Skip to playerSkip to main content
Natangay ang nasa isang milyong pisong halaga ng gamit, kabilang ang mga motorsiklo at kotse mula sa isang senior citizen at kanyang mga apo sa Quezon City. Nakikain at tumambay pa sa bahay ang mga suspek na nagpanggap umanong may dalang birthday cake mula sa LGU.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Natangayang nasa 1 milyong pisong halaga ng gamit kabilang ang mga motorcyclo at kotse mula sa isang senior citizen at
00:06kanyang mga apos sa Quezon City.
00:08Nakikain at tumambay pa sa bahay ang mga suspect na nagpanggap umanong may dalang birthday cake mula sa LGU.
00:15Saksi si Bea Pinla.
00:21Sakuhan ng CCTV sa Quezon City noong Martes, minanmanan ng mga pulis ang isang MPV na may kasunod na dalawang
00:28motorcyclo.
00:28Sinundan din ang mga dinaanan ng pulang kotse na ito.
00:32Ang mga motorcyclo at pulang kotse kasi, tinangay umano ng 6 na suspect mula sa isang bahay sa San Bartolome
00:39sa Novaliches.
00:41Ang modus po ng mga suspect po natin ay kakatok sila doon sa gate and may bibigay daw na birthday
00:50cake si Mayor doon sa isang senior citizen po natin.
00:54Kinuha raw ng mga suspect ang loob ng 69-anyos na biktima para papasukin sila sa bahay.
01:01Mahuuna yung mga suspect natin ng babae.
01:05Then after makapasok, doon na susunod yung mga suspect natin ng mga lalaki.
01:10Pagpasok, doon na umano't tinutukan ng baril at ginapos ang senior citizen pati ang dalawa niyang apo na nasa bahay
01:18bago pagnakawan.
01:20Yung mga suspect po natin, tumagal po ng almost 2 hours sa loob ng bahay.
01:28So nagawa pa nilang kumain sa loob ng bahay.
01:34Nakuha yung sasakyan, dalawang motor, laptop and iba't ibang klasin ng mga alahas.
01:42Di bababa sa isang milyong piso ang halaga ng mga natangay ng mga suspect,
01:46kabilang na ang dalawang motorsiklo at ang pulang kotse na ginamit din para tumakas.
01:52Ang puting MPV naman na gamit ng mga suspect natuntun at napagalamang car rental lang pala.
01:59Nalaman din natin na pag-arating na pag-arating, nagpalit ka agad ng sasakyan.
02:06Pagkatapos ng krimen na ginawa nila, sinabi nila na kumonte ang sumama doon sa swimming.
02:13So kailangan namin magpalit na mas maliit na sasakyan.
02:17Dahil may GPS ang nirentahang kotse, natuntun ito ng mga otoridad.
02:22Doon natin nakita yung mga ninakaw na mga gamit.
02:27Yung laptop, alahas, mga IDs, pitaka, hindi na po lahat na recover mom.
02:34Kinabukasan, naaresto sa barangay Commonwealth ang isa sa mga suspect na itinuturong nanutok ng baril sa senior citizen.
02:41Itinanggi ng naaresto ang paratang.
02:44Pero aniya, totoong may dala silang cake.
02:47Siya raw ang nagmaneho ng MPV, pero di raw siya bumaba ng sasakyan noon.
02:51Dapat magsiswimming kami. Yun ang pagkakaalam ko.
02:56Ikot-ikot po kami mom. Ikot, pumunta Manila, ganoon po.
03:01Tapos mga bandang tangali.
03:04Yun na po, nayaya po ako na manihoin ulit yung sasakyan na pupunta doon sa isang lugar.
03:12Hindi ko po alam na may ganoon na modus na gagawin nila.
03:17Patuloy ang paghahanap sa mga tinangay na sasakyan.
03:21Tinutugis pa rin ang lima pang suspect.
03:24Mahaharap sila sa reklamong robbery, car napping at illegal possession of firearms.
03:29Ako si Bea Pinlak, ang inyong saksi.
Comments

Recommended