00:00Ipinaliwanag ng Department of Finance kung bakit LPG at Kerosene ang unang tinanggalan ng excise tax
00:05at hindi nila inirekomenda ang pagtatanggal ng excise tax sa gasolina at diesel.
00:10Una raw kasing tinututukan ng gobyerno ang mga mahihirap at pinakapektadong sektor.
00:15Narito po ang aking unang balita.
00:20Sinuspindi na ang excise tax sa LPG at kerosene.
00:24Pero paano naman ang diesel at gasolina?
00:26Ayon sa Department of Finance, ang unang tinututukan ay ang mga pinakamahihirap at apektadong sektor.
00:32Batay sa datos ng Family Income and Expenditure Survey,
00:35nasa 85% ng kumukonsumo ng diesel ay nanggagaling sa mga nasa mas mataas na antas ng kita.
00:42So kapag tinanggal po natin yung diesel, ang pinakamahikinabang po nito,
00:46yung pinakamaraming kumukonsumo, which is yung pinakamayaman.
00:50Dagdag pa ng Finance Department, tumaas daw ng 13 billion pesos
00:54ang naidagdag sa koleksyon mula sa value-added tax
00:57dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
01:00Pero maaari raw umabot sa 43.6 billion pesos ang mawawala sa kabanang bayan
01:06sa loob ng tatlong buwan kung isasama sa aalisan ng excise tax,
01:10ang diesel at gasolina.
01:11Pero gumagamit din ang diesel ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan.
01:15Sa tingin ng Development Budget Coordination Committee o DBCC,
01:19mas maganda na bigyan na lang sila ng diskwento.
01:21That's why the EBCC decided to provide 10 peso discount instead of 6.
01:28And this 10 peso discount will be targeted, particularly for the most affected sectors.
01:34So, ang 10 pesos, actually, hindi yan hiningi ng mga kababayan natin
01:42or hindi rin hiningi ng mga drivers.
01:44But this is even more than what an excise tax exemption can offer,
01:50which is 10 pesos compared to 6.
01:52Malaking bahagi naman ang konsumo ng kerosene at LPG ay nagmumula sa mga mahihirap,
01:57kaya direkta ang benepisyo sa kanila ng pagsuspindi ng excise tax sa mga ito.
02:02Tinatayang mga katipid ng halos 36.96 pesos sa bawat 11 kilogram na LPG cylinder
02:07at 5 pesos and 60 centavos kada litro ng kerosene.
02:11Tiniyak naman ang Department of Finance na may buwan ng review ang DBCC sa mga pulisiya
02:16kaugnay ng presyo ng langis at posibleng maglabas pa rao ng dagdag na hakbang ang Pangulo sa mga susunod na
02:23araw.
02:23Ito ang unang balita. Mariz Umali, GMA News.
Comments