Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isang oil tanker na kalgadong nasa 20,000 liter ng langis,
00:04ang bistadong nagsasali ng langis sa isang residential area pa man din sa Quezon City.
00:09At nang hanapan ang permiso ng barangay, wala o manong naipakitang permit ang mga nagsasali.
00:14Nakatotok si Katrina So.
00:16Exclusive!
00:19Kita sa videong ito na nakunan kakabi ang isang oil tanker na nakaparada sa harap ng isang bahay
00:25sa Scout Castor, Barangay Sacred Heart sa Quezon City.
00:28Ayon sa mga residenteng nakausap ng GMA News,
00:32umagak kahapon ang unang pumarada ang oil tanker sa lugar at agad umalis matapos masita ng barangay.
00:39Pero bumalik ito alas otso kagabi.
00:42Nag-discharge po sila ng oil dito sa isang fuel tank dito po sa loob ng isang residence.
00:52Tapos tuloy-tuloy po yung pag-discharge nila despite na tinatry po silang pigilan ng ating BPSO.
01:00May hose.
01:01Tapos po?
01:02Hindi ko alam kung paano nila tinatransfer pero may hose.
01:07From the tanker to the tanke. Parang ganun.
01:10Ano po yung nililipad?
01:12Krudo daw po eh.
01:13Pero nag-aamoy kami dito kagabi ng gasolina.
01:16So hindi ko alam kung krudo o gasoline pero ang dinig ko lang diesel.
01:21Sabi ng barangay, base sa pakikipag-usap nila sa driver,
01:25pumigit kumulang 20,000 litro ng diesel ang karga ng tanker na pang personal na gamit umano.
01:31Nagulantang po sila dahil bakit, ang sabi daw po sa anila, mag-iimbak daw ng diesel.
01:38So sinabi naman po sa amin na hindi naman daw ganun kadelikado.
01:41Kaya lang, ang problema, wala silang advice sa aming barangay.
01:46Wala silang permit, tapos sinanapan din po namin ang BFP permit, wala rin po silang may present sa amin.
01:53Dahil hindi mapigilan, pumingi na ng tulong ang barangay sa Quezon City Police at Bureau of Fire Protection at BFP.
02:00Dito pa lang daw sila tumigil sa pagsasalit.
02:04Ikinababahala ng mga residente ang insidente.
02:06Pwede ho kayong magkasunog kasi sila po dyan, sila nagwe-welding.
02:13Minsan nag-aamoy varnish kasi dito lang kami nakatira.
02:17Siyempre, bahay namin, light materials.
02:21May naninigarilyo.
02:24Hindi natin alam kung ano mangyayari pag aksidente na.
02:26Siguro natatakot na na mawala na tumakas na tumakas ng gasolina at diesel, diba?
02:32So yun, kaya lang, ito yung insidensyal to.
02:34Takot po ba?
02:35Sobrang takot kasi kahit yosi lang ang iba tumo doon.
02:40Diba, nasabong yan.
02:43Kasi nakalagay doon sa tanker, diba, 50 feet, gano'n.
02:47Diba nakalagay yun?
02:48Na walang smoke?
02:49Yes, na walang smoke.
02:50Bukas, magsusumiti ang mga residente ng petition letter sa Quezon City LGU para humingi ng tulong.
02:57Sinubukan namin punin ang panig ng may-ari ng compound, pero wala raw ito sa bahay.
03:02Hindi pa malinaw sa ngayon kung para saan ang sinasabing nailipat na petrolyo.
03:07Pero nauna nang sinabi ng Department of Energy na ang pagbili ng petrolyo at maglalagay sa fuel grade drums
03:13ay pwede kung para ito sa mga consumer na kailangan ito sa operasyon.
03:18Tulad ng fishing vessels at marine equipment operators,
03:22mga ospital at ibang pasilidad na gumagamit ng generator sets,
03:26telecommunications facilities at mga negosyong mayroong lehitimong operational requirements.
03:32Katri Nason, Nakatutok, 24 Oras.
03:37Ang Department of Energy, iniimbisigahan na ang insidente.
03:43Sa gitna po na uwian ng mga nagbabakasyon o umuwi sa probinsya nitong Semana Santa,
03:48may disgrasya pa sa Occidental Mindoro nang sumadsada ang isang pampasaherong barko.
03:53Ligtas ang magit isang daang pasahero at crew nito.
03:57Mula sa Batangas Port, Nakatutok live sa Bam Alegre.
04:02Bam?
04:06Pia, magandang hapon.
04:08Easter Sunday, back to reality na yung maraming mga kapuso natin na nagbakasyon.
04:11Dito sa Batangas Port ay walang insidente.
04:14Pero kaninang umaga sa nasugbu port,
04:15isang barko na may capacity na 160 passengers ang sumadsad.
04:23Kakaalis pa lang mula sa Tilig Port sa Lubang Occidental Mindoro
04:27nang sumadsad ang pampasaherong barko na MV Our Lady of Fatima,
04:31pasado las 7 ng umaga kanina.
04:33Papunta sa nasugbu port sa Batangas ang barko.
04:36Pinasok ng tubig dagat ang hull ng barko.
04:39Sa rescue operation ng Philippine Coast Guard,
04:41nasagip ang 162 na pasahero at pitong crew nito.
04:45Hinihintay pa ang advisory ng shipping line kung paano ang accommodation
04:48at travel arrangements ng mga apektadong pasahero.
04:52Sabi ng PCG, hindi overloaded ang barko.
04:55Wala namang nakitang oil sheen sa paligid na nasa labas umano ng marine protected area.
04:59Sa gitna ng investigasyon,
05:01inirekomenda ng PCG sa Maritime Industry Authority o Marina
05:04na suspendihin muna ang passenger's ship safety certificate ng barko.
05:09Sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro,
05:11nagsimula na magsiuwihan ang mga turistang doon pinili mag Holy Week break.
05:15No regrets ng rider barkada ni Carlo Labrador
05:18na nag-ride sa Puerto Galera.
05:19Mahal ang gasolina, oo,
05:21pero priceless naman.
05:22Aniya ang naging bonding nila.
05:24Yung ganda ng Puerto,
05:26wala, yung gasos ninyo,
05:27di mo na masasabi na masakit.
05:30Di rin makagant over si Marisa Estomagio
05:32sa Galera getaway nilang high school classmates.
05:35Kung bibigyan kami ng pagkakataong ulit
05:37na pumalik sa Puerto Galera,
05:39ay amin ulit gagawin
05:40kasi ibang kasiyahan talagang may bigay,
05:44lalo't kasama mo ang iyong mga kaibigan.
05:47Pagdating sa Batangasport,
05:49dagsang mga nagbakasyon sa iba't ibang probinsya
05:51sa Mimaropa, Visayas at Mindanao.
05:53Wala pang tanghali,
05:54mahigit 3,000 na mga pasahero dito sa Batangasport.
05:58Mas marami yan kumpara noong nakaraang taon
06:00na mahigit 3,000 rin ang biyahero
06:01pero buong araw na yun.
06:03Isang indikasyon daw ito ayon sa PPA
06:05na mas marami ang nag-commute ngayon.
06:07Pero sa rami ng mga sabay-sabay na nag-uuwian
06:09ay kipag-unahan ng ilan sa mga pampasaherong bus
06:12paluwas ng Maynila.
06:13Medyo magulo siya kasi ano.
06:15Ngunit, pumunta ako dyan sa...
06:17Nandun ako kanina,
06:18tiling na ako kung saan yung dulo ng pila
06:19na para papundiya.
06:21Nahanap ko, hindi ko siya makita eh.
06:23Kasi nga nga,
06:23parang nga nga naging unahan yung pila.
06:32Pia, ngayong alasais ng gabi,
06:35inaasahan yung pagdating pa noong ilang mga trips dito
06:37kaya mamaya pa ulit dadagsa yung mga pasahero
06:39dito sa Batangas Port.
06:41Live mula rito sa Batangas.
06:42Bama Legre, nakatutok 24 oras.
06:45Maraming salamat, Bama Legre.
06:48Sa North Luzon, Expressway,
06:50nagsimula ng kumapal ang volume ng mga sasakyan.
06:53Silipin natin ang sitwasyon doon
06:55sa live ng pagtutok ni Dano Tincuco.
06:58Dano!
07:02Ivan, buong umaga nga ngayong linggo ng pagkabuhay,
07:05maluwag ang daloy ng trapiko dito sa North Luzon, Expressway.
07:09Pero dahil ngayong araw ang inaasahang
07:11pagluwas at pag-uwi ng mga nagbakasyon sa norte,
07:14hapon nagbigat ang daloy ng trapiko
07:16sa ilang bahagi ng NLEX.
07:22Maluwag ang trapiko sa northbound at southbound
07:24ng North Luzon, Expressway, kaninang umaga.
07:27Sa Bukawe, Tall Plaza,
07:28nakaraniwang dagsa ang motorista,
07:30maluwag din hanggang pasado tanghali.
07:33Bandang alas 3 ng hapon,
07:34nagsimulang bumigat ang trapiko
07:36sa bahagi ng Apalit, San Simon,
07:38Candaba sa Pampanga,
07:39at Santa Rita, Giginto sa Bulacan.
07:42Nagtalaga na ng counterflow lanes
07:44ang NLEX sa southbound lane
07:45mula Daung hanggang San Fernando,
07:47Balagtas Tambubong hanggang Bukawe
07:49at Bukawe, Pabalintawak.
07:51Para rin iiwas sa beriya,
07:53may libreng towing hanggang bukas
07:55ng alas 6 ng umaga.
07:57Para iiwas traffic,
07:58ang mga mula sa Dagupan City
08:00maagang lumuwas.
08:02Sana hindi po traffic
08:04and for sure madami pong nagbibiyahe ngayon
08:08kasi pabalik na po lahat ng mga
08:09bumiyahe ng Holy Week.
08:12Padagsana po yung mga pasayro natin,
08:14pabalik ng Maynila.
08:15Kaya yung mga minamahal naming mga pasayro,
08:19agapan nyo na lang po yung pagdating
08:20sa terminal.
08:22Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange
08:24o PTEX,
08:25nagsisimula na rin magdatingan
08:27ng mga pasahero.
08:28Sa talaan ng pamunuan ng PTEX,
08:30kaninang alas 2 ng hapon,
08:31halos 90,000 mga pasahero
08:33ang dumating sa terminal.
08:35Naka-reserve kami.
08:36Apo.
08:38So, hindi naman po mahirap.
08:39Hindi po masyado,
08:41unlike na dati,
08:43marami yung bus,
08:44pero po ngayon hindi.
08:46Kaya halos ilan lang yung bus,
08:48punuan.
08:49Dumating ako dito ng mga 2 o'clock
08:51na kumuha kagad ako ng ticket.
08:54Madali lang ho.
08:55Marami na rin pasahero
08:56ang nagabang ng bus
08:57sa BFCP East Metro Transport Terminal
09:00sa Marikina City.
09:02Matumal naman ang dating
09:03ng mga pasahero
09:04sa mga bus terminal
09:05sa Cubao, Quezon City
09:06at isang bus terminal
09:08sa Maynila.
09:09Ang LTFRB
09:10patuloy naman
09:11ng inspeksyon
09:12sa mga sasakyan
09:12para masiguro
09:13ang kaligtasan
09:14ng mga pasahero.
09:22At Ivan,
09:23traffic update lang tayo
09:24dun sa mga gagamit
09:25ng NLEX
09:26pa uwing.
09:26Kung hindi ngayon,
09:28e mamaya,
09:29medyo mabigat na
09:30ang daloy ng trafico
09:31sa southbound lane.
09:33Mula yan
09:33sa bahagi ng
09:35Angeles
09:35hanggang Mexico
09:37at San Fernando,
09:38Pampanga.
09:39Medyo luluwag ng konti
09:40pero bibigat ulit yan
09:41mula pulilan,
09:42derederecho na yan
09:44hanggang Bukawi,
09:44Tall Plaza
09:45pero maluwag na
09:46pagkatapos niyan.
09:47Balik sa Ivan.
09:49Maraming salamat,
09:50Dano Tingkungko.
09:52Ligtas na po sa panganib
09:53ang labing limang taong gulang
09:55na biktima ng pananaksak
09:56ng kanilang padre de familia
09:57sa Angono Rizal kahapon.
09:59Ay sa Angono Police,
10:00nagpapagaling na
10:01ang binatilyo
10:02na nagtamo ng
10:03saksak sa liig
10:04at dibdib.
10:06Sa pahayag niya sa polisya,
10:08natutulog umano siya
10:09ng biglang pagsasaksakin
10:10ng ama.
10:11Tumigilan niya
10:12ang suspect
10:13nang marinig na
10:15gising na
10:15ang isa pang anak.
10:17Nagpatay-patayan
10:19umano ang binatilyo
10:20hanggang makatsyempo
10:20para hanapin
10:21ang bunsong kapatid
10:22at lumabas ng bahay
10:24para humihingi ng tulong.
10:25Problemang pinansyal
10:26niya ang sanhinang krimen
10:27na ikinasawi
10:28ng kanilang ina.
10:29Ligtas na rin
10:30ang suspect
10:31na sinaksak din
10:32ang sarili.
10:33Iniganganda na
10:34ang mga asunto
10:35laban sa kanya
10:35at tumanggi namang
10:36magbigay ng panayam
10:37ang pamilya
10:39ng biktima.
10:42Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
10:46Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments

Recommended