00:00Naglalaman ng cyanide, isang uri ng matinding lason ang mga boteng nakumpiska sa isang Chinese fishing boat sa Ayungin Shore
00:07sa West Philippine Sea nitong Marso.
00:09Batay yan sa pagsuri ng Forensic Chemistry Team ng National Bureau of Investigation.
00:15Bukod sa nakalalason sa tao, sinabi ng NBI Forensic Chemistry Team na nakasisira rin sa mga bahura sa West Philippine
00:22Sea ang paggamit ng cyanide sa pangingisda.
00:25Sabi ng Philippine Navy, may nakumpiska rin silang mga boteng may kahinahinalang laman sa mga Chinese fishing boat noong February,
00:33July at October 2025.
00:35Pangamba ng Navy, baka malagay sa piligro ang kalusugan ng mga sundalong nakadestino sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa
00:44West Philippine Sea.
00:47This is a deliberate attempt not only to destroy the environment but to deprive the men aboard the ship of
00:56possible source of food and water.
01:00Tinawag naman ng Chinese Foreign Ministry na gawa-gawa at walang kredibilidad ang sinabi ng Pilipinas na may cyanide sa
01:08mga boteng nakumpiska sa ilang Chinese fishing boats.
01:12Sabi ng China, Pilipinas ang nanghara sa kanilang mga mangiisda.
01:16.
Comments