00:00Naisugot pa sa ospital pero nalagutan din ang hininga ang magpinsang na trap sa abandonadong kotse sa Olongapo City.
00:07Naakuna ng CCTV ang pagpasok sa sasakyan ng dalawang biktima na kapwa apat na taong gulang.
00:13Saksi si Jamie Santos.
00:19Sakuhan ng CCTV sa bakanteng lote sa barangay Barreto, Olongapo City,
00:25kita ang magpinsang batang lalaking lumapit sa nakaparadang kotse.
00:29Pasado alas 11 ng umaga noong miyarkulis, pumunta sila sa kaliwang bahagi nito at tila naglaro ng ilang saglit hanggang
00:37sa nabuksan nila ang pinto at saka pumasok sa loob.
00:40Bandang alas 2 po ng hapon, mayroong pong tumawag po sa barangay na kung saan,
00:48mayroong pong dalawang bata na natagpuan na wala ng malay doon po sa abandonadong kotse.
00:56Ayon sa pulisya, nasa 30 metro lang ang layo ng lugar sa bahay ng mga bata.
01:02Nasa trabaho raw ang kanilang mga magulang at ibinilin lang sa mga nakatatandang kapatid at pinsan.
01:08Pero hindi nila napansin na lumabas ang mga bata.
01:29Patuloy ang investigasyon ng pulisya, kabilang na kung may dapat managot sa insidente.
01:35Nang makausap raw nila ang may-ari ng kotse,
01:50Nagtungo na rin daw ang may-ari ng kotse sa lamay ng mga biktima at nagsabing handa silang tumulong sa
01:56mga naulila.
01:57Sa ngayon po, kausap namin yung mga magulang ng mga bata ay wala naman na silang intensyon na maghabol pa
02:05doon sa may-ari ng kotse.
02:07Hiniling lang umano ng mga magulang ng mga biktima na maaalis ang kotse sa lugar.
02:12At matulungan sila sa burol at pagpapalibig sa mga bata.
02:16Paalala ng mga otoridad sa mga magulang.
02:19Maaari po bantayan natin ang ating mga anak para sa ganun ay mapanatili natin na sila ay ligtas.
02:26Ako si Janie Santos ang inyong saksi.
02:29Hanggang magigit 6 piso kada litro ang posibleng bawas presyo sa diesel sa susunod na linggo.
02:35Ayon po yan silang oil industry sources.
02:37At sinagot naman ang Department of Transportation ng mga agam-agam
02:40na baka maantala ang bayad sa machiper at operator sa service contracting program.
02:46Saksi si Salimarefran.
02:51Pepreno ang sunod-sunod na mega oil price hike.
02:54Dahil sa susunod na linggo, sigurado na ang rollback ayon sa Department of Energy.
02:59Sa kwenta ng oil industry sources, base sa apat na araw na trading ng langis sa world market,
03:05posibleng bumaba ng 5 pesos and 50 centavos hanggang 6 pesos and 50 centavos
03:10ang presyo ng kada litro ng diesel.
03:13Hanggang piso naman sa kada litro ng gasolina.
03:15Pero maaari pa yung magbago, depende sa trading ngayong araw.
03:20Hopefully, ano, ma-steady lang siya na huwag na muna umakyat.
03:23Pagdasal natin na walang bomba na naman mangyari muna ngayon.
03:27Tinatayang 15 milyong commuter naman ang makikinabang sa service contracting program na inanunsyo ng Pangulo kahapon.
03:33Ilalatala pa lang na Department of Transportation at ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board
03:39ang mga panuntunan para rito.
03:42Pero tinatayang 50,000 pampublikong sasakyan ang lalahok sa 823 na ruta.
03:4820% ang discount sa pamasahe ng mga pasaherong sasakay sa mga jeepney, UV Express at bus na kalahok sa
03:55programa.
03:56Bugot pa yan sa 20% na diskwento para sa mga estudyante, PWD at senior citizens.
04:02Mas okay po kasi mas dagaan po yung para po sa budget ng transpo.
04:07Pakatipid. Pag nagbigay ng 40% ba yun, eh di pa bursa amin yun mga senior.
04:14Sa mga chuper namang sasali sa programa, babayaran sila ng 30 hanggang 100 pesos kada kilometrong biyahe.
04:22May kap yan na 100 kilometers kada araw.
04:25Kapag sumobra, hindi na babayaran ang gobyerno.
04:28Para ma-monitor, gagamitin ang GPS o Global Positioning System ayon sa DOTR.
04:34Kailangan may gadget para matukoy ang real-time monitoring sa lokasyon ng mga PUV.
04:39Pero pwede rin ang manual na monitoring ng LTFRB, LTO, PCG at MMDA.
04:45I-pag-usap na rin po ang LTFRB to, with I think 22 GPS providers.
04:52500 pesos na lang po yung kanilang renta ng GPS monthly.
04:58I-nalmahan niya ng ilang grupo.
05:00May mga service provider po ng GPS na lumapit sa LTFRB.
05:07Mas maukuna naman po ulit kikita sa amin yun kasi kailangan namin bumili ng GPS para ma-monitor po yung
05:13ilang kilometro po yung kinakupo namin.
05:16Sa kwenta ng DOTR, kung makakolekta ng limang limang pisong pamasahe sa isang araw ang trooper na kalahok,
05:23di ba ba ba sa isang limang piso may uuwi niya sa programa?
05:27Nakabawas na rito ang discount sa pasahe, diesel at boundary ng jeep.
05:31Hindi pa kasama ang inihahandang sampung pisong kada litrong subsidian ng gobyerno.
05:36Yung 30 liters a day sa sampung piso, bawat litro, that's around the 300, that can start them off to
05:43roll in para makapagkolekta mo sila.
05:45Kada unit ay may maximum allocation na 150 liters kada linggo sa loob ng tatlong buwan.
05:52Magsisimula ang rollout ng fuel subsidy sa NCR at mauuna sa Commonwealth.
05:58Palalawakin din ito sa mga susunod na araw sa Quezon Avenue, España, Zapote, Ebonifacio, Rizal at Marcos Highway hanggang sa
06:08mapatupad ito sa buong bansa.
06:09Si Roberto Corpi, na tatlong dekada ng GP driver, umaasang makatutulong ang service contracting program.
06:17Pero napaso na raw dati nang lumahok dito noong pandemia.
06:22Inabot daw ng buwan bago nila nakuha ang bayat.
06:25Sabi nga si araw-araw ang pera, kailangan namin.
06:28Kasi pandisil eh.
06:30Hindi naman kasi pwede utang sa kasulinan eh.
06:31Sabi ng operator na si Basilio Genioso, sana raw ngayon, diretsyo na sa driver at operator ang kita.
06:38Yun na nga, dumadaan pa sa ibang tao, hindi naibigay lahat pa ang para sa driver.
06:46Kaya nababawasan pa.
06:48Tiniyak ng DOTR na ididiretsyo sa bank accounts o e-wallets ang bayad sa mga tsuperan operator.
06:54Nag-utos tayo sa LTFRP. Ang payment nito must be 3 to 5 days.
07:01Hindi na po tulad dati na haabot ng isang buwan.
07:05Kasi it defeats the purpose, it defeats the program.
07:07Nagbabala rin sila sa mga nais magsamantala.
07:10Mga kahasa kayo na mapipilitan po talaga kami i-reform,
07:15isuspend ang iyong frankesa at hindi lang po kayo tatanggalin sa programang ito.
07:20Ako, Susalima Refra, ng inyong saksi.
07:24Sugatan na isang babae matapos mabagsakan ang bakal sa ulo sa Binondo, Maynila.
07:29Saksi, si Jamie Santos.
07:33Naglalakad ang isang babae sa bahagi ng Quintin Paredes, Canto ng Carvajal Street
07:38sa Binondo, Maynila kaninang hapon ng mahulugan ng bakal sa ulo.
07:42Ang bakal mula sa 32nd floor ng ginagawang high-rise building.
07:47Ayon sa kagawad ng barangay, naglalakad ang babae kasamang isa pang babae
07:52malapit sa ginagawang gusali nang bumagsak ang bakal.
07:55Kita sa CCTV kung gaano kahaba ang bakal na bumagsak mula sa itaas.
08:01Maya-maya, makikita ng nakahandusay na ang babae.
08:04Dumating naman ang mga taga-BFP at rescue at binala ang babae sa ospital.
08:09Nakipagugnayan din ang safety officer ng ginagawang gusadi sa barangay.
08:13Pinatawag ko kaagad yung safety, yung management.
08:18Sabi ko, tulungan niyo yung pasyente nasa metro ngayon.
08:22Hindi rin daw muna pahihintulutan ng barangay ang pagpapatuloy ng operasyon ng construction
08:27hanggang hindi na ayos at hindi na daragdagan ang kanilang mga safety measures
08:32para hindi na maulit ang insidente.
08:35Ang canopy nila, pinapatapos ko muna sa nangyari talagang.
08:39Hindi po natin pwedeng pabayaan na may maulit na naman pong ganong pangyayari.
08:44Ako, si Jamie Santos, ang inyong saksi.
08:48Timbog sa Batangas, ang dalawang puganting Japon na sangkot-umano sa malaking sindikato ng mga panloloko.
08:54Saksi si John Consulta, exclusive.
08:58Aakalain mong ordinaryong turista ang dalawang Japanese national na ito
09:03na nagpapaaraw at kumakain ng ice cream sa beach resort sa Lian, Batangas.
09:07Na may nirin sila ng supplies sa isang grocery.
09:10Pero ang mga dayuhan, high profile na pugante pala na may naman manan ng mga otoridad.
09:15Pagkuhan ng hudyat.
09:16Hey, hey, hey, hey!
09:21Passport and ID you have?
09:23Where is it?
09:25So,
09:27Inaresto sila ng Bureau of Immigration, Fisitive Search Unit at PNP Regional Intelligence Division 4A.
09:33Ayon sa mga otoridad, malapalos ang dalawang pugante na may kakaibang diskarte para di mahuli.
09:39Nag-iiba-iba sila ng lugar na pinupuntahan.
09:42Inipili nilang magbilad mula umaga hanggang hapon para umitim talaga sila para makablend sila sa community.
09:51Para hindi sila mapansin yung mga tattoo nila na nasa katawan nila.
09:58Ang mga naaresto, bahagi rin umuro ng isang malaking sindikato ng international online scam na nag-ooperate sa Pilipinas.
10:05Isa nga ito sa mga tinutukan na kaso ng Japan Police sa ating bansa sa dahil sa dami ng mga
10:12biktima nila sa Japan.
10:14Sinasabing nung uminit yung operasyon nila sa Cambodia ay dito na sila sa atin nagtago noong 2024.
10:22Agad naman natin nahuli yung palahati sa kanilang grupo.
10:25Nakakulong na sa BI detention facility sa Bikutan ang mga naarestong pugante.
10:29Wala pa silang pahayag.
10:31Ayon sa BI, may ibang membro na rin ang naturang sindikato na napadeport na sa Japan.
10:36Itong dalawang ito ay aalamin pa natin kung may mga kinasasangkutan silang ibang krimen dito bago natin sila napadeport sa
10:46kanilang bansa.
10:47Ako, si John Consulta, ang inyong saksi!
10:51Patayang isang polis matapos barilin ng suspect sa gitna ng operasyon kontra droga sa Bacolod City.
10:57Saksi, si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
11:04Nauwi sa karahasan ang ikinasang drug by bus operation sa bahagi ng Barangay Singkang Airport, Bacolod City, kagabi.
11:11Ito'y matapos barilin ng subject ng operasyon ang isa sa mga polis na nag-operate na si Polis Master
11:16Sergeant Romulo Galvez Jr.
11:18Mula raw sa Barangay Sumaga, sinunda ng polis siya ang subject matapos nagdesisyong numipat ng lugar kung saan gagawin ang
11:25transaksyon ayon sa Bacolod City Police.
11:27Ito nag-change up yung biniyos ang suspect na ito. Nagsina nag-check-in sabi sa lodging house.
11:33Nang tangka na raw na magbayad at magbigay ng drug items, biglang binaril ang subject si Galvez gamit ang .45
11:39caliber pistol.
11:40Tinamaan ang victimas sa kanang hita. Dinala pa si Galvez sa ospital, ngunit binawian ang buhay dahil sa pagkawala ng
11:46supply ng dugo.
11:47Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nanlaban ang suspect sa mga operatiba.
11:51Ang ina isang atawa binuturuyos na based sa mga records niya.
11:55Ito include sa sopag, ito kilalag ito siya.
11:57Rabere, pag-ang pagpangawat.
11:59Then ang isa is amuto sa 9165 sa drugsman before.
12:03Then ang isa na isang last time gabato niya sa every time nga aristoon nyo siya.
12:07Hindi makataniwala ang asawa ng Bikima sa kanyang sinapit.
12:10Hindi pa mamatong, hindi na kaya kulat.
12:13Walang daunin sa katama.
12:14Hindi kaya talagot kami.
12:17Hindi kaya.
12:19Pasa ako ng sabi sa katina mo.
12:20Mahaharap sa mga reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act,
12:24illegal possession of firearms, at murder ang suspect.
12:27Sa Lopez Quezon, dead on the spot ang isang lalaki at isang babae
12:31makaraang pagbabarilin sa gili ng Lopez Diversion Road sa Balangay Danlagan,
12:35alas 9 ng umaga kanina.
12:37Ayon sa ilang saksi, sinubukan pa raw makatakbo ng dalawang Bikima
12:41subalit sinundan sila ng gunman.
12:43Agad raw tumakasakay ng motosiklo ang gunman matapos maisagawa ang krimet.
12:47Ako sa Ilin Pedreso, na Jemmy Regional TV, ang inyong saksi.
Comments