00:00Bumabayahin na po ngayon ang unang batch ng mga jeepney driver na bahagi ng Tupad Tuloy Pasada Program
00:05ng Department of Labor and Employment.
00:08Sa ilalim po ng programa, makatatanggap sila ng minimum wage mula sa gobyerno
00:12bukod pa po yan sa kikitain nila sa pamamasada.
00:16Balitang hatid ni James Agustin.
00:20Alas 4 pa lang na umaga pumapasada ng jeepney driver na si Glenn sa rutang Anonas Lagro.
00:25Kabilang siya sa 134 jeepney drivers
00:28na inisyal na makikinabang sa Tupad Tuloy Pasada Program ng Department of Labor and Employment o DOLE
00:34simula ngayong araw.
00:35Sa ilalim ng program, mabibigyan ng 695 pesos na kita
00:39o katumbas ng minimum wage sa National Capital Region ng mga driver.
00:43Dagdag pa sa kikitain nila sa pamamasada bilang tulong ngayong mataasang presyo ng diesel.
00:48Maganda, malaking tulong sa amin yun kasi unang-una,
00:53pinakabonus na namin yun eh.
00:56Kasi magkakaroon kami ng 695 hundrede habang bumabayain.
01:00Napapanahon nito, sabi ni Glenn,
01:02lalo pat malaki na talagang natapya sa kanyang kita sa labing limang oras na pamamasada.
01:06Dating, bumikita kami ng Sandigo hanggang 1-5, 1-6, ganyan.
01:13E ngayon, nauuwi na lang namin 400, minsan 500.
01:17Makikinabang din sa programa si Joel na ilang linggo nang iniinda ang mataas na presyo ng diesel.
01:22Makatulong din sa kapamilya namin.
01:26Kuminsan, walaan na eh.
01:28Yun lang ang asahan namin.
01:30Nagsagawa ng profiling at validation ng DOLE bago sumailalim sa orientation ng mga jeepney driver.
01:35Ang kanilang pangalan ay galing sa LTFRB.
01:38Kung wala naman sa listahan,
01:40maaaring magtungo sa pinakamalapit na opisina ng DOLE
01:42at magdala ng professional driver's license.
01:45Si Joshua hindi pa nakasama sa programa.
01:48Kailangan pa ma din niya ito, lalo't dalawang linggo siyang hindi nakabiyahe.
01:51Maraming tulong na rin po yun sa pangaraw-araw.
01:56Kaso di ako nakasama eh.
01:58Di pa ako nagpapag-orientation.
02:00Sa Metro Manila ang unang rollout ng programa at susunod na ang ibang rehyon.
02:04Target ito matulungan ng 50,000 PUV drivers.
02:08Hanggang 30 araw makikinaba ang isang jeepney driver.
02:11Sabi ng mga nakausap namin jeepney driver.
02:14Bagaman malaking tulong ito, mahiling sila sa gobyerno.
02:17Ibalik sana yung diesel para lahat kami makabiyahe.
02:21Kahit walang ano ng gobyerno, balik lang sa diesel.
02:26Ang pinamagandang solusyon, siyempre,
02:28ibabahan na lang yung presyo ng diesel.
02:30Yun na lang.
02:31Ibalik na lang kahit na hanggang 60 o kaya 50 lang.
02:34James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
Comments