lang sinabi ng BC na pag-abuso sa kapangyarihan
15:44ang pagpansabpina sa financial records nila
15:47ng kanyang asawa.
15:56Tanawagan si Sen. Ping Lakson
15:58sa mga kapwa-senador
15:59na lagdaan na ang partial report
16:00ng Senate Burial 1 Committee
16:01kaunay sa flood control skandal.
16:04Sa panayam sa Super Radio DCWB
16:06sinapin ni Lakson na
16:07bukot sa kanya,
16:08tanging sina Sen. Bam Aquino,
16:10Kiko Pangilinan at Risa Ontiveros
16:12palang ang pumirma sa ulap.
16:14Siyam na pirma ang kailangan
16:15para ma-iakyan sa Senate Plenary
16:17ang partial report at mapagdebatihan.
16:19Posible raw ma-archive
16:21ang report kung hindi
16:22makalikom na sa patabilang ng pirma
16:24bago mag-adjour ng Kongreso sa
16:26Hunyo.
Comments

Recommended