00:00Ilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 116 na layong dagdagan
00:07ang dami ng iniimport na karne ng baboy sa bansa.
00:11Ito'y para mabilis na matugunan ang posibleng kakulangan sa supply at ma-stabilize ang presyo sa merkado.
00:18Sa ilalim nito, itataas ang minimum access volume o ang takdang dami ng karne ng baboy
00:24na maaring angkatin sa mas mababang taripa.
00:27Mula 54,210 hanggang 204,210 metric tons para sa 2026.
00:35Ginawa ang hakbang na ito dahil sa patuloy na epekto ng African Swine Fever na nakaapekto sa supply ng baboy
00:43at dahilan sa mataas na presyo ng pagkain.
00:47Nakasaad din sa EO na bahagi ng dagdag na angkat ay ilalaan sa mga prosesor ng karne
00:53at sa Food Terminal Incorporated o Kadiwa ng Pangulo Program
00:57upang makatulong sa sapat na supply at kapakanan ng mga consumer.
Comments